Seventy-eighth Chapter

1.6K 33 12
                                    

Sorry kung matagal. 

-

Jucylle's Point of View

Napa-buntong hininga ako nang lumabas sa loob ng opisina ko si Leila. Dinalhan niya ako ng tanghalian dahil iyon ang utos ni Ran sa kanya. Nasira tuloy ang balak kong tawagan si Bianca at sabay kaming mag-lunch. But I doubt she's busy too.

A week had passed since I found out about my own pregnancy. Ang hirap tanggapin, hindi ko iyon maitatanggi. It was very unexpected. Noon ko pa nalaman kung kailan alam kong huli na ang lahat para sa aming dalawa ni Arkin. Hindi maikakaila na sadyang mapaglaro ang tadhana. Alam ko iyon dahil ilang beses na akong napag-laruan. I never heard anything about him too, at sa tingin ko'y mas mabuti iyon para magising ako sa katotohanang wala na kami. Nawala lang ako mula sa pag-iisip nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon at agad na kumunot ang noo ko nang makitang galing iyon sa isang unknown number.

"Hello?" Salita ko sa kabilang linya. Maingay doon at puro sigaw ng isang galit na lalaki ang nangingibabaw sa lahat.

"Magkita tayong dalawa, Enriquez. Hihintayin kita." Iyon lang ang narinig ko bago niya pinatay ang phone. It was Olivia. Ano na naman kaya ang problema niya sa akin?

Tumunog ulit ang phone ko at nakalagay sa isang message ang lugar na pagkikitaan namin. Inayos ko ang sarili ko at binilinan si Leila kung sakaling magtanong si Ran kung bakit wala ako. I drove myself to the restaurant at naabutan kong inip na naghihintay doon si Olivia. Wala masyadong tao dahil na rin siguro hindi convenient ang lugar na ito para sa karamihan. Pumasok ako sa loob at hinarap siya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy, Enriquez. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Arkin." Natigilan ako nang muling marinig ang pangalan na matagal ko ng pinaka-iniiwasan. Tinignan ko si Olivia at kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at pagkamuhi na nararamdaman para sa akin.

"Hindi ako lost and found, Olivia. How would I know?" Sagot ko. Suminghap siya at binigyan ako ng kakaibang tingin.

"Hindi na niya kami sinisipot sa trabaho. Hindi na siya pumupunta sa set, shootings at conference simula last week. Alam kong may alam ka dito kaya sabihin mo sa akin ngayon kung nasaan si Arkin." Matigas niyang sabi. Halata ang pagtitimpi niya dahil sa kunot noo niyang ibinibigay sa akin.

"Wala akong alam, Olivia. Wala kang makukuha sa akin. Nagsasayang ka lang ng oras." Kinuha ko na ang bag ko at tumayo mula sa kinauupuan ko. Nakita ko ang pag-sunod ng mga mata niya sa akin na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito!" Tumaas ang boses niya dahilan upang mapatingin ang ibang crew sa amin. Tumayo siya at hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit. Hindi ko ininda iyon dahil alam kong dapat lang itong mangyari sa akin. I deserved this for making a fool out of Arkin.

"Alam kong nagkikita kayo noong mga nakaraang linggo. Hindi ako tanga para hindi mapansin at maunawaan ang mga galaw ni Arkin. Magkasama na kami bago pa man niya malaman ang existence mo at alam kong may mali kaya hindi siya pumapasok. Sabihin mo sa akin, Jucylle. Nasaan si Arkin?" Yumuko ako. Of course, she knew about it. After all, siya si Olivia.

"Hindi ko nga alam.." Bumitiw siya nang marinig ang sagot ko. Marahan kong narinig ang nakakainsulto niyang pag-tawa.

"Wala ka talagang magandang naidudulot kay Arkin, Enriquez. Simula palang alam kong puro ganito lang ang dadalhin mo sa buhay namin! You know what? He's better without you. Noong mga panahong wala ka dito sinubukan niya ang lahat para lang makalimutan ka at maging maayos ang buhay niya. Masaya na siya, ayos na siya, naka-move on na siya sayo pero bakit bumalik ka pa!" Nakita ko ang pagtulo ng mga luha galing sa mga mata niya. Doon ko napantantong mahal na mahal ni Olivia si Arkin. Lahat ng ginawa niya.. All the stupid acts were just because of the love she had for Arkin. She loved him dearly, she stayed loyal despite of everything he had done.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon