Ninth Chapter

6.2K 55 1
                                    


Jucylle' sPoint of View

"Sa unang kabanata ng nobela ay--" ipinikit ko ang mga mata ko at pinigil ang antok na humihila sa akin. As usual, Filipino time namin at walang kasawaang reporting na naman ang mangyayari. Buti nalang at 26 pa ang kabanata ko.

Hindi ako nakinig dahil tinatamad ako. Kinuha ko ang librong binigay sa akin ni Bianca kahapon. Ito kasi ang laman ng isang paper bag nya kahapon at yung dalawa naman ay cocktail dress at 3-inches na wedge. Para namang maisusuot ko yun.

Sinimulan ko ang naiwan kong chapter kagabi. Di ko kasi namalayan na nakatulog ako habang binabasa ko iyon.

Di ko namalayan ang oras at nagulat ako ng biglang tumunog ang bell. Hudyat na lunch time. Lumabas ang teacher namin at nagsimula ng magsitayuan ang mga kaklase ko. Friday na pala ngayon at dalawang araw na namang walang gagawin at tatambay sa bahay nila Franco.

Nababahala talaga ako simula ng may makita akong babaeng nakaitim. Ang creepy nya a. Dahil tuloy sa kanya di na ako makatambay sa garden. Nawala ako sa pag-iisip ng maramdaman kong may humila sa akin. Nakita ko si Bianca na nakangiti at hila-hila ako.

"Hindi ko pa naaayos ang gamit ko." sabi ko sa kanya. Wala pa naman akong balak na lumabas ng classroom pero hinila nya ako!

"Kakain muna tayo ng sabayNga palanakita ko na binabasa mo yung libro na ibinigay ko sayo kahapon. Maganda ba?" tanong nya sa akin. Binawi ko naman ang braso ko sa pagkakahawak nya kaya napatigil kami sa tapat ng ladies' room.

"Seryoso ka ba sa ibinigay mo? Cocktail dress at 3-inches na sapatos? Di ako nag susuot ng ganun!" sabi ko sa kanya at nakita kong tumango sya. Napakunot ang noo ko.

"Kaya naman pala kapag may event ang school lagi kang naka-jeans at blouse. Bakit? Ayaw mo ba na ma-expose ang legs mo? OA ha. At talaga namang naka-long socks ka ngayon." puna nya sa akin. Tss. Ano naman kung naka-long socks ako? Wala namang sinabi na bawal mag-ganito.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon