Twenty-sixth Chapter

5.3K 40 2
                                    

Walang hingahang pagta-type. Hahaha!

-

Jucylle’s Point of View

Halos wala akong naidulot na maganda ngayong araw para sa aming experiment. Paano ba naman. Lipad ang utak ko. Nandoon kay Arkin. Naawa na tuloy ako sa groupmates ko. Wala man lang akong naitulong. Kahit ang orasan kung ilang segundo ang experiment ay di ko pa nagawa. Ako nalang tuloy ang gagawa ng results and discussions. Buhay nga naman oh! Sadyang napakahirap. Napailing ako.

“Paano, Jucylle? Kailangan ang results tomorrow? Siguraduhin mong matatapos mo mamaya ah?” sabi ni Karla sabay bigay sa akin ng hand-outs. Ito siguro yung mga nalista nila kanina nung observation. Tumango nalang ako sa kanya at inayos na ang gamit ko.

Nagdiretso ako sa locker room para kunin ang mahiwaga kong bag at umuwi na. Ngunit pagkabukas ko ng locker ay may nakita akong isang red paper na nahulog. Pinulot ko ito ang napakunot-noo ako sa aking nabasa.

‘First warning.’ –O.

Ano na naman kayang kahibangan ito? Nilukot ko ito at itinapon sa trash bag. Baka maling locker lang ang napaglagyan. Medyo tanga a. Baka may surnames naman sa labas ng locker at nagkakamali pa ng paglalagyan. Napairap nalang ako sa kawalan.

Sa sumunod na araw ay ganun pa rin ang routine ko. Ang pagtaguan ang ugok. Minsan nahahagip sya ng mga mata ko na may mga babaeng kasama. Minsan nga ay isa pa sa mga kaklase ko ang kasama nya. Nakapulupot ang kanyang mga kamay sa baywang nito at masaya silang nagtatawanan. Napapailing nalang talaga ako sa nakikita ko.

Ang sabi nya sa akin ay gusto nya ako. E bakit walang patunay? Hindi naman sa gusto ko rin sya pero nakakainis lang kasi diba? Alam mo yung feeling na pinagmumukha kang ewan? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Tuwing naiisip ko iyon, sinasabi ko nalang sa sarili ko na di nga pala dapat ako maniwala. After all, he’s a playboy. He’s good at breaking girls’ hearts.

“Macy!!” narinig kong may tumawag sa akin habang naglalakad ako sa corridor ng classroom namin. Napalingon ang ulo ko at nakita ko si Liam na nakangiting papalapit sa akin. Nginitian ko din sya. Ang tagal na din pala simula ng huli ko syang makausap. Hula ko ay busy rin sila dahil halos ngarag ang mga estudyante sa building namin. Kailangan na ng final grades sa huling linggo ng buwan.

“Liam? Long time no talk.” Natatawa kong sabi sa kanya. Inakbayan nya nalang ako at naglakad kami pababa ng canteen. Wala namang klase ang section namin ngayon. Nasa seminars ang mga teachers. Ewan ko lang sa ibang section.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon