Forty-sixth Chapter

4.7K 37 3
                                    

SPG: Lengwahe.

-

Jucylle's Point of View

Naglalakad ako ngayon pabalik sa classroom namin para kuhanin ang mga naiwang kagamitan ko. Two weeks na rin ang nakakaraan ng matapos ang aming finals. Katatapos lang namin mag-practice ng graduation at break namin ngayon. Isang linggo nalang ang hihintayin namin para maka-graduate. Medyo bitter-sweet ang nararamdaman ko dahil magtatapos na kami at magkakahiwa-hiwalay. Mawawala na ang dating ingay ng classroom. Wala ng magtatakbuhan at magsisigawan sa corridor. Wala ng magkikilitian tuwing breaks at lunch time. Wala na ring mabubully. Nakakalungkot lang isipin na lahat ng bagay, kailangang magkaroon ng katapusan.

"A penny for your thoughts?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Liam. Medyo namiss ko rin ang isang ito dahil pagkatapos ng prom ay di na kami nagkausap. Awkward lang. Ayoko naman kasing paasahin siya.

"Oh, Liam? Pabalik ka rin ng classroom?" tanong ko. Tumango siya sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko.

"Congrats nga pala, Macy. Ikaw ang Valedictorian ng batch natin." narinig kong sabi ni Liam. Napatingin ako sa kanya at nahalata ko ang pag-iwas niya ng tingin.

"Thank you." tanging sambit ko.

Kahapon kasi ay na-announce na ang rankings. Ang vale, salu, first and second honorable mention. Kasunod ko si Bianca. Oo, laging ganun ang nangyayari. Lagi kaming nag-aagawan niyan sa pwesto simula elementary, ang nakakapagtaka lang talaga ngayon ay napirmi siya sa pwesto niya at ganun din ako. Weird.

"Plano? mean.. Saan mo balak mag-college?" tanong niya sa akin. Napaisip ako. I took entrance exams last year, ang kaso ay di pa ibinibigay ng aming guidance counselor ang results sa akin.

"Ah. Pupunta pa ako sa guidance office para makita kung napasahan ko ang mga napagkuhanan ko ng entrance exams. Saka nalang siguro ako pipili." sagot ko. Wala pa kasi talaga akong plano. Gusto ko sana magkasama kami ni Arkin hanggang college kaso mukhang malabong mangyari yun.

"Sabay na tayo? May kukunin din ako sa guidance e." alok niya sa akin kaya pumayag ako. Ayokong pumunta mag-isa doon dahil baka makasalubong ko pa si Olivia. Naiinis na kasi ako sa mga pang-iirap niya kada magkaka-eye-to-eye kami. Nakakasulasok.

Imbes na dumaan ng classroom ay dumiretso na kami ni Liam sa may pathway. Hindi pa naman ako nagugutom at kailangan ko na din talaga makuha ang letters na matagal ng nakatambak sa guidance, di naman kasi ako ini-inform ni ma'am. Pagdating doon ay pinadiretso ako sa isang room, dito kinakausap ang mga estudyanteng may offense. Nakakapagtaka lang, ano bang offense ko?

"Ms. Enriquez.." napatingin ako sa may pintuan. Nakita ko ang prefect officer namin kaya mas nagtaka ako. May kasalanan nga kaya ako?

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon