Chapter 27 | The Shape Shifter

1.7K 127 2
                                    

Sa kabilang bahagi ng isla ay naroroon si Nath at Winter at kaharap nila ang isang Phantom na nag-ngangalang Dash. Seryoso ang kanilang mga mukha maliban na lamang kay Dash na nakangisi at mukhang iniinis pa sila.

"Ugly, pfftt!"

Napairap si Nath sa ere habang si Dash naman ay nakatuon ang paningin kay Winter na pigil-pigil ang tawa matapos niya iyong sabihin. Inaasahan na 'yon ni Nath dahil alam niyang napaka-judgemental ni Winter, ugali niya na ang mang-judge ng tao ngunit alam naman ni Nath na may limitasyon si Winter.

"Yeah." Sumilay ang isang nang-aasar na ngisi sa labi ni Nath saka tumingin kay Winter. "He looks ugly but you're uglier."

Napatigil bigla si Winter sa pagtawa at kunot-nuong lumapit kay Nath saka kinuwelyuhan. Hindi niya talaga matatanggap na may nagsasabi sa kaniya ng gano'n dahil alam naman niyang sa sarili niya na napakagandang lalaki niya. That's what he thinks.

"What did you just say, dumbass?"

Nath then smirk as he grabbed Winter's collar with force. "Pangit na nga bingi pa."

"I'm not a deaf, you fire clown!"

"Did you just call me a fire clown, you coward?"

"And what if I did, what will you do, Dragon boy?"

Nawala na sa kanilang isipan na may kalaban pa lang nanonood sa kanila. Nagpatuloy lamang sila sa pagbabangayan at hindi na pinansin si Dash na manghang nakatingin sa kanilang dalawa. Napatigil na lamang sila sa pagbabangayan nang biglang tumawa ng malakas si Dash, sabay silang tumingin ng masama sa kalaban saka dali-daling inayos ang kanilang postura.

"Stop laughing!" inis na sigaw ni Winter at mabilis na binalot ang kaniyang kamay ng yelo at inatake si Dash ngunit mabilis itong nakaiwas.

Tumigil si Dash sa pagtawa bago tumingin sa kanila ng nakangisi. "I'm fast. Hindi niyo ako matatamaan ng atake niyo, hahahaha!"

"Pangit na nga baliw pa, psh." Winter rolled his eyes in annoyance and looked at Nath with a raised eyebrow.

"Anong ginagawa niyo sa islang ito?" Nath asked as he covered his whole body with fire.

"We need the spirit..." Dash's grin widen and his annoying eyes turned into a glare. "Para mabuhay ang aming reyna."

• • •

Sa kabilang bahagi naman ng gubat ay naroroon si Lemon at Luna na kasalukuyang nilalabanan ang...

"Ouch! How dare you, bee!" sigaw ni Lemon na nakabalik na sa kaniyang anyo.

Hinahabol siya ngayon ng mga bubuyog at si Luna naman ay sumusunod lang sa kaniya, paikot-ikot sila sa paligid. Hindi nila alam kung saan sila magtatago dahil kahit saan ay may humahabol sa kanilang mga insekto.

"Ahhhhh! Umalis kayo!"

Patuloy pa rin siya sa pagtatakbo habang si Nuria naman ay nanonood lamang sa kaniya mula sa itaas ng isang punong malapit sa kanila. Tila'y nasisiyahan sa nakikitang paghihirap ni Lemon, but she thinks that this is not enough, she needs to think of a way to torture this little girl even more.

"Luna, kainin mo sila!" sigaw ng sigaw si Lemon habang si Luna naman ay inaabot ang mga bubuyog na humahabol kay Lemon. "Hurry!"

Tumawa ng malakas si Nuria saka ikinumpas ang kamay dahilan ng pagtigil ng mga bubuyog sa kakahabol kay Lemon, lumapit ang mga 'yon sa kaniya na tila siya ang reyna ng mga ito. She's getting bored of this, gusto niya ng makitang umiyak ang batang nasa baba.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now