Seventy-sixth Chapter

1.7K 28 3
                                    

 Kapag may napulot kayong memory card sa kahit saan, baka sa akin yun. </3

-

Jucylle's Point of View

"Is it true, Jucylle? Is it true?" He shouted at me. Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. I knew this day would come, but why did it have to be too soon? Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya at ang mabibilis na paghinga niya. Lahat ng iyon ay dahil sa akin.

"I'm so sorry." Hikbi ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero inilayo niya ang sarili sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang lahat. Akala ko mababaw lang ang sugat na maidudulot, pero bakit pakiramdam ko ay napaka-lalim?

"That's not what I wanted to hear from you. Sagutin mo ang tanong ko.. Totoo ba ang lahat ng nakita at narinig ko kanina?" Tanong niya ulit sa akin. Umiiling akong napayuko. Ayoko na ulit siyang saktan, pero nangyayari na.

"Oo. Totoo lahat ng yun." Bulong ko. Narinig ko ang malulutong na mga murang nanggagaling sa bibig niya. I hated that I was the one who's causing him so much pain.

Tinignan ko siya at nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya. Gusto kong punasan ang mga iyon pero alam ko sa sarili ko na hindi pwede. Ilang beses ko bang nasaktan ang lalaking ito? Sinaktan ko siya kahit ang tanging ginawa niya lang naman ay ang mahalin ako ng sobra.

"Fuck. Akala ko totoo.. Akala ko totoo lahat ng ipinapakita mo pero gumaganti ka lang pala. Tangina, Jucylle! Hindi ba sapat na karma ang iwanan mo ako ng higit limang taon?" Sigaw niya. Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa sobrang bara sa lalamunan ko. Bahagya kong narinig ang mga yapak niya pababa at bago pa man siya makatapak sa loob ng elevator ay hinila ko na siya.

"Sorry, Arkin. H-hindi ko sinasadya.." Na mangyari ang lahat ng ito. I never intended to hurt you this way and never did I intend to get my own revenge. Baka noon, oo dahil immature pa ako. I just hoped you felt that what I had shown you was true. I loved you and it was hurting me to see that you're hurt too.

Inalis niya ang kamay ko sa braso niya. Walang katapusan ang pagtulo ng mga luha ko. Wala ring katapusan ang pagdugo ng puso ko. Damn. I should have known it would hurt this bad.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan." Sinundan ko siya sa pagbaba niya. I was calling out his name but no to avail. Pakiramdam ko ay bumabalik na naman kami sa dati. Ganito rin ang nangyari limang taon na ang nakalilipas. Sobrang linaw pa ng mga alaalang iyon sa isip ko. Nagpapaliwanag ako pero hindi niya ako pinapakinggan. Ang nakakatakot lang ay alam ko na kung saan tutungo ang lahat. Magkakahiwalay na naman kami.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nakakaagaw pa kami ng pansin lalo na ng nasa lobby area kami. Sino nga ba naman ang mag-aakalang may isang sikat na superstar sa loob ng kompanyang ito? Sinundan ko siya kahit na naka-long gown at five-inch heels pa ako. Damn.

"Arkin!" Sigaw ko ulit nang papasok siya sa sasakyan niya. Tumakbo ako at biglang isinara ang pintuan. Napatingin lang siya sa akin.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon