Seventh Chapter

6.5K 52 4
                                    

Jucylle's Point of View

Nandito ako sa mall kasama si Bianca. Hang-out daw kami sabi nya para naman magkakilanlan kami. Medyo weird talaga sya. Unang-una, bigla nalang syang nakipag-kaibigan, pangalawa, alam nya ang CP number ko at panghuli, nagyaya sya dito. Medyo creepy.

"So, Macy? What do you prefer? The red or the blue one?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya. Nandito kasi kami sa Karimadon. Bibili daw sya ng dress para sa pupuntahan nila ng family nya.

"I don't really know. Wala naman akong kamalay-malay sa mga ganyang bagay." I said honestly. Aba, alangang magkunwari akong may alam. Sometimes--no "always" pala-- You always have to tell the truth. Para di nagkakagulo at nagkakaproblema. Sabi nga ng isang sikat na quotation at motto ng karamihan ay "Honesty is the best policy."

Napansin kong inirapan nya ako. Ano bang magagawa ko e wala naman talaga akong alam.

"Alam mo, you should come out of your shell -- your comfortzone- kasi kapag lagi kang ganyan,  walang magkakainteres sayo." at napakunot ako sa sinabi nya. Anong interest? Magsasalita pa sana ako ng bigla nyang kinuha yung dalawang dress at dinala sa counter. Sumunod naman ako sa kanya. Pagtapos nyang magbayad ay lumabas na kami doon.

Naglalakad-lakad kami ng bigla syang huminto. Napahinto rin naman ako. Napansin kong may tinitignan sya sa isang restaurant kaya sinilip ko ito. May nakita akong isang lalake na may kasamang babae. Parehas silang di familiar kaya di ko nalang din pinansin.

Kinalabit ko si Bianca pero parang di nya iyon napansin. Bigla ko syang itinulak ng malakas dahilan para magising sya sa katotohanan. Napatingin naman sya saken.

"Goodness, Macy! Bakit mo ba ako itinulak?" tanong nya sa akin. Pinulot ko naman ang nagbagsakang shopping bags at tinulungan syang tumayo.

"Kanina pa kita kinakalabit pero di mo ako pinapansin kaya itinulak kita. Effective pala?" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ipinagpag naman nya ang damit nya at kinuha ang shopping bags mula sa pagkakahawak ko.

"Wa-poise! Paano nalang kung nakita ako nung crush ko na nakasalampak sa sahig ng mall? That's so.. ugh." Sabi nya sabay tingin sa dating direksyon na tinitignan nya. Ahh. Kaya naman pala. Crush nya pala iyon.

"Eh di naman nya nakita kaya okay lang. Saka nasaan ba ang crush mo dyan?Iyon bang lalakeng naka-stripes at may kasamang babae?" tanong ko sabay turo doon. Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa ko. Hinampas nya ang kamay ko at hinila ako palayo. Sakit ha.

Maya-maya pa, huminto kami sa may Worlds of Fun. Anong gagawin namin dito!?

"Ang gulo mo naman kasi kanina e! Paano kung nakita nya ang pagduro mo? Nakakahiya." I rolled my eyes. I mean, seriously? Lahat ng gagawin nya ayaw nyang makita ng crush nya? Sasagot pa sana ako ng may mahagip ang mata ko sa di kalayuan. Bulto ng apat na lalake. Familiar yung tatlo pero yung isa hindi. Parang nakilala ko na sila sa kung saan.

Nawala ako sa pag-iisip ng magsalita na naman si Bianca sa harap ko. Di pa kami masyadong close pero kung makaano e!

"Hoy!! Ang sabi ko kumain muna tayo bago umalis. Ano bang tinitignan mo doon?" tanong nya sa akin. Umiling lang ako bilang kasagutan. Sinu-sino kaya ang mga yun?

Kumain nga muna kami sa may Star bucks bago umuwi. Ng pasakay na ako sa taxi para umuwi, bigla akong hinila ni Bianca. Nagtaka ako ng may iabot sya sa aking 3 shopping bags.

"Next time ulit, bye!" Sabi nya bago ako ipagtulakan sa loob ng taxi. Napangiti naman ako. No one has ever done this thing to me. Napatunayan na siguro sa akin ni Bianca na gusto nya talaga akong maging kaibigan.

Pagdating ko sa bahay nila Franco, bukas ang gate at front door. Napansin ko ding may ibang kotseng nakaparada sa garage nila. Pumasok ako hanggang loob at nakita kong limang lalake ang nasa loob. Si Franco at apat na lalake. Mga nagtatawanan sila at tila di pansin ng pumasok ako. Lalakad na sana ako paakyat ng hagdan ng may nakapansin sa akin.

"Jucylle? Ikaw ba yan?" narinig kong tanong ng isang pamilyar na boses. E? Bakit nya ako kilala? Tinignan ko kung sino sya at napangiti naman ako bigla.

"Leo? Ikaw yan?" tanong ko at napansin kong napalingon ang apat pang lalake sa kinaroroonan ko.

"Franco? Sya ba si Maria?" tanong pa ng isang lalake. Di ko sila gaano nakikita dahil nasa mas bar stool sila at may divider na nakaharang. Maya-maya pa, nasa harapan ko na si Leo.

"Jucylle! Saan ka galing? Wala ka bang klase?" tanong nya pa. Wala naman akong klase tuwing Wednesday at Saturday kaya apat na beses sa isang linggo lang ako pumapasok. Weird nga sa school namin e. High school tapos may ganito.

Sasagot palang sana ako ng may nakita pa akong isang pamilyar na lalake at parehas nanlaki ang mata namin.

"Ikaw?!" sigaw namin sa isa't-isa. Napansin kong nagsilapitan sila malapit sa amin at kunot noong tinignan ni Franco ang lalake.

"She was the girl I was telling you last week. She was the girl who kissed me!" 

Date edited: 21 March 2014

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon