Chapter 29 | Shoot Fast

1.6K 118 3
                                    

"Guys!"

Napatigil si Musa at Nix sa paglalakad nang makarinig sila ng tinig na tila'y tinatawag sila. Nilingon nila ito dahil wala naman silang maramdamang itim na mahikang papalapit sa kanila, it's just pure white. Nakita nila si Lemon na nakasakay kay Luna kaya naman napangiti si Musa.

Habang tinatahak nila kasi ang daan patungong village na sinasabi ni Sky ay nawalan ito ng malay kaya mas lalo silang nahirapang buhatin si Sky dahil mas lalong nadagdagan ang bigat nito.

"Lemon," masayang bati ni Musa.

Nang makalapit ito sa kanila ay nakita nilang mabuti ang mga sugat ni Lemon ngunit hindi naman 'yon malala. Inayos ni Lemon ang kaniyang suot na salamin bago bumaba sa pagkakasakay kay Luna saka tinitigan ang kalagayan ni Sky.

"Where is the spirit?" tanong nito nang mapansin ang lasong bumabalot sa kalahating katawan ni Sky, wala kasi itong damit na pang-itaas kaya nakita niya agad.

Tumingin siya kay Musa bago kay Nix. "We need it!"

"I don't know," malamig na sagot ni Nix.

"Hindi pa namin nakikita ang iba," sabi ni Musa saka bumuntong-hininga. "Nag-aalala na ako."

"We need to hurry, the poison is spreading fast on his body," ani Lemon.

Napatango si Nix bago binuhat si Sky at inilagay sa likod ni Luna saka nagsimula na silang maglakad, ngunit hindi pa sila nakakalayo ay nakita nila na si Trisha at Angel na papalapit sa kanila. Tulad ni Lemon ay puno rin sila ng sugat pero hindi naman malala pero nag-aalala pa rin sila.

"Bakit siya nakahubad?" tanong ni Trisha nang makalapit.

Pinunasan ni Trisha ang pawis sa nuo ni Sky saka pinaglandas ang kamay sa pisnge ng binata. Nararamdaman niyang nanghihina na ang binata dahil sa ekspresyon nito, she can also feel his magic weakening and that made her heart beats fast because of worry.

"Here." Mabilis na inabot ni Angel ang bote kay Lemon.

Inabot 'yon ni Lemon saka ipinasok sa bulsa niya, she then smiled at them with worry in her eyes. Hindi niya alam kung magtatagumpay ba sila sa plano nila dahil wala naman siyang maramdaman ng mahikang nasa loob ng bote, ngunit may tiwala naman siya. If it don't work then she should think of a way to cure Sky before it's too late.

"Mayroong daw village dito." Inayos ni Musa ang pagkakahiga ni Sky sa likod ni Luna bago tumingin sa kanila ng may malambot na ngiti sa kaniyang labi. "We'll open the bottle in there."

"Then lead the way," utos ni Angel na agad naman nilang sinunod.

Trisha forced herself to walk while looking at Sky. He was moaning and wincing in pain and she can't do anything but to look at Sky while biting her lips to calm herself, huminga siya ng malalim bago tumingin sa lupa.

He will live...

• • •

Sumugod si Nath kay Dash habang nababalot ang kaniyang kamay ng apoy ngunit nakailag ang kalaban at hinawakan nito ang kaniyang braso bago sinipa ng malakas ang tyan niya dahilan para tumalsik siya at mapaungol sa sakit. Sunod na sumugod si Winter kay Dash habang nakabalot rin ang kamay ng yelo ngunit hindi pa siya nakakalapit ay bigla na lang lumitaw sa harap niya si Dash at sinuntok siya nito sa mukha ng malakas.

Kung ang lakas ang pagbabasehan ay mas malakas si Winter at Nath kaysa kay Dash ngunit sadyang mabilis lang ang mga galaw si Dash kaya nahihirapan silang patumbahin ang isang 'to dahil mas mabilis pa ito kaysa sa kanila.

Scales of Chaosحيث تعيش القصص. اكتشف الآن