Chapter 42

8.4K 132 18
                                    

A/N: I write to tell a story....

*Para kay wallflower0524 at kay Loreeelyn17 ng twitter... Salamat! :*

_____________________________________________

KATHRYN and DANIEL

"SI Bianca ba kamo ang hinahanap n'yo?" Binuksan ng may edad na babae ang gate at nilabas sila.

"Nasa loob po ba siya?" Tanong ni DJ.

"Naku, eh sayang dahil hindi n'yo inabutan... Kani-kanina lang umalis." Sagot ng may edad na babae.

Nagkatinginan sila DJ at Kath. Natakasan na naman ba sila ni BG?

Ilang araw na nilang hina-hunting ang babae, pero napakailap nito. Noong unang beses na magpunta sila sa publishing company kung saan konektado ito ay wala daw ito at matagal nang hindi nagpapakita doon. Kanina nang bumalik sila doon ay sinabi ng nakausap nila na sumaglit lang ito sa opisina at umalis na ulit. Ibinigay sa kanila ang address ng apartment na tinutuluyan nito, kaya nagpunta sila doon, pero wala na naman ito.

"Saan daw ho pupunta? Anong oras ho babalik?" Tanong ni Kath.

"Yan ang di ko masasagot sa inyo. Ang totoo ay kakauwi lang niya kagabi. Matagal nawala... May raket yata sa probinsiya. Tapos, kaninang bago umalis ay nagiwan lang ng renta niya sa bahay. Hindi naman nagsabi kung saan pupunta... Pero mukhang matatagalan siya dahil may malaking bag na dala nang umalis."

"Ganon ho ba?" Si DJ, "May iba ho ba kayong kakilala na pwedeng magsabi kung saan siya pupunta? O kaya kakilala na pwedeng puntahan niya."

Sandaling nagisip ang kausap, bago, "Naku! Eh wala... Hindi naman kasi makuwento yon."

"Sigurado ba kayo?" Tanong ni Kath. May sasabihin pa sana ito, pero pinigilan ni DJ ang kamay nito.

"Salamat ho..." Sabi DJ, "Tutuloy na ho kami."

"SAAN naman kaya siya nagpunta?" Hindi mapakali si Kath nang sakay na sila ng sports car. "Anong gagawin natin ngayon?"

"Easy," Nakatutok sa daan ang tingin ni DJ. "Sa tingin ko eh wala naman siyang balak na ilabas ang picture na nakuha niya sa yate. Kung gagawin niya yon, dapat ay isinabay na niya sa paglalabas ng balita tungkol sa cancellation ng engagement n'yo ni Quen."

Hindi umimik si Kath. Hindi siya mapapanatag hanggat hindi nila nakukuha kay BG ang memory card nito o ang mga naprint na nitong kopya ng picture.

Kapag inilabas ni BG ang picture nila ni DJ sa yate, mas magiisip ang mga tao. Hindi naman alam ng iba na fake ang engagement nila ni Quen. Anong iisipin ng mga ito kapag lumabas ang picture nila na magkayap ni DJ? Na baka kaya nakansela ang engagement nila ni Quen ay dahil may relasyon na siya kay DJ noon pa mang engaged siya kay Quen. Anong labas niya? Two timer? At si DJ? Magmumukhang mangaagaw ito, sa sariling pinsan pa nito.

Tiningnan niya ang nobyo. Sa daan pa rin nakatutok ang tingin nito. Nangangalumata ito. Mukhang pagod at puyat.

Nakaramdam siya ng guilt. Ini-stressed niya ito sa paghahanap kay BG gayong alam niya na abala din ito sa trabaho sa kompanya at pagaaral sa University. Nagti-thesis pa nga ito ngayon. Pero sa halip na nakapagpapahinga ito sa mga libreng oras na meron ito ay sinasamahan pa siya sa paghahanap sa babaeng yon.

"DJ,"

"Hmm?" Diretso pa din sa daan ang tingin nito.

"Huwag mo na lang akong samahan sa paghahanap kay BG..."

Biglang pumihit ang ulo nito paharap sa kanya, "Anong sinasabi mo?" Bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Puwede naman kasing magpasama na lang ako kay Julia o ako na lang magisa ang..."

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon