Chapter 6 | Summoned

3.7K 251 117
                                    

Rain

Maingat kaming naglakad ni Nath palapit sa pader na dinaanan namin kanina, noong lumabas kami ng academy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maingat kaming naglakad ni Nath palapit sa pader na dinaanan namin kanina, noong lumabas kami ng academy. Nang matiyak naming walang tao ay mabilis kaming lumagpas sa pader saka naglakad na parang walang nangyari.

I remained calm while walking. "Paanong nakakalagpas lang tayo sa pader na 'yon?"

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa aming dorm. Sa east wing ang dorm ng kababaihan habang ang kalalakihan nama’y sa west wing. Puwedeng bumisita ang kalalakihan sa dorm ng mga babae kung nakasulat naman sila sa guest list at may kakilala sila roon.

In addition, may curfew ang lahat ng estudyante rito. Dapat after sundown ay nasa loob na kami ng dorm namin at kung makita man kami sa labas ay may parusa kaming matatanggap. And good thing that the boys didn’t get caught last night while they sneaked their way out of our dorm.

"I put some spells on it." He gave me a confident smile.

Kumunot ang nuo ko saka lumingon sa kaniya. "And where did you get the spell?"

I mean, hindi basta bastang nagbibigay ang mga professors ng spell kung hindi naman 'yon nakakatulong sa pag-aaral. And I think the spell that Nath put on the wall gate is a no for the professor to give, baka kasi maraming lalabas at gagawin ang ginawa namin ni Nath kapag binigay nila ang spell.

He leaned closer to me and whispered, "I just read it in the library’s archive, and I memorized it."

"You mean to say, you memorized it in just one glance?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hmm-mm." Confident siyang tumango na para bang pinagyayabang niya sa 'kin 'yon.

“Aren’t the archives confidential and not for anyone to read?”

“Let’s just say, I love to break stuff,” he said, glancing at me. “Especially rules.”

"Okay." I shrugged and entered our dorm.

Nakasunod siya sa akin, kaya noong tumigil ako ay tumigil rin siya. Kinakabahan akong tumingin sa mga kasama namin na nasa living room at kasalukuyang nakaupo sa couch.

Mukhang hinihintay nila kami.

Tinaasan nila kami ng kilay nang makalapit kami. Nakatingin silang lahat sa amin na para bang may nagawa kaming kasalanan.

"Where the fuck did you two go?" tanong kaagad ni Angel habang nakataas ang isang kilay, nakahalukipkip siya habang seryoso ang mukhang sinusuri kami.

"Hindi niyo man lang ako sinama, hmp!" ani Trisha nang nakanguso.

"Anong ginawa niyo?" madilim ang mukha ni Winter nang lingunin ko siya.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now