Chapter 46 | Their Way

1.2K 101 19
                                    

Lemon's Point Of View
___

"What's taking them so long?" Trisha buried her face in the table in so much boredom.

I sighed and crossed my arms on my chest. Kanina pa akonn naghihintay na matapos ang ball na ito para makapagpahinga na ako sa aking kuwarto at makapagbasa ng libro, isali mo na rin ang pagka-bored ko saka 'yung make-up na nakakapag-kati ng mukha ko.

Inis akong sumandal sa bangko habang tinignan ang aking mga kasama isa-isa. "You know we can just go home and chill, after all, we will be seeing the moon together even if we are not in here."

"We can't do that. The presence of the Titans is needed in here, we're after all the 'protectors' of the world," said Nix.

I rolled my eyes and suddenly my eyebrows met. "Where's Angel?"

"Nasa banyo," tipid na sagot ni Trisha at kumuha na naman ng chicken wing.

Hindi ba nabubusog si Trisha, kanina pa kasi siya kumakain. Tinignan ko ang mga buto ng karne na nasa table namin. Ang kalahati niyon ay sa amin at ang kalahati naman ay kay Trisha na mag-isa niya lang kinain, siya ata 'yung nakaubos ng mga pagkain sa table namin.

"Seriously, kaya mo pang kumain?"

Tumingin siya sa akin habang nilulunok ang chicken, pagkatapos niya iyong lunukin ay ngumiti siya. "Don't blame me, blame the cook for cooking such delicious foods."

Naiiling na bumaling ang aking tingin kay Nath na kasalukuyang tahimik na nakaupo sa harap ko at seryoso ang mukha, mukhang malalim ang kaniyang iniisip. I looked at Sky next. He is currently playing with his pet gumiho.

"Sky..." I called. "If Luna fell in love with a guy gumiho, do you accept it?"

His eyebrows met and stared at me confused. "I'm so sorry, but I can't accept it."

"Why?" I confusedly asked.

"I'm not a fan of bromance relationship," he said making my lips gape. "I want him to have a family so that their kind will increase more."

"Wait-hold up!" Dahan-dahan kong itinuro si Luna na kasalukuyang nakaupo sa kaniyang balikat. "She is a he?"

"Yes," he answered.

Napahawak na lamang ako sa aking bibig at saka tumingin kay Luna. "I thought he's a she."

Don't blame me, pambabae kasi 'yung pangalan niya kaya napagkamalan ko siyang babae. Mukha rin kasing babae pagkumilos. Dapat rin kasi na pinangalanan niya ng panlalaking pangalan para naman 'di na magtakha ang mga tao sa gender ni Luna.

"Gusto mo bang ipakita ko sa 'yo 'yung ari ni Luna?" pagtatanong ni Trisha habang ngumunguya pa.

"Uhm, no thanks," tanggi ko kaagad.

Sunod kong tinignan si Nix na tahimik lamang at mukhang malalim rin ang iniisip tulad ni Nath. At si Winter naman ay wala rito, dahil abala siya sa pagpapasikat. Actually, he is surrounded by girls, and he is surely liking it.

"Can anyone tell me what are you guys thinking, I'm bored." Sumimangot ako.

It's currently nine pm, and there's a plenty of time to read a book before the moon will change its colour. Pero mukhang hindi ko na magagawa ang gusto kong gawin, mukhang masasayang rin ang oras ko kakaupo rito doing nothing.

"Guys." Bumalik ang diwa ko nang marinig ko ang mahinhing tinig ni Sky. Umangat ang ulo ko nang makita ko si Sky na nakatayo na ngayon at halata ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "I think Rain and Musa is in danger."

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now