Chapter 26.2.4

496K 7.3K 913
                                    

CHAPTER 26.2.4

JORDAN's POV (Continuation)

Pagpasok namin sa loob ng mansion ay ganoon na lang ang gulat namin nang bigla na lang may magsigawan!

"CONGRATULATIONS!"

Halos mamutla si Ty sa hindi inaasahang salubong na iyon ng kanyang buong pamilya! Akala ko ba wala pa silang alam?! Paano-

"Sweetheart, congratulations!" Agad pang lumapit sa amin si Tita Ady na wala pa ring ipinagbago ang kagandahan. Para pa rin siyang anghel na bumaba rito sa lupa dahil sa sobrang ganda.

"Mom?" nagtataka pang napatitig si Ty sa kanyang Mommy at bahagya pang sumulyap sa akin matapos na yakapin at halikan siya ng Mommy niya.

"Jorge, congrats..." nakangiting bati pa niya at mahigpit din akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "I am really happy for both of you..." Agad na nabasag ang boses niya at nagpigil na maiyak.

Hindi ko man lang nagawang magsalita at pakiramdam ko ay nalulon ko ang aking dila sa sobrang tensyon at kaba.

"Hey, baby, don't ruin the moment, shall we?" Si Tito Seb na lumapit na rin sa amin at niyakap din niya ang tila namatandang si Ty. "I'm so proud of you, Son. That proposal rocks! How I wish I could sang like you do." Tinapik-tapik pa niya ito sa balikat.

"And you, Jorge, please, I beg you for the love of God, don't ever leave my son again," baling pa niya sa akin.

"S-sir?" Napalunok ako at ramdam ko ang tampo sa kanyang boses. "S-sorry po..."

"We understand, Jorge. Just don't leave like that anymore, okay?"

Tumango ako at hindi ko pa rin nakuhang magsalita.

"Dad... how did you know-?" Kunot-noo pa rin si Ty at nakapamaywang na. Parang naiirita yata na ewan.

"Your sister was there. She video your marriage proposal," natatawa pang sagot ni Tito Seb.

"Congratulations!" Si Kirsten na parang binalewala lang ang mood ni Ty at agad na lumapit sa akin para yakapin ako. "Congrats, sis! At last, magiging for real na ang pagiging mag-sister natin!"

"T-thanks..." nahihiyang sagot ko at wala ako sa sariling napabaling sa naniningkit na mga mata ni Ty.

"You little witch--" Napatikhim siya sa inis.

"I love you too, Kuya!" nakangiting sabi lang niya at hindi ininda ang inis ng kanyang kapatid.

Lumapit din sa akin si Chance bitbit ang baby nila ni Kirsten na mukhang ang bilis lumaki.

"Sorry about last time, Jorge. Si Kirsten kasi-" Nagkamot pa siya ng batok habang bitbit nang isang kamay ang napaka-gwapong baby nila. Mabigyan ko kaya nang ganitong ka-gwapong anak si Ty? "Congrats, huh."

"Yeah, salamat." Tumango ako at inakbayan niya si Kirsten na panay pa rin ang diretsong pakikipagtitigan sa nakasimangot na kapatid.

"Hey, yaan mo na. Ang galing mo naman kumanta, 'no?" pang-aalo ko pa kay Ty habang hinahagud-hagod ang kanyang braso. Agad naman ding humupa ang kanyang inis at napailing na lang.

"Huwag ka na magalit, Kuya. Ang romantic mo kaya! Kinikilig ako sa tuwing pinapanood ko ang proposal mo. Parang never kang nagalit kay sis noon."

Nagtawanan lang silang lahat sa sinabing iyon ni Kirsten at bahagyang pinamulahan si Ty sa hiya. Ang cute lang!

"You shut up, Kirs." Umismid si Ty at binalewala na lang ang panunukso ng kapatid. "So, now you all knew..." Malalim pang bumuntong-hininga si Ty at tinapunan nang seryosong tingin ang miyembro ng kanyang pamilya. "I am going to marry, Jordan and none of you can stop me."

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon