Chapter 45 | Mystic Ball

1.5K 103 112
                                    

"Yes, she will sing to those who'll hear
And in her song, all magic flows..."

Dumiin ang pagkakapikit ng aking mata.

"But can you brave what you most fear?
Can you face what the river knows?"

Napabalikwas ako sa aking higaan at hinabol ang aking hininga. I thought I was drowning, but it was just a dream after all. Hinawakan ko ang nuo ko at saka kinagat ang labi ko dahil sa sakit nito. Ramdam ko rin ang mga pawis kong umaagos sa aking mukha, siguro nagmumukha ako ngayong bagong ligo dahil sa basang-basa talaga ako.

Sunog kong hinawakan ang dibdib ko at pinilit na pakalmahin ang pintig ng puso ko.

Dahan-dahang umangat ang ulo ko para tignan ang sa labas ng bintana. It is dawn already, a beautiful shade of red is fading in the sky, and soon, it'll be replaced by a dark colour with stars shining like a diamond on it.

Hinawakan ko mulo ang nuo ko habang umiiling. That dream-why is it like that? Bakit parang pamilyar sa akin ang tinig na iyon? I think I heard that lullaby somewhere but I can't just remember where and when.

Napag-desisyunan ko ng bumangon dahil kailangan ko ng maghanda para sa ball mamaya. Ininat ko muna ang aking katawan bago ako pumasok sa banyo ng kuwarto ko habang dala-dala ang tuwalya ko. Mamaya na ang ball, at kanina ay napag-desisyunan ko na matulog muna para naman hindi ako antukin doon.

Nang mapuno ang bathtub ng tubig ay agad kong binabad ang aking katawan sa malamig ngunit nakakalmang tubig. Sunod kong ipinikit ang aking mata at saka humugot ng malalim na hininga bago sumandal.

Actually, dapat maganap ang ball pagkatapos ng gabing ito ngunit gusto ni Headmistress na ngayon kami magdiwang para naman makita naming lahat ng sabay-sabay ang pagpalit ng kulay ng buwan. Pagkatapos naman ng gabing ito ay may gaganaping ball sa palasyo kaya lahat kami ay dapat pumunta. Malaki ang okasyon na 'yon dahil lahat ng mamamayan sa Mystic World ay magtitipon-tipon sa palasyo, kasama kaming mga estudyante rito sa academy.

Nang matapos na akong maligo ay umahon na ako at kaagad na binalot ang aking katawan ng tuwalya. Tinignan ko muna ang repleksyon ko sa salamin bago naghilamos ng aking mukha, pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng banyo.

Ang unang bumungad sa akin pagkalabas ko ay ang apat na babaeng kaibigan ko, may dala silang mga box at inilagay nila iyon sa kama ko lahat. Si Angel naman ang may dalang malaking box na sa tingin ko ay ang naglalaman ng susuotin namin ngayong gabi.

Lumapit sa akin si Musa habang may malapad na ngiti sa kaniyang mukha. "Are you ready?"

I smiled.

Minutes later, nakita ko na lang ang aking sarili na nasa harap na ng isang malaking salamin at sinusuri ang aking repleksyon habang nakahawak sa gown na suot ko. Dahan-dahan akong umikot para pati ang likod ko ay makita ko.

"I didn't know that I can be this beautiful."

Sheer long sleeve blue, off-the shoulder split dress, loose bun hairstyle, and some light make-up that will make my look even better.

"Ohhh, pretty!"

Napalingon ako kay Trisha nung sumigaw siya. Nakasuot siya ng emerald green lace gown, nakalugay ang kaniyang mahabang buhok at may mga flowers iyon na disenyo ng kaniyang buhok. She did put some make-up but only a bit, because she said that, she likes her natural beauty more.

I smiled at her. "You look pretty too."

"Seriously, is it required to wear make-ups?!" reklamo ni Lemon habang nakahalukipkip, sunod siyang sumimangot at pabagsak na umupo sa kama ko.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now