Forty-fourth Chapter

4.8K 39 3
                                    

Jucylle's Point of View

"Both of you, detention!" wala akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang sa nanggagalaiti na guidance counselor namin. Well, we're busted. Nakita pala ng isang guard ang pagtalon ko sa malaking pader. Damn, dapat talaga ay di ko na pinatulan ang gusto ni Arkin.

"Very disappointed at you, Ms. Enriquez. You're running for Valedictorian and yet, anong ginawa mo? Tumakas ka with that guy from the sixth section! Goodness gracious, where did all your senses go?" sigaw niya pa. Nakayuko lang ako ngayon dito. Damn, di lang pala ako sa bahay masesermunan kundi dito din. Damn that escape thing!

"And you, Mr. Delos Reyes! Trying your luck to get the smartest girl in the campus? Wala ka ba talagang pinapatawad? Last year's issue was you having a relationship with a teacher! Di ka ba nagsasawang makita ang pagmumukha ko? Sawang-sawa na akong isulat ang pangalan mo dahil sa kabulastugan mo!" napatingin ako kay Arkin. Ano? May naka-relasyon din siyang teacher? Nag-init ang ulo ko sa narinig. Wala ka talagang pinipili, Delos Reyes. You're a freakin' playboy!

"Umalis na kayo sa harapan ko bago ko paliparin ang lamesa sa pagmumukha mo, Delos Reyes. Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay wala kang ibang ginawa kundi sakit ng ulo! Labas! Pumunta kayo ng detention room! Bilangin nyo ang hibla ng walis tambo at walis tingting! Alis na!" sigaw niya bago sukong napaupo sa upuan. That was hard. Tumayo na ako at lumabas ng guidance. Ito na ang una't huling mapapagalitan ako ng guidance counselor. Damn. Naglalakad na ako papuntang detention room ng biglang may humila sa braso ko.

"Hey." tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Kristoff will cover up, do you know how much happiness you'll get when you escape! Really, Arkin? Ito ba yung happiness na makukuha mo? Nakita mo ba ang reaction ni ma'am? Halos putukan siya ng ugat dahil sa ginawa mo! At ano daw? Nakipag-relasyon ka last year sa isang teacher? Wala ka bang pinipili, Arkin at pati teacher! Damn!" sigaw ko sa kanya bago naglakad ulit. Naiinis ako sa kanya. Sobra. Sana ay nag-isip muna ako ng maayos bago sumama sa kanya. Nakakainis!

"Why? Didn't you enjoy the time you had with me after we escaped? Didn't you get the satisfaction of being with me, that's why you're so mad? Or is this about the relationship I had with the teacher last year? C'mon, tell me." napatigil ako sa sinabi niya.

"Hindi ito tungkol doon. Tungkol ito sa kalokohan mo. Di mo ba alam na grounded ako for this week dahil 12 na ako nakauwi? Alam mo bang naka-freeze lahat ng credit cards ko at alam mo din bang kinuha pati ang cellphone ko kaya wala tayong magiging communication?" naiinis kong sambit. Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit ako naiinis. Damn.

Kinuha ni mommy lahat! Pati ang laptop at tablet ko kinuha niya. Di pa siya nakuntento dahil pati credit at ATM cards ko ay kinuha din. Walang ibang laman ang wallet ko kundi singkwenta pesos! Hatid-sundo din ako ni manong ngayon! Nakakaasar talaga!

"Is that why you're so grumpy today?" tanong niya habang lumalapit sa pwesto ko. Napairap naman ako. Hindi nya ba nakuha? Hindi kami makakapag-usap after uwian dahil wala akong gamit ni isa. Paano na ito? Sa school nalang kami magkikita? And to think na magkaiba kami ng buildings?

"You don't need to worry. can lend you another phone." iginiya niya ako sa paglalakad.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon