Thirty-ninth Chapter

5K 37 2
                                    

Jucylle's Point of View

Tanghali na ako nagising ng sumunod na araw. Hindi na ako pinapasok ni tita dahil nga daw may sprain ako. Anak ng tipaklong naman kasi yang si Kristoffer e! Masyadong pahamak sa huhay. Kung hindi sana siya dumaldal sa loob ng classroom nila, hindi sana ako magkaka-interes na gantihan siya at mas lalong di sana ako nadapa!

Kinuha ko ang phone ko sa side table at nakita ang unread messages mula kay Bianca at sa iba ko pang concerned classmates. Naks. Masyado naman yata silang nag-aalala para sa akin?

'Kagagahan kasi. Di tuloy nakapasok.' -Bianca.

Napairap nalang ako. Wala talagang awa sa kapwa ang isang iyon. Nakita ko din ang text ni Karla na nagsasabing mag-report nalang daw ako sa school bukas dahil may in-assigned na naman na task sa akin si sir para sa nalalapit na JS Prom. Napasapo nalang ako sa noo. Isa pa pala yun. Wala na talaga akong ibang dahilan para hindi makapunta sa prom ngayon.

"Jocy naman. Aalis ka ng ganyang lagay? At wala ka pang kasama? Sa tingin mo ba ay papayagan kita?" sabi sa akin ni manang ng subukan kong mag-paalam. Kailangan ko na kasi maghanap ng maisusuot. Aba, kung may task lang rin ay dapat maghanda na ako. Nakakahiyang humarap sa iba na naka-uniform.

"Manang naman. Maghahanap lang ako ng isusuot sa prom." dahilan ko ngunit umiling nalang si manang. Ano ba naman yan. Mabuburyo na naman ako dito sa bahay. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumambay sa sala at manuod ng korean novelas. Ng sumapit ang alas-kwatro ay may nag-doorbell sa labas. Hindi ko kayang buksan iyon kaya si manang ang nagkusa.

"Macy!" nakarinig ako ng sigaw kaya naman napatingin ako sa may bintana at nakita si Bianca patakbo sa loob ng bahay. Madapa ka sana ng makabawi ako sayo! Pinatay ko nalang ang TV at tinignan siyang papalapit sa pwesto ko.

"Sabi pala ni sir isa ka sa mga magbabanggit ng last will and testaments sa JS. Saka yung pagpasa ng trono mo sa junior student." napairap naman ako. Akala ko naman kung anong ipinunta yun naman pala! Argh! Kailan pa nga ba ako masasanay sayo Bianca Velasco?

"Wow naman huh. Buong akala ko nagpunta ka dito para kumustahin ako pero binigyan mo pa ako ng stress. Langya kang babae ka." singhal kong nagpatawa sa kanya. Bakit? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Meron ba?

Tumambay lang naman si Bianca sa bahay. Ikinwento niya din ang walang kwentang nangyari sa kanya ngayong araw pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ng sabihin niyang pinuntahan daw siya ni Liam para itanong kung nasaan ako. Buhay nga naman. Bakit ko ba nakalimutang mag-uusap pala kami?

"Infairness, parang aligaga pa siyang maghanap sayo. Nako, Macy. Nag-rejoice lang?" natatawang tanong niya. Nagkibit balikat nalang ako dahil ako mismo ay hindi alam ang dahilan kung bakit gustong makipag-usap sa akin ni Liam.

"Crush ka ba nun, Macy? Nako! Kung ako sayo ay si Arkin ang pipiliin ko dahil halata namang mas lamang iyon. Kulang nga lang sa utak." napailing nalang ako. Kahit naman ako ay si Arkin ang pipi--- wait! Ano ba itong pinagsasabi ko? Di hamak na magkaiba ang tingin ko kay Liam at Arkin. Si Arkin kasi ay gusto ko at si Liam ay kaibigan ko. Ngayon, kung papipiliin ako ay baka mas piliin kong wag nalang pumili. Gulo no? Haha.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon