Chapter 47 | Sneak And Steal

1.1K 95 9
                                    

[Part II of Chapter 47: Their Way]
___

"What are we doing again?" I heard Winter whispered behind me.

Bumuntong hininga ako saka inilibot ang aking paningin sa paligid. Madilim ang buong lugar ngunit nakikita naman namin ang aming dadaanan dahil sa ilaw na nanggagaling sa ceremonial hall kung saan nagaganap ang ball.

Maingat at alerto kaming naglalakad sa hallway ng isang gusali rito sa academy. At nang dahil hindi pa kami nakakapagbihis ay ang ginawa ko na lamang ay hawakan ang dulo ng gown ko para naman hindi ako matapilok dahil doon, tinitiis ko rin ang sakit ng mga paa ko dahil sa heels na suot ko ngayon. Kahit mukhang namamaga na iyon ay tiniis ko pa rin ang sakit.

Ang sabi kasi ni Nath kanina ay pupunta raw kami sa office ni Headmistress at kukuha ng impormasyon tungkol sa kaniya. Hindi ko nga alam kung ano ang plinaplano ng kumag na 'yon basta ang sinabi niya lamang sa aming tatlo ay dapat makuha namin ang profile ng isang estudyante rito sa academy. Tatlo lang kami ang inatasan niya para sa gawaing ito, ako, si Winter, at si Nix.

"We're going to steal some information about her," I answered Winter.

"Lemon, we're not stealing." Rinig kong bulong ni Nix na nasa unahan ko.

"Then, ano ang tawag mo sa ginagawa natin ngayon?" sarkastikong sabi ko. "It is forbidden to sneak into the headmistress' office without her permission. Puwede rin naman natin sabihin na lang kay Headmistress ang nangyari kay Musa at Rain, I'm sure makakatulong pa siya."

"Just stick to the plan, Lemon." I rolled my eyes at his coldness.

"Si Nath na lang palagi 'yung nasusunod," nagtatampong saad ni Winter. "Puwede rin naman ako ah! Mas mautak ako kaysa sa gagong 'yon."

Nakasimangot ko lang siyang tinignan at hindi na sumagot. Nath is different. As I said, he is dumb sometimes but he can be wise and responsible. He can be a king, a wise king... but sadly, he is not.

Tumigil kami sa harap ng pinto ng office ni Headmistress. Tinitigan ko ang mga iba't ibang hugis na nakaukit sa pintuan ng office. Sunod kong tinitigan ang pangalan ni Headmistress na nakasulat sa gitna niyon, kulay ginto ang kulay ng bawat letrang nakasulat doon at kumikinang-kinang rin iyon.

"We're not stealing." I looked at Nix after he said that. "We're just borrowing."

Inilabas niya ang kaniyang kanang kamay na kanina ay nasa loob ng kaniyang bulsa. Sa isang kumpas niya lang ay may nabuo ng isang susi na yari sa yelo pagkatapos niyang hawakan ang keyhole ng pintuan. Pagkatapos ay, walang pagda-dalawang isip na isinuksok niya iyon sa keyhole at saka inikot.

A clicking sound was heard after he did that.

"It opened," I whispered to myself.

Winter was the one who opened the door after checking if no one is around. Mukhang abala ang mga estudyante at professors sa ball, pati na rin ang mga kawal ay nakuha na rin ang atensyon nila ng ball kaya siguro walang nakabantay rito.

Nang mabuksan na ang pintuan ay isa-isa kaming pumasok sa loob ng office, maingat at natatakot makagawa ng tunog. As we entered, dark was the one who first greeted us inside. Walang kailaw-ilaw, ngunit ang hindi alam ng dalawang kasama ko ay may kakayahan akong makakita sa dilim. Nakikita ko ang dalawa kong kasama na mukhang nahihirapan na maghanap ng ilaw rito, kaya naman lumakad na ako palapit sa lamp na malapit lang sa table ni Headmistress at binuksan iyon.

Nang mabuksan iyon ay nakita ko ang dalawa kong kasama na nakatingin sa akin habang nakakunot ang kanilang mga nuo. "What?"

"Hala, paano ka nakapunta riyan?" pagtatanong ni Winter dahilan upang mapairap ako.

"Palagi akong ipinapatawag ni Headmistress kaya alam ko na ang kabuuhan ng office niya," I lied. "Now, let's look for the profiles of the students before someone will notice us."

Tumango sila at saka nagsimula nang halughugin ang mga kagamitan ni Headmistress, habang ako naman ay nagtungo sa table table ni Headmistress at binuksan ang mga drawers roon isa-isa.

I tried to be calm as possible, kasi kapag susugod agad kami ng walang plano ay baka matalo lang kami. Dapat isipin muna namin ng mabuti kung ano ba ang dapat naming gawin bago kami sumugod, we need to outsmart the enemy so that we can win this battle. Naisip kong walang patutunguhan kapag magpapadala kami sa galit o emosyon namin. At isa pa, hindi pa namin alam kung saan ba kami susugod. Naisip ko rin na baka may plano si Nath kaya niya kami inatasan na nakawin ang profile ng isang estudyante rito.

Lumuhod ako upang makapantay ko ang pang-ibabang drawer dahil naririto ang mga profile ng mga estudyante. Inayos ko muna ang aking salamin bago ko hinanap ang pangalan niya. Ang daming mga folder ang nasa loob kaya nahirapan pa akong maghanap, at alam ko naman na hindi lang rito inilalagay ni Headmistress ang mga ibang profiles, dahil hindi naman magkakasya sa isang drawer ang lahat ng profiles ng estudyante.

Nang mahanap ko na ang profile niya ay agad kong isinara ang drawer at akmang tatawagin na sina Nix at Winter para makaalis na kami rito nang bigla kong nakita ang profile namin ng mga Titans sa taas ng table ni Headmistress kaya napatigil ako. Nahagip ng mga mata ko ang pangalan ni Rain na nakasulat sa folder at bigla na lang napakunot ang nuo. Ang profile lang kasi ni Rain ang tanging naiiba sa amin dahil may seal sa baba ng pangalan niya, na hindi ko naman maintindihan kung ano 'yon, wala rin naman akong nabasa tungkol sa seal na 'yon. Because of curiosity, I opened the folder and scanned the paper with my eyes.

Wala naman akong nakikitang hindi normal no'ng nabasa ko ang profile ni Rain, kaya akma ko na 'yong isasara ngunit napatigil ako dahil may nahagip ang mga mata ko sa pinaka-baba ng papel. Nasa baba talaga 'yon kaya siguro hindi ko nakita, maliit rin kasi 'yung mga letra na nakasulat sa mga profiles namin.

Mas lalong kumunot ang nuo ko dahil sa nabasa, and for some reason, it got my attention...

"Blood: Unknown."

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now