Chapter 11 | The Case in Clover City

2.5K 142 56
                                    

WARNING| THE FOLLOWING CHAPTERS ARE NOT OFFICIALLY REVISED AND MAY CONFUSE THE READERS SINCE ALL OF THE EVENTS ARE NOT YET WELL ARRANGED AND ARE STILL IN NEED OF REVISIONS!

Trisha's Point Of View
___

Inabot ko kay Rainy ang rice cake na kinakain ko. "Gusto mo?"

Napapansin ko kasi na hindi na siya masyadong nagsasalita, parang may bumabagabag sa kaniya. Gusto ko ma-know, para makatulong ako. Kapag kakausapin namin nagugulat pa siya tapos palagi siyang nakadikit kay Nath, parang natatakot siya. Ano kayang ginawa ni Nath sa kaniya noong nag-training sila?

Umiling siya at iniwas ang tingin sa akin at tumingin sa bintana ng tren. Sinubo ko na lang ulit ang rice cake habang nakatingin sa kaniya, nag-aalala na talaga ako kay Rainy. Wala naman siyang sugurong sakit kasi hindi siya mainit nung hinawakan ko 'yong nuo niya

Bumaba ang tingin ko sa rice cake. "Naglilinis naman ako ng mouth ko, bakit ayaw niya?"

"Trisha, don't fucking speak when your mouth is full." Nilingon ko si Angel na nasa tabi ko. Nakapikit siya at nakahilig ang ulo sa balikat ni Musa, kaya paano niya nalaman na nagsalita ako habang may laman 'yong bunganga ko?!

Nilunok ko 'yung rice cake bago kumuha ulit ng rice cake sa bag na dala ko.

"Oh my." Mahinang tumawa si Musa habang nakatingin sa akin. "Hindi ka pa nabubusog? Pang anim mo na 'yan."

"Baka tataba ka tapos sasabog pagkumain ka pa, tapos magiging pangit ka na."

Sumimangot ako kay Winter. "Ihhhhhh! Kulang pa nga 'yon! Dapat nagdala ako ng marami, at saka hindi ako tumataba kaya manahimik ka diyan baka ilibing kita ng buhay, hmp!"

"Please lower your voice," bulong ni Sky sabay taas ng dalawang paa niya sa upuan at niyakap iyon. Namumutla na rin siya at mukhang gusto ng sumuka. "You're giving me a headache."

"Kasalanan ko pa? Baka nakalimutan mong may motion sickness ka kaya ganiyan!" sigaw ko pa rin pero napa-aray na lang ako dahil binatukan ako ng malakas ni Angel. "Huhu! Sinasaktan niyo na 'ko, hindi niyo na ako love!"

"Tumahimik ka kung ayaw mong batukan kita ulit." Nagdidilim ang mukha ni Angel habang nakatingin at nakangiti sa akin, isang nakakakilabot na ngiti.

Napalunok ako saka dali-daling isiniksik ang sarili ko kay Rain na wala pa ring reaksyon. Mukhang nakagising ako ng anghel, anghel na demonyo!

"Si Angel ba ang tinutukoy mong anghel na demonyo?!" inosenteng sabi ni Musa.

Nakalimutan kong malakas ang pandinig ni Musa. Kahit sa nasa malayo ka pa ay dinig na dinig ka pa rin ng babaeng 'to, kaya naglagay ako ng spell sa room ko para 'di niya marinig.

"Pati ba naman sa isip mo sumisigaw ka?" Tumawa ng mahina si Nath. "Ayan, narinig tuloy."

"Ihhhhhh! Sorry na kase!"

Dapat na bang hindi ako mag-isip, baka marinig rin nila 'yung mga secrets ko. No no! Hindi ko hahayaang may makaalam ng sikreto ko, isa na doon ay ang nililinisan ko ang banyo gamit ang toothbrush nila kapag ginalit nila ako! WAHAAHAHAHA!

"Trish, you're creeping me out." Mas lalong niyakap ni Sky ang paa niya habang nakasimangot. "Stop smiling like a creep."

"Hihihihi!"

"Trisha, ano nga ulit ang ginagawa mo sa mga toothbrush naming kapag galit ka sa amin?" kalma at nakangiting sabi ni Musa pero nandidilim naman 'yung mukha.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon