Chapter 27.2.4

425K 7.5K 406
                                    

Photo Credits: Bebe Paulyn Rose "Sheen"

Thank you!

********

CHAPTER 27.2.4

JORDAN's POV (CONT.)


"O-okay lang po..." Kulang na lang ay hindi ko marinig ang sarili kong boses.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Ty na napulupot sa aking baywang. Napabuntong-hininga lang siya bago ibalik ang tingin sa aking mukha.

"Hindi mo na ako dinalaw sa kulungan?"

Hindi ko nakuhang makasagot sa tanong niya. Sa totoo lang ay hindi na rin naman ako nagka-interest na kilalanin siya dahil na rin sa matabang na pakitungo niya noon sa akin.

"Looks like your son will soon be my son-in-law, huh?" Sarcastic pa siyang ngumiti kay Tito Seb na seryoso pa rin ang mukha.

"Jordan is a nice girl. I don't have any problem with her being my daughter-in-law anyway. My son loves her."

"Hmm..." Tumangu-tango pa siya at bahagyang kumunot. "Pero ano ang nabalitaan ko na nabuntis niya ang apo ni Don Pablo na si Tiffany?"

"We'll take responsibility for the baby." Si Tito Seb pa rin ang sumagot.

"Sebastian, bro..." Umismid siya. "You think papayag si Don Pablo na ganun lang ang mangyari sa apo niya?"

"Like I said, we'll take responsibility. That's the end of it."

"I really hope na hindi ninyo pababayaan ang anak ko. Because if your son breaks her heart, I'd be willing to live in hell again for her."

Napaawang ang labi ko sa bigat ng mga salita niya lalo pa nga't hindi ko inaasahang sasabihin niya 'yun. Mas inaasahan ko pang pagbabantaan niya ang pamilya ni Ty kaysa sabihin ang bagay na 'yun.

"I didn't have the chance to be a father to Jordan, but still my blood runs in her veins. I still want what's best for her. And, I hope you don't plan on hurting her just to get even with me." Malamlam ang mga mata ni Daddy na tumitig sa akin. Ramdam ko ang sinseridad sa mga salita niya.

Nakita ko rin ang pagbabago ng aura nina Tito Seb at Tita Ady. Si Ty lang ang nananatiling nakakunot-noo na para bang hindi naniniwala sa kahit na anong sinabi nito.

"We treat her family even after we find out that she's your daughter." Si Tito Seb pa rin na napabuntong-hininga pa.

"Good." Seryoso pang tumango si Daddy at muli akong binalingan. "Can I just give you a hug for the last time, Jordan?"

"P-po?" Shit. Dapat bang pumayag ako?! Pero ang mga mata kasi niya'y para bang nagsusumamo.

"Please..." Ibinuka pa niya ang kanyang mga braso.

At kahit na alanganin man ako at kita ko ang pagtutol sa mukha ni Ty ay lumapit na rin ako at niyakap siya. Gusto ko yatang maiyak nang maramdaman ko ang higpit ng kanyang yakap. Alam kong hindi man siya naging ama sa akin kahit na kailan, ay mananatili ang katotohanang sarili niya akong dugo. Pero hanggang dito na lang ang pakiramdam na 'yun. Si Ty pa rin ang pinaka-importanteng tao sa akin ngayon at ayokong mapahamak siya.

"Forgive me, Jordan. Forgive me," bulong pa niya.

Tumango na lang ako sa kanyang sinabi at noon na siya bumitiw nang yakap sa akin. Mataman niya akong pinagmasdan sa mukha at bahagyang hinaplos ang aking pisngi. Nangingilid ang kanyang luha at may mapait na ngiti sa kanyang labi.

"I wouldn't be anywhere near you again because I never want you to worry. I don't have any plan to hurt them again. I've gone to hell and it's happier out here. Just promise me to be happy and I'll leave them alone."

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now