Sixty-second Chapter

3.8K 38 3
                                    

Jucylle's Point of View

"Ju..Jucylle?" I drew a step back as I looked at the familiar set of eyes. No. Hindi dapat 'to mangyari. Hindi dapat kami nagkita! Agad kong pinunasan ang luha ko at tinalikuran siya. I was about to run when he grabbed my wrist and made me face him. 

"You're back and you didn't even tell us?" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero masyado itong mahigpit. I was forced to look at his eyes and there.. I saw pain. Agad akong umiling ng maramdaman ko ang muling pag-iinit ng mga mata ko. 

I never thought of seeing him. Bumabalik na naman yung sakit na matagal ko ng sinubukang alisin at sunugin sa loob ko. Pero bakit kahit anong gawin ko, kapag nakikita ko sila.. masakit pa din? Hindi na ba talaga gagaling yung sugat na matagal na nilang ibinigay sa akin? Sawang-sawa na akong maramdaman 'to. 

"Let me go. Ayokong makipag-usap sayo." I told him. I felt he slowly released his grip from me. The moment he put his hand down, tumalikod ako at tumungo sa elevator. Just when I was about to press the button, he spoke..

"Sinong gusto mong makausap kung ganun? Si Arkin? Kaya ka ba nasa harap ng unit niya?" Matigas niyang sabi. Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng mapait na ngiti. This was what they deserved. The people whom I trusted most were the ones that hurt me.

"I don't need to explain myself to you, Franco." Iyon lang ang tanging nasabi ko at agad na pumasok sa loob ng elevator. I immediately pressed the close button at sobrang nagpasalamat ako ng mabilis na sumara iyon. 

Agad kong pinakawalan ang hiningang matangal kong pinigilan dahil sa presensya ni Franco. I felt like I was suffocated. Masama talaga ang epekto sa akin ng mga presensya nila. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko at pakiramdam ko ay tinutusok ng milyong-milyong karayom ang puso ko. Masyadong mababaw ang salitang masakit para maipaliwanag ang nararamdaman ko sa gabing ito. At sobrang pinagsisisihan ko ang pagpunta sa unit ni Arkin.. Maling-mali. Now they know I was here.

Pagkababa ko ng elevator ay agad akong tumakbo papuntang parking lot. I was afraid Franco would follow me and ask me questions I never wanted to hear. I was scared that he would feed me lies like they did before. I didn't want everything to be back at square one. I tried so hard to let go of their memories at ayokong sa isang iglap ay mawawala ang pinaghirapan ko ng limang taon. I just didn't want to be the girl I was before.. I was so stupid, so dumb and so in love that I depended my everything at them. 

Nanginginig pa akong pumasok sa loob ng aming bahay. Madaling araw na at patay na rin ang mga ilaw sa buong bahay. Napaupo ako sa kama at doon ko hinayaang magsituluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Wala akong makakausap at malalapitan ngayon.. This was how I felt when I went back to London. Wala akong mapagbuhusan ng sakit at inakalang sobrang mababaliw ako. I wished Ran was here to comfort me.. but he had more important things to do than to just listen to my endless complains.

I was no good for him and definitely.. no good of everyone.

My morning was so gloomy. Ang tahimik sa bahay at mag-isa lang akong kumakain ng breakfast. I didn't have enough sleep today at ayokong mag-stay ulit sa kwarto. Maalala ko lang ang mga nangyari kagabi. Binilisan ko ang pagkain at nagpunta na sa kompanya namin. I knew I was suspended pero mas piniling ko pa ding pumunta dahil alam kong may pagkakaabalahan ako dun. Sana ay nakauwi na si Liam para may makausap ako kahit sandali lang. 

Naabutan kong sobrang busy ang mga employee, dahil na rin siguro sa next launching namin. Tumuloy ako sa office namin ni Ran at nakita ko pa ang kanyang sekretarya na mukhang nagulat dahil nandoon ako. 

"Kailan babalik si Liam at Ran?" I asked. She immediately stood up and bowed her head on me. Kinuha niya ang notebook niya at agad na hinanap ang schedule na hawak niya. I guessed she's too busy to remember. Pinapahirapan ba ni Ran ang sekretarya niya? 

"Si Sir Liam po ay nakabalik na sa London noong Tuesday pa at si sir Ran naman po ay babalik sa Saturday." Agad na kumunot ang noo ko sa sagot niya. 

Bumalik si Liam sa London ng bumalik ako dito sa Pilipinas? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Wait, was he aware na babalik ako? Napapikit nalang ako sa sobrang daming bagay na umiikot sa isipan ko. Tumango nalang ako sa sagot niya at pumasok na sa loob ng office namin ni Ran.

Kinuha ko ang phone mula sa bag ko at dinial ang number ni Liam. I don't care kung anong oras na sa London ngayon, point was, hindi niya sinabi na babalik pala siya ng London! Madaming beses ito nag-ring bago niya sinagot, mukhang nagising ko pa siya mula sa pagkakahimbing..

"Why didn't you at least tell me that you've already landed in London?" Galit kong tanong. Ang mas nakakapagpainis pa sa akin ay ang hindi niya pagsabi na nasa London siya. Nakakaasar sa madaming punto at paningin. 

"You called just to ask that?" May bahid ng inis ang boses niya. Umirap ako sa kawalan.

“What else then? Kailan ka babalik?” I asked. Nakarinig ako ng malalim na singhap mula sa kabilang linya.

“Hindi nga talaga siguro sinabi sa’yo ni tito. Kayo lang ni Ran ang assigned dyan, Macy. I came to close the deal and to check the new site.” Hindi ko na nagawa pang pagsalitaan siya dahil bigla niyang pinatay ang phone.

Inihagis ko ang bag sa sofa at agad na naupo sa swivel chair. Who was I gonna talk to now that Liam’s gone? Napailing ako at napahawak sa sentido. Everything was bottled up inside me and I wanted to really burst out. Hindi ko lang alam kung kanino at sino. Liam’s back in London and Ran’s not here.. Isa pang nakakapagpairita sa akin ay ang hindi pagiging tapat ni dad. He should’ve told me and explained to me what he wanted. Pakiramdam ko tuloy ay isa na naman akong puppet na pinapagalaw niya ayon sa gusto niya.

Nawala ako sa pag-iisip ng may kumatok. Nakita kong pumasok si Leila at isinara ang pinto.

“What is it, Leila?” I asked, exhausted. Ang aga-aga pero pakiramdam ko ay sobrang pagod at drained na ako sa lahat. Yes, I was. From all the things that’s happening right now.

“Someone wants to talk to you..” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sino naman ang makikipag-usap sa akin? Ran and Liam’s not here.. Bianca, perhaps? Or.. Olivia?

“I’m not expecting anyone. Sino ba yan?” Tanong ko. Dahil kung si Bianca o Olivia ang isasagot niya ay agad ko silang ipapatapon palabas. I was not in the mood for some bitter flashbacks or fake sorry’s and fucking lies.

“Lalaki po. He said he wanted to see you.” Tumango nalang ako ng marinig kong lalaki ang gustong kumausap sa akin. Now, I was wondering.

Pagkalipas ng tatlong minuto ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Tinignan ko kung sino ito at agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko..

No..

Date edited: 23 October 2014

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon