Chapter 17

9.3K 116 6
                                    

DANIEL

SHE was so silent. Her hands on my waist. Her head leaning on my shoulder. I wished I had brought Dark Knight instead of the Harley... Sana ay mas komportable si Kathryn ngayon. She was wearing a gown kaya nakatigilid ng upo ito sa big bike. She wasn't even wearing a helmet. I forgot to bring one.

"Are you comfortable?" I asked. Gusto kong marinig ang boses nito. Gusto kong malaman kung kalmado na ito.

She stirred. Pero hindi nagsalita ito.

I tensed. Not knowing what to say next.

"I shouldn't have come with you." Maya-maya ay sabi nito.

I relaxed. That made sense. Hindi gawain ng babaeng nasa matinong pagiisip ang basta na lang pagsama sa isang di naman nito lubos na kilala. Pangalawang beses na iyon. Pero iba ang sirkumstansya nito kanina at noong isang gabi, naiintindihan ko kung bakit ginawa nito iyon.

"But you were there... I need a ride." Parang sa sarili lang nito sinabi iyon. Maybe, convincing herself that she'd made the right decision.

I smiled. Amused. "And you're regretting it now?" I said in a light tone.

"No." Mabilis nitong sagot na ikinaluwang ng ngiti ko.

"Then why are you so silent? Anong iniisip mo?"

Gusto kong malaman. Ang dami kong gustong itanong dito.

I felt her hands tensed on my waist. She didn't answer.

Napabuntong-hininga ako. Ano nga bang karapatan kong magtanong? Nagkataon lang na naroon ako kanina at kailangan nitong tumakas. Hindi kami magka-ano-ano. Wala akong karapatang alamin ang iniisip nito.

"I was thinking of what happened." She said after a while na bahagya kong ikinagulat. Ang akala ko ay na-offend ito sa tanong ko.

"Of what happened..." Ulit ko at mas binagalan pa ang takbo ng bike. Palabas na kami ng highway. Napakalayo na namin sa hotel.

"Yes," naramdaman ko ang pagtango nito sa balikat ko, "And of what will happen tomorrow..." Her voice was so sad.

Naalala ko ang mukha ni Quen nang iwan namin ito kanina. He was beyond disappointed nang sumama sa akin si Kathryn, his fiancée. Naalala ko ang kislapan ng mga camera na humahabol sa amin. Sigurado akong bukas, laman ng balita sa peryodiko ang nangyari.

Malalagay sa alanganin ang dalaga.

Anong iisipin ng mga tao dito? Na iniwan nito at pinagmukhang tanga ang fiancé nito sa harap ng mga press dahil sa pagsama sa ibang lalaki, sa gabi pa naman ng sariling engagement party nito.

Pero nagsisisi ba ako? Kinapa ko ang sarili kong konsensya... No. I would have done the same thing kung uulitin ang mga nangyari kanina.

I saw her ran out of the building. She looked so helpless back there. Pinagkaguluhan ng press ito. Nakita ko si Quen na nakatayo lang sa entrada ng hotel. Parang hindi makapag-desisyon kung lalapitan ito at aawatin ang press o babalik na lang sa loob ng hotel kasama ang babaeng kasabay lumabas nito. That's when I decided to get my bike... Wala akong balak itakas si Kathryn doon. Gusto ko lang bulabugin ang makukulit na reporters.

She remained standing there kahit nang nagtakbuhan na palayo ang press. At sa tama ng ilaw ng bike ay nakita kong nakapikit ito, nagingislap ang tumulong luha sa pisngi.

Parang may sumuntok sa sikmura ko ng mga sandaling iyon. Bakit umiiyak ito? Hindi ko kayang i-explain ang pag-aalalang naramdaman ko para dito. Naalala ko ang pag-set-up ko dito... Inatake ako ng guilt. Ganong-ganon din ito nang gabing iyon matapos atakehin ng mga 'fake hold-uppers'. Nakapikit din ito nang ihinto ko ang bike sa tapat nito.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon