Seventeenth Chapter

5.8K 45 3
                                    

Jucylle’s Point of View

“Nasaan ka na ba kasi, Macy? Tinalo mo ako ha! Dalawang oras ka ng late! Tapos na ang program!” sigaw sa akin ni Bianca sa kabilang phone.

“Oo na. Paalis na yung kotse.” Sagot ko sa kanya.

Ngayon kasi yung business party ng mga magulang ni Bianca at tama yung nabasa ko. Dalawang oras na akong late. E paano ba naman kasi! Pinag-isipan ko ng mabuti kung pupunta ba ako o hindi. Ng makapag-desisyon naman ako ay kailangan ko pa palang maghanap ng salon para maayusan. Di ko naman inakala na matagal pala magpaayos kaya ayan! Late ako. Hinintay ko pa yung driver ni tita na sunduin ako. Double late tuloy. Tss.

“Dalian mo ha. Di ka VIP.” Huling hirit nya pa bago ibaba ang phone.

Tumingin ako mula sa labas ng kotse. Sa isang hotel daw gaganip iyon at medyo malayo-layo sa lugar namin. Nagtataka nga ako e, bakit sa malayo pa kung pwede naman sa kanila nalang? Malaki kaya ang bahay nila Bianca. Pwedeng-pwede kang magpa-party kung kalian mo gusto. Labo talaga.

Pagkaraan ng thirty minutes ay nakarating na ako sa hotel. Kinuha ko na yung invitation sa bag ko at saka bumaba para pumasok. Hindi ko alam kung anong meron at tinignan ako ng mga guards pagkababa ko palang. Lumapit ako at ibinigay ang invitation sa kanila.

Yung dress na isinukat ko sa boutique nung kasama ko si Bianca ang suot ko ngayon. Wala naman kasing ibang dress ang cabinet ko. Tinernuhan ito ng make-up artist ng gold jewelry at stiletto. Medyo di nga ako sanay kaya three inches lang ang taas nito. Yung buhok ko naman ay naka-messy bun at sobrang light lang ng make-up na suot ko. Kaya di ako makahanap ng ibang dahilan para tumingin sa akin ang mga tao ng ganito.

Huminto ako sa gilid ng pinto. Tinext ko si Bianca na sunduin ako pero sinabi lang nyang dumiretso nalang ako. Labo talaga! Medyo nakakahiya ng pumasok dahil rin late na ako.  Naglakad ako papunta sa pinto ang luminga-linga, sasakalin ko talaga si Bianca kapag nakita ko sya.

Medyo hinila ko pataas ang dress ko dahil masyado itong mahaba at ayokong gumawa ng eksena habang pumapasok ako. I don’t want them to notice me. Pagkapasok na pagkapasok ko palang ay nakita ko na kaagad ang table nila Bianca. She’s with them. Ang grupo nila Franco.

I haven’t talked to them since that night. At parang nakakahalata din naman silang ayoko silang kausapin kaya nilalayuan nila ako. I took a deep breath bago lumakad patungo sa pwesto nila. Nginitian ko si Bianca ng bigla syang tumingin sa akin. Nanlaki pa ang mga mata nito at biglang napatayo.

“Goodness, Macy! You look gorgeous!” umupo ako sa katabi nyang upuan at napansin kong nakatingin silang apat sa akin. Apat dahil si Arkin ay busy sa pakikipaglandian.

“Thank you.” Simpleng sagot ko. Napatingin ako sa kabilang side at nakita ko doon ang mga magulang ni Bianca.

“Akala ko hindi ka na makakapunta. Tatlong oras ka ding late ha!” singhal nya pa sa akin. Bigla namang tumayo si Leo sa table namin at lumapit sa pwesto ko. Napatingin ako sa kanya.

“I know you’re hungry. I’ll come with you.” Ibinaba nya pa ang mga kamay nya sa akin. Weird, I know. Kinuha ko nalang iyon. I don’t wanna be rude. Besides, wala naman silang kasalanan.

Sinamahan nya ako hanggang sa buffet table. Ikinuha nya din ako ng plato at kutsara. Kumuha ako ng sakto lang na makakain ko at bumalik na sa pwesto namin.

“So.. are you okay with them?” napatingin ako sa tanong sa akin ni Bianca.

“Yea. Siguro?” sagot ko. Naisip ko lang nung mga nakaraang araw na wala naman talaga silang kasalanan. Sa akin lang yon. Ako lang ang may problema dahil ginawa kong big deal ang pagkakakita kong nakikipag-make out nila. It’s the new generation. At sa tingin ko ay ako nalang ang Maria Clara kung gumalaw ngayon, but I don’t want to change it.

“So? Are we already good, Jucylle?” napatingin naman ako kay Arnel at binigyan sya ng ngiti.

“At last! We’ve been thinking on how to say sorry to you. I mean, what you saw was..”

“Okay lang. Di lang talaga ako sanay sa ganung mga bagay. At.. sorry din dahil hinusgahan ko kayo.” Sabi ko sa kanya. Isa-isa naman silang lumapit sa akin at niyakap ako.

The night went well. Really well. We talked about random stuffs. Umiinom din sila. Binigyan din nila ako ng wine para mainom.

“Where did you buy your dress? It fits you well.” Sabi sa akin ni Arnel. Napailing nalang ako. Di ako sanay sa compliments ang yet.. they’re telling me too much.

“It looks good on her right, Kristoff?” pang-asar na tanong ni Leo kay Kristoffer. Hindi ko alam kung bati na kami neto e. Papansin pa din kasi sya. Kanina nya pa ako binabara e di ko naman siya inaano! Bigla syang umirap sa akin at tumingin sa kabilang side.

“Kahit sobrang labag sa kalooban ko.. Oo. Maganda ka.” Bulong ni Kristoffer. Hindi ko alam pero napangiti ako. Nakilala ko kasi sya bilang pervert.

“Maybe you’re just lusting for her.” Singit naman ni Arkin kaya napatingin ako sa kanya. Lumaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya. Seriously?

“Stop it, dude.” Bulong ni Franco. Tumingin pa sa akin si Arkin.

“What? You don’t compliment girls unless you want to do something with her.” Naiinis pa na sabi ni Arkin. Tinignan ko sya ng masama at di naman nya binawi yung mga titig nya.

“Hoy, Hambog, ang bastos mo rin e no?” Ayoko sana sumigaw ngayon dahil alam kong maririnig nila pero kasi naiinis na ako kay Arkin e.

“Guys, will you please stop it?” Bianca.

“Hindi. Binabastos ako ni Arkin!” sigaw ko pa. Napapansin ko ding madami ng taong napapatingin sa pwesto namin kaya hinigit nila Leo si Arkin patayo at hinawakan naman ni Bianca ang braso ko.

Hinila nila kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa may likod ng hotel. Binitawan ni Leo si Arkin at ganun din ang ginawa sa akin ni Bianca.

“Hindi dapat kayo nagsigawan doon.” Naiinis na sabi ni Bianca sa aming dalawa.

“Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kong bastusin ako ni Arkin? Ano ba, Bianca? Di mo ba naririnig yung mga sinasabi nya?” sigaw ko. Ngayon lang ako nainis ng ganito at hindi ako makapaniwalang kay Arkin pa.

Akala ko okay na kami. I mean, akala ko nung araw na pinapili nya ako ng lintek na relo na yan ay magiging maayos na kami! Pero the hell! Bakit ba nakikita ko syang paiba-iba ang mga kasamang babae? Hindi ko alam pero naiinis talaga ako! Girls are not toys!

“Let’s leave them here and let them talk.” Biglang sabi ni Kristoff. Isa-isa silang nag-alisan at ng mapatingin ako kay Franco ay parang nag-aalangan pa ito pero umalis na din.

Saglit ko pang tinignan si Arkin bago ako umalis sa tabi nya at umupo sa gilid ng fountain.

“Ano ba talagang problema mo sa akin ha, Arkin?” naiinis kong tanong sa kanya. Tinignan nya ako.

“Can’t you answer it, yourself?” pabalik nyang tanong sa akin.

“Magtatanong ba ako kung alam ko?” tanong ko ulit. Nawawalan na talaga ako ng pasensya at konting-konti nalang ay mapipikon na ako. Hindi naman siya sumagot at tinalikuran lang ako. May pagka-bastos talaga ang tao na ‘to no?

“Nagtatanong ako kaya huwag mo akong basta tatalikuran!” sigaw ko pa sa kanya bago ako tumayo. Lalakad na sana ako papalapit sa kanya ng bigla syang humarap sa akin. He is wearing a grin.

“Don’t you remember something?” he asked wearing his devil grin. Umiling ako.

“Ano bang sinasabi mo? Diretsuhin mo nga ako!”

“You pissed me a lot. ‘Cause you look like someone I tried so hard to forget.”

Date edited: 6 April 2014

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon