Chapter 23 | Jakku Island

1.9K 130 27
                                    

"Come with me tonight,
I'll show you where it all began..."

Napabalikwas ako nang makita ko na naman ang mga larawang nakita ko noong nasa field kami ni Nath, noong naganap ang tinatawag nilang omen. That is the day when I started spacing out, napapansin ko rin 'yon sa sarili ko at alam kong napapansin rin ng iba. Nath didn't ask about what I saw that day, but instead of asking, he stayed by my side and comforted me that day, that's why I like to stick to him.

Tumingin ako sa orasan na nasa table sa side ng kama ko at nakitang madaling araw pa lang. Sa palagay ko, kahit matutulog pa ako ay hindi rin na ako makakatulog. Dumako ang tingin ko sa bag na dadalhin ko ngayong araw para sa misyon, hindi naman madami ang dinala ko, sapat na 'yon para sa tatlong araw. And because I can't sleep again, I stood up and went straight to the bathroom. Nando'n na ang towel ko kaya agad akong naghubad pagkapasok ko pa lang sa banyo.

Memories flashed through my mind as I closed my eyes. Kinagat ko ang labi ko saka niyakap ang aking sarili. The light touch of the warm water to my skin makes me relax, it even gives me enough energy for today.

When I'm done bathing, I covered my body with a dry towel and went to my closet then picked some clothes for today. Habang nagbibihis ay hindi ko maiwasang maalala ang mga larawang palaging nagpapakita sa akin kapag natutulog ako, kabilang na doon ang aking nakaraan.

There are voices calling me during the night that's why I barely sleep. Wala na akong pahinga, pagod na ako, 'di ko alam kung bakit kaya pa ng katawan kong tumayo. Whenever the images started flashing on to my mind, my head aches like it's going to explode.

Nang matapos magbihis ay kinuha ko na sa sahig ang bag na dadalhin ko saka sinuot ang kuwintas at bracelet ko. Lumabas ako ng kuwarto ko at sinara ng dahan-dahan ang pinto para naman hindi ko sila magising, wala pa kasi sila. Kahit si Angel ay wala pa dito kahit siya naman ang maagang nagigising sa amin.

Nagtungo ako sa sofa at inalapag roon ang bag saka nagtungo sa kusina nang maramdaman kong nanunuyo ang aking lalamunan. I took a glass of water and drank it.

"Don't let darkness cloud your mind..."

Nabuga ko bigla ang aking iniinom nang marinig ang isang tinig. Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang tinig na 'yon ngunit wala akong nakita, hindi naman 'yon boses ni Musa dahil mas malalim kaysa sa kaniya ang boses na narinig ko bago lang.

"Ah!"

Nabitawan ko ang basong hawak ko nang biglang sumakit ang ulo ko. HInawakan ko ang nuo ko saka ipinikit ng diin ang aking mata. Hayan na naman ang mga larawan. Palagi na lang ganito, hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin.

Humawak ako sa sink para hindi ako matumba.

The pain is too much to endure, I can't take it anymore!

"Nath!"

Nakaramdam ako ng mainit na likidong umaagos sa aking pisnge ngunit hindi ko na 'yon pinansin at ipinagpatuloy ang pagtawag sa pangalan niya. I need his help, I need him.

"Please, Nath..."

"Rain!" May naramdaman akong yumugyog sa akin pero hindi ko pa rin binubuksan ang aking mga mata, until I felt her warm and comforting hug.

"Rain..." she softly called me. "What happened?"

Pinigilan ko ang mga hikbing gustong lumabas sa aking bibig. Hindi ko magawang sagutin siya kaya nanatili akong tahimik, ayokong malaman niya. I don't want to involve someone in my problem, this is my problem, and I don't want to be a burden to them.

Scales of ChaosWhere stories live. Discover now