Chapter 18 | Awaken

2K 149 14
                                    

Rain's Point Of View
___

"Winter, help Rain!" Rinig kong sigaw ni Nix.

Nakita ko namang tumakbo si Winter palapit sa amin ni Sky at dali-daling tinulungan akong alalayan si Sky. Tapos na rin kasi silang labanan ang mga kalaban kaya kakailanganin na naming lumabas sa lugar na ito.

"Okay ka lang?" tanong ni Musa nang makalapit.

"Oo, ikaw?"

She smiled. "Okay lang. Lumabas na tayo dito."

Napatigil na lamang kami nang biglang gumalaw ang lupa, akala ko ako lang ang nakaramdam pero pati rin pala ang mga kasama ko. Nagtatakha kaming nagtinginan lahat bago tumingin kay Trisha na nakakunot rin ang nuo. Si Trisha lang ang puwedeng makakontrol ng lupa kaya posibleng siya rin ang nagpagalaw ng lupa kanina.

"Ihhhhh!" Tumingin muna siya sa amin bago sa lupa. "Ba't kayo sa 'kin nakatingin? Hindi naman ako ang gumawa no'n."

"Tss." Nix rolled his eyes then helped Trisha stand properly. "Let's just go."

Akmang lalabas na kami sa lugar na ito nang biglang magsalita ang kalaban kanina ni Trisha. "The ritual is almost done, even if you kill me you can't do anything about it." Kahit pa nakayuko siya ay nakita ko pa rin ang ngisi sa mukha niya. "He's coming."

"Who?" Musa asked, gentleness is still in her voice even though she is talking to an enemy.

"Nothing can save you, only a true demon can destroy it." Inangat niya ang kaniyang mata at tumingin sa magic circle na ngayon ay umiilaw na, pati na rin ang mga diamante ay umiilaw rin.

Gumalaw na naman ang lupa dahilan para makaramdam ako ng takot. I can sense a powerful magic coming from the ground, I don't know what it is or who is it, but all I can say is, it is a powerful dark magic.

Narinig ko ang malutong na mura ni Winter. "Shit talaga kayo, nakaka-stress, promise!"

"I can sense dark magic in the ground. Baka 'yon ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng earthquake, we need to leave this place!" Trisha said, staring at the ground.

"Damn!" Ginawang yelo ni Nix ang mga natitirang kalaban bago binuhat si Trisha at dali-daling tumakbo sa isang direksyon.

"Puta! Ang bigat mo!" singhal ni Winter kay Sky at mabilis ring tumakbo kaya napasama ako, we carried Sky out of this place while running, but we're careful because we might hurt him.

Nang makalabas ay bago ko lang napagtanto na nasa loob pala kami kanina ng isang kuweba. Nasa isang gubat kami ngayon, at hindi ko alam kung saang gubat 'to dahil hindi ito pamilyar sa akin. Pero natitiyak kong nasa Clover pa rin kami ngayon. Gabi pa nang makalabas kami sa kuweba, pero sigurado akong malapit ng gumising si haring araw.

BOOOM!

Naalarma kaming lahat nang biglang may sumabog. Mabilis kaming tumingin kina Angel at Nath, nagulat na lamang ako nang makita kong inaatake ni Angel si Nath. I mean, naguguluhan ako. Bakit inaatake ni Angel si Nath, diba magkakampi kami? Dumako ang tingin ko sa matandang lalaki na siyang dapat kalabanin ni Angel, nakatayo lamang ito habang ikinukumpas ang mga kamay.

Tumingin ako muli kay Angel, itim ang kaniyang mata at sa bawat galaw ng kamay ng matanda ay gumagalaw rin si Angel. Mas mabilis si Angel kaysa kay Nath kaya alam kong nahihirapan si Nath sa pag-ilag at pag-atake, isa pa, sa tingin ko hindi niya kayang labanan si Angel dahil magkapatid sila.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now