Chapter 21 | Hidden Palace

1.9K 144 19
                                    

"A palace inside the academy?" Nagtatakhang tanong ni Nath. "Isn't it weird?"

Bumuntong-hininga ako. "Indeed."

Hindi rin ako makapaniwala na may palace sa loob ng academy, at hidden palace pa 'yon! Siguro mahalaga ang lugar na 'yon kaya itinago nila sa mga estudyante. Well, may dahilan rin naman si Headmistress kung bakit niya sinabi sa amin ag tungkol doon, baka daw may makita kami doong makakatulong sa misyon namin.

Ang arte-arte kasi ng child of Destiny na 'yan, 'di na lang magpakita. Gusto-gusto niya rin magpahanap, pa-special, tsk.

"Hmp! Sana naman magbigay ng kaunting sign 'yung anak ng Destiny na 'yon para naman madali lang natin siyang hanapin," bored na saad ni Trisha, nakabagsak ang mga balikat niya habang naglalakad, mukhang naiinis na rin siya.

"Well, isn't it nice?" Musa said in a sing-song voice, I think. Para kasi siyang kumakanta lang pag nagsasalita, ang sarap pakinggan. "We're like playing hide and seek. We seek and she hides, thrilling right?"

"Oo nga 'no!" Parang nabuhayan si Trisha matapos marinig ang sinabi ni Musa. "Okiiee! Kapag nahanap natin siya dapat tayo naman ang magtatago, siya naman ang maghahanap sa 'tin."

"Trisha, please just this once, use your fucking brain." HInilot ni Angel ang sentinado niya habang umiiling.

Lumabas na kami ng gusali saka lumiko at hinanap ang tunnel na sinasabi ni Headmistress. Napatingin ako sa pader ng academy at napansin ang mga veins na nakadikit sa pader, wala na rin kasing pumupunta rito sa likod ng academy kaya hindi na nila nililinis.

"Is that the tunnel that Headmistress was talking about?" Itinuro ni Winter ang isang tunnel na nasa dulo lang. "Ang weird nga tignan. I mean, ang pangit tignan, dapat kasi nilagyan nila ng kaunting design-"

"Oh just shut up," inis na saad ni Angel saka nauna ng lumapit sa tunnel.

"I can smell magic in here." Rinig kong sabi ni Sky sa likod. "A different kind of magic."

"Sure?" tanong ni Nath.

"Hmm-mm." Tumango si Sky.

Napatigil na lamang ako sa paglalakad at napakunot ang nuo nang mapansing may parang gold linings sa pader na nasa tabi ng tunnel pero natatakpan 'yon ng mga ugat kaya hindi kita masyado, pero kapag titigan mo ng matagal ay mapapansin mo 'yon.

Dahan-dahan akong lumapit sa pader at hindi pinansin ang mga kasama ko na nauna na sa akin lumapit sa tunnel. Hinawakan ko ang pader at sinubukang alisin ang mga veins na nakaharang ngunit masyado 'yong marami kaya tumigil ako saka bumaba ang tingin sa kamay kong may dumi na.

"Rain..."

Huminga ako ng malalim at lumayo ng kaunti sa pader bago itinapat ang aking mga palad roon. I flinched when I felt the energy flowing on my body running up to my hands, and as I motioned both of my hands I felt like I was under the water, it is heavy but it's relaxing.

Matapos kong igalaw ang mga kamay ko ay biglang may lumabas doong tubig at malakas ang pagkakatama no'n sa pader dahilan para maalis ang mga veins.

"Rain, anong ginagawa mo?"

Naririnig ko ang mga tawag sa akin ng mga kasama ko ngunit hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Ilang segundo lang ay itinigil ko na 'yon saka dahan-dahang ibinaba ang aking kamay habang nakatingin sa simbolong nakaukit sa pader.

Naramdaman kong tumabi ang mga kasama ko sa akin at tinignan rin ang simbolong nakaukit sa pader. Ang linings ng simbolong iyon ay kulay ginto, at ang kulay nito ay itim, hugis ng araw, at parang kumikinang 'yon.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now