Twelfth Chapter

6.1K 56 1
                                    

Jucylle’s Point of View

Bakit naman sa lahat ng pwede kong makita etong hambog pa na ‘to? Nakakasira masyado ng araw!

“Tss.” Narinig kong bulong nya! Aba! Sya pa may ganang mag-“Tss tss” dyan! Halata namang ako ang unang nakakuha ng libro na ‘to noh!

“Bitawan mo na nga. Bibilhin ko na ang libro na ‘to.” Sabi ko sa kanya. Para namang wala syang narinig dahil di nya pa din binibitawan ang libro. Sinamaan nya lang ako ng tingin dahilan para hilahin ko ang kabilang dulo nito.

“Let go of the book. I was the first one who went here.” Malamig na sabi nya. Yung totoo? May emosyon ba talaga ang tao na ‘to?

“Wala akong pake dahil ako ang unang nakahawak nito.” Mariing sabi ko sa kanya. Aba! Kung gusto nya ng away, syempre hindi ako magpapatalo!

“I don’t care. I saw it first.” Sabi nya pa. Pinagsingkitan ko sya ng mata.

Sinubukan kong hilahin ang kabilang dulo pero hinila nya din ito. Buti nalang at wala masyadong tao sa pwesto na ‘to dahil magmumukha talaga kaming tanga. Ako naman kasi talaga ang unang nakahawak sa libro! Bakit ba kasi ipinagdidiinan nya ang di totoo?

“Ano ba? Lalake ka diba? Magparaya ka! Kaya bitawan mo na ‘to!” sabi ko pa sa kanya.

“I don’t do that to someone I barely know.”

Hindi ko na pinansin ang sinabi nya dahil hinila ko ng buong lakas ng libro sa kamay nya! Shet naman! Bakit ba ang lakas lakas nya? Hindi nya pa din nabibitawan! Shet naman e!

“Ano ba? Bibitawan mo o ano? Madami pang libro dyan! Iyon nalang ang bilhin mo dahil wala akong panahong makipag-agawan sayo.” Sabi ko sabay irap sa kanya. Duh, ang dami pa kayang ibang libro dito tapos makikipag-agawan sya sa akin? Di nalang sya humanap ng iba!

“Why don’t you do that instead?” tanong nya na ikinalaki ng mga mata ko. Ako na nga ang nagsabi sa kanya tapos ipapasa nya pa sa akin? Nasaan ang katarungan! Ako na nag-utos, ako pa susunod?

“Wag mong inuubos ang pasensya ko.” Inis na sabi ko sa kanya. Oo! Sobrang naiinis na ako dahil ayaw nyang bitawan ang libro. Hihilahin ko pa sana ito kaso naunahan nya ako dahilan para mapatili ako at mapasubsob sa matigas na dibdib nya.

Sobrang nanlaki ang mga mata ko. Parang napasong humiwalay ako sa kanya at hinablot ang libro sabay sigaw ng..

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon