Forty-eighth Chapter

4.7K 33 5
                                    


Jucylle's Point of View

Nagising ako ng bandang 9 AM ng umaga. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba ngayong araw. Siguro dahil kakausapin ni Bianca si Arkin, kasama niya pa si Liam. Wish ko lang talaga na hindi niya sapakin iyon. Wala namang ginawang mali si Liam pero alam kong para kay Arkin ay meron.

Pagtapos kong maghilamos at mag-toothbrush ay bumaba na ako sa dining para kumain ng breakfast. Naabutan kong kumakain doon mag-isa si tita.

"Tita? Bakit ikaw lang mag-isa?" tanong ko. Diba dapat ay sabay silang kumakain nila dad?

"Ahh. Nagkaroon kasi ng emergency sa kompanya nyo. Tumawag ang tito mo kanina kaya nagmadali silang umalis. They didn't bother to wake you dahil alam nilang may problema ka." paliwanag ni tita. Tumango ako bago umupo sa harap niya. Nagsalok na ako ng kanin at ulam sa pinggan ko.

"Jucylle.. may problema ba kayo ni Arkin?" pagkuwa'y tanong ni tita. Sumubo muna ako bago tumango. "Ano naman yun?" tanong pa niya.

"Misunderstanding lang yun, tita. Maliit lang naman pero pinapalaki pa ni Arkin." sagot ko. Feeling ko malapit na naman akong maiyak. Ang sensitive ko na tuloy! Nakakainis.

"Malalampasan nyo rin yan. You just need to give him space." i smiled bitterly. Space? I gave him the damn week, kulang pa ba iyon?

"One week na din kaming di nagkakausap. Tita, dati ba nung nag-away kayo ni tito, anong ginawa mo?" tanong ko. Sobrang desperado na talaga akong makausap si Arkin. Gusto ko ng magkaayos kami dahil miss na miss ko na siya.

"Syempre, pinapalamig muna namin ang sitwasyon. After nun, mag-uusap na kami. Jucylle, kung totoong mahal ka nung tao, hindi ka niya matitiis. Kaya magtiwala ka lang, okay? Hindi ka niya matitiis."

"Sana nga ganun, tita. Pero hindi pa ba sapat yung isang linggo para magpalamig siya?" naiiyak kong tanong. Suminghot ako para pigilan ang pag-iyak. I feel so weak.

"Jucylle.. this is your first misunderstanding. Mas matured ang mga babae kaysa lalaki kaya baka hindi pa nagsi-sink in kay Arkin ang lahat. Wag ka ng mag-alala, okay?" lumapit si tita sa katabi kong upuan at hinagod at likod ko. Hindi ko na napigilan at napaiyak ako. Kailan ba mauubos ang mga pesteng luha na 'to?

"I've been explaining myself to him pero ayaw nita akong pakinggan. I tried to approach him last night pero he told me to just save it. Sobrang nasasaktan na ako, tita. Nung siya naman yung nagkamali, napatawad ko siya. Pero bakit ako hindi niya magawang pagbigyan?" umiiyak kong sambit. Feeling ko medyo gumaan ang feeling ko dahil sa pagsasabi kay tita. She's the closest relative to me. Para ko na rin siyang ate. Lahat ay nasasabi ko sa kanya. Gaya ngayon.. ngayong nahihirapan ako sa aming dalawa ni Arkin.

"Everything will be okay." pinunasan ko ang luha ko saka tumayo.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon