Chapter 33 | Ruined

1.5K 109 35
                                    

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, wala naman silang sinabi sa akin at basta-basta na lamang akong hinatak palabas ng academy, hindi man lang ako pinatapos kumain. Kasama ko si Angel at Trisha, hindi sumama ang mga lalaki sa amin dahil may ibang lakad daw sila, habang si Lemon ay may gagawin sa kaniyang laboratory at si Musa ay may inutos daw sa kaniya si Headmistress.

Nasa bayan kami ngayon, nasa gitna ako nilang dalawa at nakayakap sa kaliwang braso ko si Trisha habang naglalakad.

"Seriously, where are we going?" Luminga-linga ako sa paligid, marami rin ang mga taong namimili sa iba't ibang bilihan, araw-araw naman siguro eh. Maingay ngunit mukha namang masaya ang mga mamayan dahilan para mapangiti ako.

"Shopping~" masayang saad ni Trisha habang may hina-hum na kanta.

"It's been a long time since I bought some dresses, I totally missed spending my money." Angel slipped her hands in her bag and took her wallet out and opened it before she counted the money inside of it.

"Ihh, buti na lang hinayaan tayong lumabas ni Headmistress." Ngumuso si Trisha nang sabihin niya iyon. "Nabo-bored na ako sa loob ng academy tapos kapag naman pinapalabas tayo ay dahil may misyon tayo, amp!"

I smiled and pat her head. "Yep, good thing she let us out to relax."

Pero hindi naman ganito ang relax para sa akin, mas gugustuhin ko pang humiga na lamang sa kama ko at matulog buong araw, o 'di kaya ay magpa-spa.

"Sayang dahil hindi sumama sa atin si Musa at si Lemon, gusto ko pa sanang makilala ng husto si Lemon." Mas lalong humaba ang nguso ni Trisha saka bumagsak ang balikat ngunit kalauna'y nagliwanag rin ang mukha nang may makita siya na kung ano.

Sumunod ang mga mata ko kung saan siya nakatingin at nakita ko ang isang store na hindi kalayuan sa amin, mukhang bagong bukas ang store na 'yon dahil sa may naka-post na 'Free sweets for ten first costumers', nakasulat 'yon sa isang maliit na board sa labas ng store.

"Freshly open store!" tili ni Trisha saka nagtata-talon pa, at bago pa ako makapagsalita ay nawala na siya sa kaniyang kinatatayuan.

"Uh... where did Trisha go?"

Bumuntong-hininga ako saka itinuro ang store na kakabukas lang upang masagot ang tanong ni Angel.

She shrugged. "Let's check it out, let's go!"

Maraming tao kaya nahirapan pa kaming dumaan. Hindi naman ito ang plano ko ngayong araw, ibang-iba. Matutulog at kakain ang plano ko pero heto ako ngayon, nakasunod kay Angel at Trisha papunta sa isang store. Ngunit hindi 'yon ang inaalala ko ngayon, may malala akong problema ngayon, at 'yon ay wala akong niisang perang dala.

Nang makarating sa store ay agad kaming pumasok sa loob, mayroon pang maliit na bell na tumunog mula sa itaas ng pintuan hudyat na may pumasok na bagong costumer. Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng store, marami na rin ang taong nasa loob at mukhang magbabayad kami dahil huli na kami, mayroon ng sampung constumer ang nabigyan na ng inumin at makain. Tumigil ang mga mata ko kay Trisha na nasa counter at lumilinya para um-order, dalawang tao na lang ay makaka-order na siya.

Agad kaming lumapit sa kaniya.

"Trish, sana hinintay mo man lang kami," pagreklamo ni Angel saka kinuha ang pera sa wallet niya at ibinigay iyon kay Trisha. "Mag-order ka para sa amin, piliin mo 'yung masarap ha?"

"Okie-dokie!"

Tumingin ako sa taas ng counter na kung saan naroroon ang mga pagkaing hinahain nila rito. Ang tanging nakasulat lang doon ay matatamis na pagkain. Tumitig ako sa larawan na may nakasulat na pangalan sa baba nito na 'cookies'.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now