Twenty-eighth chapter

5.1K 40 10
                                    

Sorry kung matagal ulit. Bawal mag-puyat e. Enrollment na kase

-

Jucylle’s Point of View

“It’s where they all start. Every relationship starts in ‘Like’. Aren’t you aware of it?” narinig kong tanong sa akin ni Franco. Ngumiti ako ng mapait. Ano bang gusto nilang mangyari? Ang maging kami ni Arkin?

“Don’t you like him?” isang tanong nya pa bago sya tuluyang lumapit sa pwesto ko. Tinignan nya ako habang nakatingin ako sa ibaba. Dahan dahan akong umiling.

“Ano bang naisip mo at tinatanong mo ako nyan? Di ba obvious na ayoko sa kanya?” sabi ko pa.

“I thought you two were okay? Sinundo ka pa nga nya dati sa bahay diba? You had dates with each other. I thought you like him too ‘cause that’s what I see in your eyes. You can’t lie to me, Maria.” Umiling nalang ako sa sinabi ni Franco. Yes, I like him in some ways. But it’s just hard to believe. So hard.

“He said he likes me. I would believe it if it’s true.” Sabi ko kay Franco. Hindi na sya nagsalita at nagulat ako ng hilahin nya nalang ako bigla at ipasok sa loob ng kotse nya. Ano ba ito?

“Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?” tanong ko sa kanya pero parang wala syang narinig dahil kinuha nya ang phone nya at nag-dial ng isang number. Ano bang kaguluhan itong ginagawa nila.

“Hey, Bianca. Yea. Can you take Arkin to my house? Uhhh? Yea. Right now. Thanks. See you there.” Yun lang ang narinig ko at pinatay nya ang phone. Tinignan ko siya ng masama.

“Ano na naman bang kalokohan ito, Franco? Ihinto mo na nga ang kotse! Madami pa akong gagawin.” Reklamo ko sa kanya pero nginitian nya lang ako. Wow ha! Salamat sa pag-intindi!

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya pa ako ng pintuan dahil ako na mismo ang nagbukas at nagkusang lumabas ng kotse na iyon. Tatakbo na sana ako palabas ng subdivision nila kaso naman! Grr. Bakit ba ang bilis manghila ng isang ito! Nakakairita na!

“Bitawan mo nga ako, Franco! Nakakainis ka na ah!” pagalit kong sigaw sa kanya habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak nya sa braso ko. Umakyat kami sa hagdan at halos madapa ako sa bilis ng pagkakahila nya sa akin.

“Pwede namang wag mo na akong hilahin e! Ano ba!” sigaw ko bago nya ako ipinasok sa loob ng isang kwarto. Yung kwarto na ginamit ko nung di pa nakakabalik si tita sa bahay namin. Narinig ko ang pagkaka-lock nya ng pintuan.

“We’re just gonna talk.” Nakangising sabi nya bago ako paupuin ng sapilitan sa kama. Hinawi ko ang kamay nya sa balikat ko at natawa naman sya. Siraulo!

“Hindi ka nakakatawa, Franco.  Pwede ba? Palabasin mo na ako dito ng makauwi na ako.” Naiinis kong sabi.

“Hindi ka uuwi ng di pa kayo nagkakausap ni Arkin, okay? So you stay here for a while.” Yun lang ang sinabi nya bago nya isarado ang pintuan. Napairap ako sa kawalan. Bakit ba kasi sa lahat ng taong magugustuhan ni Arkin e! Hindi naman sa hindi ko gustong nakakagusto sya sa akin kaso nakita nyo ba ito? Kinaladkad ako ni Franco para lang magkausap kami when in fact, dapat si Arkin ang kinaladkad nya dahil ang isang iyon ang may problema at hindi ako!

Humiga nalang ako sa kama na iyon. Unti-unting pina-process ang mga nangyari noong mga nakaraang araw sa buhay ko. Napapikit nalang ako. Ang dami na ngang stress sa school tapos dinagdagan pa nilang lima. Grabe naman talaga! Pwede bang saka nalang sila mang-stress kapag graduation practice nalang ang inaatupag namin? Ang dami pa kasi talagang dapat gawin at idagdag mo pa iyang prom! Tss. Nakakaramdam na din ako ng konting antok dahil sa ginawa namin ngayong araw.

“Pwede namang umidlip kahit saglit diba?”

Nagising nalang ako ng makarinig ng malakas na kalabog sa pintuan. Napakunot ang noo ko bago ko binuksan ang mga mata ko. Nakita ko ang isang lalakeng hinahampas ang pintuan.

“Hoy! Magpatulog ka nga.” Wala sa wisyo kong sabi bago tumagilid at sinubukang matulog ulit. Nakarinig naman ako ng yabag papalapit sa kama.

“Tss. Franco! Bianca! Come on! Open the damned door. I’m not gonna talk to her even if you lock us both forever!” sigaw nya pa. Napabangon naman ako. Ano daw? Ano na naman bang ipinagmamalaki ng isang ito? Na gwapo sya? Na madami syang babae kahit sinabi nya na ako ang gusto nya?! Ganun ba iyon?

“Akala mo naman makikipag-usap ako sayo? No way! Di ako nakikipag-usap sa isang taong sinungaling!” sabi ko sa kanya sabay talukbong sa kumot. Bahala sya sa buhay nya! Sya pa may ganang magalit? Ganun?

“Sasabi-sabihin ako daw ang gusto tapos makikinitaan ko may kasamang babae sa loob ng kotse. At magkalapit pa talaga ang mukha nila at mukha ding masaya a? Magsama sila! Wala akong pake.” Naiinis kong sambit. I don’t know why I’m like this pero anong magagawa ko? Nakakainis sya! Naiinis ako sa hindi malamang dahilan.

I don’t know why I’m like this. I mean, simula nung sinabi nyang gusto nya ako, simula ng i-reject ko sya. I always feel guilty about it. Siguro nga guilt lang itong nararamdaman ko kaya naiinis ako sa kanya. Tss. Paano ko nga ba naman paniniwalaan kung totoo ang sinasabi nya e kanina lang nakita ko may kasama syang babae? I don’t know but I felt a pang inside me. May kirot sa loob ko sa di malamang dahilan. At hindi ko alam kung ano iyon. I should figure out before it’s too late.

Hindi naman sa nagde-deny ako pero unsure pa rin ako! Nung hinarana nya ako (kung yun nga ba talaga ang maitatawag mo doon), I felt something built up inside me. Ang saya saya ko. Sobra. Lalo na nung sinabi nyang gusto nya ako. I mean, sinong hindi matutuwa kung malaman mong gusto ka ng lalakeng kinahuhumalingan ng lahat? It’s like fairytale right? Parang sa panaginip lang nangyayari pero nangyayare sa akin ngayon and it’s too weird for me.

“Ano ba naman kasing nakain nila Bianca at pinagsama pa kami dito? Wala naman akong mapapala.” Tumayo ako at nakita kong nakaupo sya sa may sofa sa kwarto at nakahawak sa sentido nya. Inirapan ko sya at pumunta ako sa pintuan. Sinubukan kong buksan pero naka-lock. Tss! Humanda talaga sa akin ang dalawang iyon mamaya!

“Will you stop that? It’s annoying.” Narinig kong sambit ni Arkin kaya napatingin ako sa kinaroroonan nya.

“Sorry ha? Nung ikaw kasi ang kumalampag okay lang saken e. Kaya wala akong pake sa reklamo mo!” naiinis kong sabi sa kanya bago ko ulit kinalampag ng kinalampag ang pintuan.

Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa akin at isinandal ako sa pader. Nakaramdam na naman ako ng kuryente sa konting hawak nya. Yung familiar scent nya naamoy ko na naman at para akong kinikiliti. Ano ba ito! May super powers na ba si Arkin at isinasalin nya ito sa akin? Tss. Stupid!

“If I tell you to stop it, stop it.” mariing pagkakasabi nya. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak nya sa kanang braso ko. Ngumisi ako. Talaga, tol?

“Alam mo, ang bossy mo. Ganyan lagi ang line mo e. Dapat ganito ‘when I tell you I like you, I really do’ dapat ganun para di ka magmukhang paasa!” sigaw ko sa kanya. Sya naman ang ngumisi sa sinabi ko.

“Didn’t I tell you that last week? ‘when I told you I like you, it’s true’ e?” biglang umurong ang dila ko. Weh? Sinabi nya ba iyon? Talaga?

“H-hindi ko n-narinig! Tama! Wala akong narinig.” Pagpapalusot ko sa sa kanya at nakita kong lumambot ang mga mata nya. Bakit? May mali ba akong nasabi?

“Really? You didn’t hear it? Why? ‘Cause you were thinking about Liam? Really, Jucylle?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya. Ano na naman bang hangin ang pumapasok sa utak ng isang ito?

“W-wala akong sinasabi.” Sabay iwas sa mata sa kanya. Napansin nya iyon kaya hinawakan nya ang baba ko at pinilit na tignan ang mga mata nya.

“Do you like him, Jucylle?”  

Date edited: 25 April 2014

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon