Twenty-seventh Chapter

5.2K 37 4
                                    

Jucylle’s Point of View

Halos ma-estatwa ako sa kinalalagyan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Ang boses nya. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin o gagawin ko ngayong nasa likod ko lang sya at sa oras na humarap ako ay magkakatagpo na naman ang mga mata namin. Dapat kasi di nalang ako pumunta dito e!

“So kasalanan ko, ganun?” naiinis na tanong ko sa kanya. Napa-singhap sya sabay irap sa akin. Di nya na ako pinansin at dumiretso sya sa may gazebo.

“Tss. Kung di ka late edi sana effective pa ang gagawin ko!” naiinis na sabi nya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi nya. Wth!

“Nag-tagalog ka! Oh my god, Arkin! Nagtagalog ka!” natatawa kong sabi. In fairness, tatas ah. Walang ‘s’ or ‘w’ sound sa dulo. Galing! Clap clap. Pwede ng pumasa sa Filipino subject. Inirapan nya na naman ako kaya tumigil na ako sa pagtawa.

“Can you please be serious? You had me here to wait for you and that’s what I get?” tanong nya sa akin. Napansin kong kinuha nya yung bouquet sa loob ng gazebo at nagtungo ulit sya sa pwesto ko.

“Anong gusto mong gawin ko? Saka ano bang pakulo ito? Nakakaasar a. Imbes na nagpapahinga na ako sa bahay e---“ Di ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko dahil itinapat nya sa pagmumukha ko iyong bouquet. Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

“Can you shut your big mouth for a second and let me speak? And take this trash with you.” naiirita nyang sabi sa akin sabay hablot sa kamay ko at bigay ng bouquet. Ano bang problema ng isang ito?

Tatanungin ko pa sana sya kaso bigla nya nalang akong hinila papasok sa gazebo at inupo ako sa isang upuan. Nagtatakang tinignan ko sya pero nagulat ako ng tumayo sya sa harap ko at kinuha ang gitara sa gilid. Ok-ay? Nagsimula syang mag-strum at may kung anong naramdaman ako sa loob ng tyan ko. Ano ba ‘to?

Pumikit sya at nagsimulang kumanta at mag-strum ng gitara.

“It took one look
 Then forever laid out in front of me
 One smile, then I died
 Only to be revived by you”

Malamig ang boses nya ngayon at di mo talaga aakalain na sya ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ang ganda pakinggan. Ang sarap sa tenga. Ni hindi ko alam na nagi-gitara sya, kumanta pa kaya? Nakakalaglag panty at sa hindi maintindihang dahilan, parang may nagwawala sa loob ko na hindi ko ma-figure out.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon