Chapter 20 | The Explosion

2.2K 144 20
                                    

Nakabalik na kami sa academy kahapon pa, pagkabalik namin ay nag-aabang pala sa amin si Headmistress at ang mga ibang guro sa gate ng academy para batiin kami sa aming tagumpay.

They even told us that they will be posting a message with our names on it and pin it on the city's bulletin board to let the people know that we're the new Titans, the King and Queen wanted to let the world know about our existence so they sent some messengers to announce it. Also, the King and Queen sent their regards to us yesterday.

And now, I am in my room, resting. Hindi muna kami pinapasok ni Headmistress ngayong araw sa klase dahil magpahinga muna daw kami, at nagpapasalamat ako dahil nagplaplano talaga akong matulog ngayong araw. Buong araw akong matutulog at walang sino man ang makakaabala sa akin-

TOKTOK!

"Rainy, rise and shine!"

Argghhh!

Padabog akong bumangon sa kama at naglakad patungong pinto saka binuksan 'yon ng nakasimangot. Nakita ko si Trisha na mukhang hindi na nanghihina, bumalik na ata ang enerhiya niya at ngayon sa akin siya manggugulo.

"What do you want?"

"Uwuuu, ngiti naman diyan!" Humalikhik siya saka niyakap ang braso ko. "Sama ka sa'min, lilibutin natin ang academy."

Malapad ang ngiti ni Trisha habang sinasabi niya 'yon. Sinimangutan ko siya. Ayoko nga! Ang sakit-sakit ng katawan ko kahit wala naman akong naitulong tapos lilibutin lang namin ang academy. Aba! Mapapagod lang kami.

"Rain, sama ka ha!"

Sumilip ako sa labas matapos kong marinig ang sigaw ni Winter. Nakita ko silang nakaupo lahat sa couch, si Nix lang ata ang nakahiga at nakapikit ang mga mata. They're all here. Teka, wala ba silang planong magpahinga? Dadamayin nila pa 'ko sa lakad nila? Aba! Simula noong napunta ako rito sa academy ay wala na 'kong magandang pahinga.

Pero wala rin naman akong magagawa dahil alam kong pipilitin nila ako hanggang sa pumayag ako.

"Sige-sige, mag-aayos lang ako."

Bumuntong-hininga ako bago nagpaalam sa kanila at pumasok na sa kuwarto ko sabay sara ng pinto. Hays, kahit naman mag-reklamo ako na pagod ako sigurado akong hindi rin nila ako pakikinggan at isa pa natatakot ako kay Angel, baka bigla na lang mag-transform tapos katayin ako.

I gulped at the thought.

• • •

Naglalakad kami ngayon sa hallway at sobrang pagod na pagod na ako. Marami ring nakatingin sa amin, kahit 'yung nasa loob ng klase ay tinitignan rin kami. Siguro nadagdagan ang mga tagahanga ng mga kasama ko lalo na't Titans na kami ngayon, buti nga lang hindi sila pinagkakaguluhan.

"Gutom na ako." Nakangusong saad ni Trisha sabay himas-himas ng tyan niya.

"Again?" hindi makapaniwalang tanong ni Sky. "You already ate before we left your dorm."

Mas lalo pang humaba ang nguso ni Trisha. "Alam mo namang mabilis akong magutom, saka food is life kaya manahimik kayo kung ayaw niyong kumain."

"Isn't it too early to be eating?" Nath asked and he raised his brow.

Sumimangot si Trisha saka tumingin sa kaniya. "Then, what time do stomach open? Tell me."

Inakbayan naman ni Winter si Nath habang tumatawa ng mahina. "Dude, kain na muna tayo, gutom na rin kasi ako."

"Cake. Cake na naman kakainin mo," ani Nath. "Hindi ka ba nag-sasawa sa cake?"

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now