Chapter 24 | Phantoms

1.8K 130 10
                                    

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng isla nang tumigil ang barko sa dalampasigan nito. Tumigil ang mga mata ko sa bundok, mataas ang bundok na 'yon at natatabunan ng ulap ang tuktok nito, mayroon rin akong nararamdamang mist mula roon na mukhang sinadyang lagyan para hindi maramdaman ng kahit na sino ang mahikang nasa tuktok nito. Well, hindi naman 'yon umepekto sa akin dahil ramdam ko pa rin ang mahika at sigurado akong ramdam rin ng mga kasama ko.

"Hoy, umalis ka nga diyan!"

Lumingon ako kay Winter nang bigla siyang sumigaw. Nababalot ang kamay niya ng yelo at sa tingin ko ay gagawa siya ng hagdan para makababa kami ng barko kaso nakaharang si Nath, pero agad namang umalis kaya naman gumawa na siya ng hagdan para makababa kami.

"Yehey! Libutin natin 'yung isla, ha?"

Ngumiti ako kay Trisha saka hinawakan ang kamay niyang nakakakapit sa braso ko. "Oo naman, 'yon din naman ang pinunta natin dito eh."

"Malapit na ring magdilim," ani Musa. "Maghanap muna tayo ng matutulugan."

"Dapat 'yung malinis ah," singit ni Winter. "Ayoko madumihan ang mukha ko."

"Ang arte-arte pangit naman, tss."

Napatawa ako sa sinabi ni Nath kay Winter. Tinignan ko si Winter na mukhang sasabog na sa inis dahil pulang-pula na ang tainga nito, nagsisimula na ring lumamig ang paligid dahilan para mapayakap ako sa aking sarili.

"What did you say, asshole?" malamig na tanong ni Winter pero mukhang walang pakialam si Nath. "Did you just say that I am ugly?"

"Narinig mo naman pala tapos nagtanong ka pa." Iling-iling na saad ni Nath.

"There they go again." Narinig ko ang buntong-hininga ni Nix bago siya umalis at pumasok sa isang silid sa barko.

Napakagat ako sa aking labi nang magsimula silang magbangayan, lalong nag-ingay ang barko dahil sa kanila. Kinakabahan nga ako, baka may makarinig sa aming halimaw tapos biglang umatake sa amin, nako mahirap na!

"Watch out!"

Tumingin ako sa kinatatayuan ni Angel at nakitang hinihila niya ang net na ginagamit para manghuli ng isda. Mag-isa lang siyang humihila dahil kaya niya lang daw kaya hinayaan na siya ng mga tauhan ng Hari at Reyna na sumama sa amin, pero dito lang naman sila sa barko dahil ang mga Titans lang daw ang puwedeng pumasok sa isla.

Lumapit ako kay Angel upang tumulong ngunit napatigil ako dahil malakas niyang hinila ang net saka inilapag 'yon sa sahig ng barko. Maraming isda ang nahuli ngunit may isang isdang nakakuha ng aking atensyon, malaki 'yon na halos kasing laki na ng tao at ginto ang kulay nito, kakaiba rin ang buntot nito hindi tulad ng ibang isda.

Why do I feel that that fish is familiar?

"Kaya pala ang bigat." Lumapit si Angel sa net saka tinusok-tusok ang malaking isda gamit ang kaniyang daliri. "Malaman ang isdang 'to, puwede natin gawing dinner."

"Uwuuu ang ganda naman ng kulay!" puna ni Trisha nang makalapit sa amin.

"Mukhang patay na," malungkot na sabi ni Musa habang nakaluhod at tinitigan ang isda. "Hmm, kawawa naman."

I chuckled. "Naaawa ka sa isang isda?"

Tumayo siya at pinagpagan ang suot niya. "Lahat ng bagay puwedeng kaawaan."

"Hmmm, how about we grill it," suhestyon ni Angel saka inalis na ang net at inilagay ang mga isda sa isang balde, maliban sa malaking isda. "I'm confused, what kind of fish is this?"

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon