Sixty-fourth Chapter

3.8K 36 13
                                    

Jucylle's Point of View

"Are you all packed, Macy?" Narinig kong tanong ni Ran sa labas ng kwarto ko. Bumukas iyon at nakita kong nakasimpleng blue and white polo shirt siya at maong pants. Pagtapos kong maglagay ng lipstick ay tumayo na ako at kinuha ang maleta ko. Kinuha ito ni Ran mula sa kamay ko at sabay na kaming bumaba.

"Mag-iingat kayong dalawa sa biyahe." Paalala ni manang bago kami tuluyang pumasok sa loob ng taxi. Binigyan ko siya ng banayad na ngiti at niyakap.

"Mamimiss kita, manang." Natatawa kong sabi. Ngumiti lang din si manang at tinignan ang kabuuan ko.

"Haynako, Jocy. Sige na. Sumakay ka na at baka mahuli kayo sa flight niyo." Tumango ako at sumakay na. Parehas kaming naupo ni Ran sa likod ng driver at agad na nagtungo sa airport.

Thirty minutes lang ang inabot at sakto lang kami sa paglapag ng eroplanong magsasakay sa amin. Nag-check in kami at agad na pumasok sa loob. Malapit ako sa bintana at si Ran sa gilid ko. Nakapikit ang mga mata niya habang nakikinig ng music mula sa kanyang ipod. Sumandal nalang ako sa aking upuan at tinignan ang paglipad ng eroplanong sinasakyan namin.

Sana pagbalik ko ng Manila ay wala na ang lahat ng sakit na dinadala ko. Sana ganun nalang kadali iyon..

Sa buong byahe ay nakikinig lang ako gamit ang earphones ko at pinapanuod lang ang bawat naglalandas na ulap sa sinasakyan namin. I smiled bitterly as I remembered how I felt when I went back to London five years ago. Kasi umamin man ako o hindi, ganung-ganun ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang hirap itago sa sarili ko.

*Last night heard my own heart beating

Sounded like foot steps on my stairs

Six months gone and I'm still reaching

Even though know you're not there*

Paano kung magkita man kami ni Arkin sa pagbalik ko sa Manila? Handa na nga ba ako? O baka magaya lang ang pagkikita namin ni Franco noong nakaraang linggo? Masyado akong nagpadala sa mga emosyon ko noong araw na iyon, dagdagan pa ang pagbabalik ng nakaraan. Nakakabaliw sa pakiramdam na mas gugustuhin mo nalang umalis para malayo sa kanila.

*was playing back thousand memoriesbaby

Thinking 'bout every thing we've been through

Maybe was going back too much lately

When time stood still and had you*

Mariin akong pumikit upang pigilan ang pagbabalik ng alaala ko. Ayoko na. Pwede bang sa pagkakataong ito ay kalimutan ko muna ang sakit na nararamdaman ko? Gusto ko man gawin yun ay hindi pa rin maalis sa sistema ko ang nangyari sa buhay ko. Lalo na nung naaksidente ako para lang makalayo kay Arkin. Napaka-tanga ko. Ilang buwan akong hindi makalakad at umaasa lang sa iba.. That was so stupid of me. Dahil nung mga pagkakataong iyon ay mas inisip ko pa si Arkin kaysa sa sarili kong kalagayan. Nabulag ako.. Kasi kahit nasa ganung estado ay ang tanging hiniling ko ay mag-sorry siya sa akin at magkabalikan kami.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon