Chapter 22 | New Faces

1.9K 137 28
                                    

Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng klase at nakikinig sa aming professor sa history. Ang totoo niyan ay wala talaga akong maintindihan, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin basta ang laman ng utak ko ay ang kung paano ko malalaman ang sikreto ng tubig. 'Yon lang ata ang misyong ibinigay sa akin ni Headmistress ng hindi kasali ang mga kasama ko, isang misyong ako lang ang gagawa.

Napabalik na lamang ako sa aking diwa nang may kamay na humampas sa desk ko. Dahan-dahang umangat ang ulo ko at nakita ang naiinis na mukha ng professor namin. Oh my gods, here we go again.

"Miss Vermillion, are you still paying attention to my class?"

Napalunok ako saka tumango.

Tumaas ang makapal niyang kilay saka sumingkit ang mata. "Who is the first king of Mystic World?"

"A-Ahm..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sabay lunok. Hala, hindi ko alam ang sagot. "I-It's-"

"The Titans are summoned by the Headmistress." Nakahinga na lamang ako ng maluwag nang marinig ko ang tinig ni Angel mula sa labas. "Quick."

Tinignan ko si Angel na nakasandal sa pintuan ng classroom namin habang nakahalukipkip, kasama niya si Musa na may ngiti sa mukha habang nakatingin sa amin. Nilingon sila ng professor namin nang nakataas pa rin ang kilay, ang mga classmates naman namin ay nagsimula ng mag-bulungan.

"Titans, you may go."

Mabilis akong tumayo saka lumabas ng classroom. Buti na lang dumating si Angel kung hindi baka napahiya ako ng matandang dalaga na 'yon, para kasing may galit sa mundo, palaging nakasimangot tapos ang sungit-sungit pa. Ang balita ko ay walang asawa, eh paanong magkakaasawa 'yon kung palaging nagsasalubong ang kilay, parang may galit sa mundo.

"An angel just saved you." Rinig kong bulong sa akin ni Nath.

Naramdaman ko silang sumunod sa akin, patungo na kami ngayon sa office ni Headmistress pero hindi ko naman alam kung bakit kami pinapatawag. "Bakit daw tayo pinapatawag?"

"For a meeting," sagot ni Angel saka kumibit-balikat.

"Ahhh! Baka bibigyan na naman tayo ng misyon." Humalikhik si Trisha. "Excited na 'ko!"

"Being a Titan is tiresome," said Sky.

"Pero thrilling naman, diba?" saad ko habang nakangiti.

Nung naghanap kami ng clue kahapon sa hidden palace na 'yon ay wala naman kaming nahanap, maliban na lamang sa mga antiques at naiwang kagamitan ng mga naunang Titans. Ngunit kahit ang mga kagamitan nila ay wala kaming nakitang clue tungkol sa anak ng Destiny. Hindi ko rin alam kung mahahanap pa ba namin ang child of Destiny na 'yan, isa lang kasi ang clue na alam namin.

"Hindi pa nga natin alam kung sino ang leader natin." Musa hummed a song after she said that.

"Well, I nominate my sister to be the leader." Nakangiting saad ni Nath bago kumibit-balikat. "Ayon sa obserbasyon ko ay tinuturing ni Headmistress si ate na leader natin."

"Hey! That position is not fit to me," singhal ni Angel sa kapatid ngunit tawa lang ang isinagot niya. "By the way, Headmistress asked me if we found any clues and I answered no. Seriously, ano ba sa tingin ni Headmistress ang makakatulong sa atin do'n? Completely, nothing! It's just the previous Titan's old stuffs."

"Huwag ka ngang magpa-stress masyado, mahahanap lang naman natin 'yang babaeng 'yan," ani Trisha. "Tiwala lang!"

Umakyat na kami ng hagdan patungong office ni Headmistress, naka-spiral ang hagdanan kaya siguradong mapapagod na naman kami sa pag-akyat. Nandoon kasi sa taas talaga 'yung office ni Headmistress.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now