Chapter 42 | Drunk Ladies

1.4K 117 89
                                    

Lemon's Point Of View
___

Kasalukuyan akong nakaupo sa mahabang sofa rito sa loob ng palace habang kumakain ng popcorn. The atmosphere in here is kinda familiar-uhm, or should I say, I know about this place since I was a child. I know every corner in here, even the academy, I don't need to study the map of the academy because I already know it. They taught me everything.

Everything that I need to know to fulfil my mission.

Nandito kami ngayon sa living room ng palace at kaharap naming mga babae ang mga lalaki na kasalukuyang naglalaro. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa mga kokote nila at bakit naisipan nilang maglaro sa ganitong oras ng gabi. I don't know what's running onto their minds, but one thing is for sure-they're a bunch of idiots.

"Sumuko na kayo! Wala rin naman kayong mapapala!" sigaw ni Nath habang nagtatago sa likod ng isang sofa rito, kasama niya si Sky.

"Susuko lang kami kung maispel mo ang 'ceasefire'..." sigaw pabalik ni Winter na kasalukuyang nagtatago sa isa pang sofa na malayo-layo kila Nath, ang kasama niya naman ay si Nix na ngayon ay gumagawa ng maraming snow balls.

"Ituloy ang laban! Padadalhan ko pa kayo ng chrysanthemum sa libing niyo!" Gumawa si Nath ng maliit na fire ball saka itinapon iyon kila Winter.

Actually, may nilagay akong potion sa buong palace noong sinabi nila sa akin na balak nilang maglaro ng gyera-gyera rito sa loob ng palace. Para hindi naman sila makasira ng mga gamit dito, kasi bawat gamit dito sa palace ay importante.

"Spell chrysenthamum!" Nakangising sigaw ni Nix at kumuha ng isang snowball saka itinapon iyon kila Nath.

Nakasimangot kong tinignan ang mga babaeng kasama ko ngayon na nakaupo sa sofa. They're just laughing at the boys' stupidity. While me, well, I decided to read a book but it seems I can't right now, may mga maingay kasi kaya sigurado akong madi-distract lang ako.

"Sabi ko rose, bingi ka ba? Laban kung laban... walang ispelingan!"

Napailing na lang ako at kukunin ko na sana ang isang cookie na nasa plato pero mabilis iyong kinuha ni Rain. Tinignan ko siya ng may pagtatakha kasi kinuha niya 'yon nang mabilis pa sa kidlat, at mukhang takot itong makuha ng iba.

She just smiled at me and took a bite.

Bumuntong hininga ako saka kinuha na lang ang cupcake na nasa mini table na kaharap namin at pinanood ang katarantaduhang ginagawa ng boys. Actually, nagulat nga ako dahil pati si Nix at si Sky ay pumayag sa ideya ni Nath, nahawa na ata. Kaya natatakot ako na baka pati ang mga kasama kong babae ay mahawa rin. Hays, mahirap pa naman mag-alaga ng bata, lalo na't wala akong kaexpe-experience riyan.

Sumandal ako sa sofa at mas lalong niyakap ang unan ko. Earlier, we decided to have a sleep over in here, the boys will sleep on the other room, while we, the girls will sleep in the living room. Malaki naman kasi 'yung living room. At dalawang potion ang nilagay ko sa buong palace, ang isa ay para hindi magkaroon ng damage ang palace at ang isa naman ay para magising ako pag may sumugod sa amin habang tulog kami. Nakakonekta kasi sa senses ko ang potion na 'yon, at mas mabuti na ang handa, baka kasi may biglang sumugod sa amin habang mahimbing kaming natutulog.

"Guys, Headmistress are looking for us."

Napatigil ang mga lalaki sa kanilang ginagawa nang magsalita si Sky. Well, naririnig kasi ni Sky kung may kusang magpapadala sa kaniya ng mensahe gamit ang hangin. Habang si Musa naman ay makakarinig lang siya kahit malayo ka pa kung gugustuhin niya.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now