Chapter 19 | Diamonster

2.1K 160 24
                                    

Nataranta kami nang gumalaw na naman ang lupa at unti-unti iyong nabiyak. Mas lalo pang lumakas ang itim na mahika na papalapit sa amin. Wala na akong nagawa kundi ang mapapikit na lamang at mas hinigpitan ang kapit sa braso ni Winter.

"Waaahhh! Kailangan na nating tumakbo!" tili ni Trisha na sinunod naman namin agad.

Mabilis kaming tumakbo, kasabay no'n ang malakas na tunog na nagmumula sa lupa at tunog ng pagkabiyak ng lupa. Napakalakas no'n, na parang mabibingi ka na sa lakas ng tunog. Hindi ko mawari kung saan o kanino 'yon galing basta napakalakas.

Nagtago kami sa mga punong nakapaligid sa amin, malayo-layo sa kinatatayuan namin kanina. sumilip ako upang tignan ang kung ano man ang lumabas mula sa lupa. Napatakip na lamang ako ng bibig at nanlalaki ang mga mata nang makita ang malaking halimaw na ngayon ay nakatayo na at mukhang patungo iyon sa bayan.

Kahit madilim pa ay nakikita ko pa rin ang kabuuhan nito. Ang mga mata nito'y apat na parang mga diamante at kumikinang pa ito, ang katawan niya ay itim at kasing laki ng higante.

"What is that, ugly thing?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Winter.

"I think I once saw it in a book but I just forgot what book it is." Napatingin kami kay Angel ng may pagtatakha sa aming mga mukha. "According to the book, that monster is called Diamonster, black body, and red gem-like eyes, it is said that it only wants destruction in the world, kaya nagtakha ako kung bakit gusto ng mga Phantoms na nakalaban natin na itong halimaw na 'to ang napili nilang mag-protekta sa kanila. Matagal na rin itong namatay at mabubuhay lamang ito sa pamamagitan ng ritual at ang dugo ng apat na babaeng birhen na nagmumula sa apat na tribo sa buong mundo."

My lips thinned after she said that.

Bumuntong-hininga siya saka tinignan kami isa-isa. "Only a true demon can stop and destroy it."

"Ha! 'Yon lang pala, edi pumunta ka na do'n at talunan ang halimaw na 'yan."

Umiling lamang si Angel sa sinabi ni Winter. "I'm not a true demon, stupid."

"Then how do we defeat it?" I asked.

Hindi puwedeng maabot ang halimaw na 'yan sa bayan kundi baka mahirapan lang kami sa pagtalo sa kaniya. Isa pa, baka maraming tao ang mapahamak kaya kailangan namin siyang pigilan agad. Hindi ko rin alam kung ano ang puwede naming gawin, at mas lalong hindi ako makakatulong sa kanila dahil hindi ko pa gaano ma-kontrol ang kapangyarihan ko.

I'm useless!

Ang hina ko...

"Holy shit! Gaano ba katigas ang ulo ng kapatid mo, Angel?"

Napailing ako nang makabalik ako sa diwa at tumingin sa kung saan man sila nakatingin ngayon. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko si Nath na nasa harapan na ng halimaw, hindi man lang namin naramdaman na umalis siya.

Mabilis kaming tumakbo papunta roon, pero sinigurado naming hindi kami masyadong malapit sa halimaw.

"Nathaniel Hellviore, get the hell out of there!" diing sigaw ni Angel ngunit hindi pa rin nakinig ang kapatid niya at sinimulan iyong atakehin.

Gumawa siya ng malaking fire ball at itinapon sa paa ng halimaw dahilan ng malaking pagsabog. Kasabay no'n ang malakas na pagsigaw ng halimaw. The ground vibrated when the monster shouted, making some cracks on the ground.

"Winter and I will go call for the guards." Narinig kong saad ni Musa ngunit hindi ko sila nilingon dahil nakatuon lamang ang atensyon ko sa halimaw at kay Nath. Narinig ko na lamang ang mga papalayo nilang yabag.

Scales of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon