Chapter 27

8.7K 121 8
                                    

A/N: Dedicated to @FitaLP :*

____________

DANIEL

"NEVER mind i'll find someone like you, I wish nothing but the best for you, too.... Don't forget me, I beg, I remember you said, Sometimes it lasts in love, but sometimes it hurts instead...." Kanta ni Zharm sa likuran niya.

Napailing na lang si Daniel. Kanina pa siya kinakantahan ng dalaga... Inaasar yata siya nito.

"Did you like my song?" Tanong nito. Nakakalang sa balikat niya ang baba.

"Masyadong malungkot ang kanta. Hindi bagay sa akin. Atsaka hindi masyadong masarap sa pandinig ang boses mo." Sinundan niya ng tawa ang sinabi.

Nagtatawang hinampas ni Zharm ang balikat niya. Nagulat siya kaya medyo gumewang ang takbo nila.

"Huwag kang malikot!" Saway niya sa dalaga na umayos naman ng upo sa likod niya.

Kanina pa sila sakay ng motor. Wala naman silang partikular na destinasyon. Madalas nilang gawin ni Zharm yon. Mahilig sa joyride ang dalaga. Hindi natatakot ito kahit mabilis ang takbo nila. Hindi rin nagsusuot ng helmet ito, kahit pilitin niya.

Matigas ang ulo ni Zharm. Isa yon sa dahilan kaya hindi sila nagtagal nito. Bukod pa sa hindi naman talaga sila seryoso pareho noong naging sila. They just decided that they're better off as friends. Doon naman talaga sila nagsimula. Mas oka na silang ganon.

"Ilang beses mo na siyang naisakay dito sa motor mo, DJ?" Maya-maya ay tanong sa kanya nito.

"Sino?"

"That special girl... The 'princess' you saved from her own 'prince charming' nights ago. That 'one girl' whom you can't stop thinking about. Si Kathryn..."

Hindi siya nakaimik. Ganoon ba talaga siya ka-transparent sa feelings niya para kay Kathryn na pati si Zharm ay nagiging intresado na dito?

Kahit noong sila pa ni Zharm ay hindi matanong ito tungkol sa mga past girlfriends niya. Noong magbreak sila ay hindi rin intresado ito na malaman kung may idini-date siya o may bago na siya. Ngayon lang nagtanong ito nang ganon.

"See..." Tumawa ang dalaga sa likuran niya. "Kahit mabanggit lang siya ay apektado ka na. You're speechless." Nanunuksong sabi nito.

"Shut up," sabi na lang niya dito.

Tama si Zharm. Mabanggit lang ang pangalan ni Kathryn ay parang nawawala na siya sa huwisyo. Mahigit isang linggo nang wala siyang balita sa dalaga.

"Kita mo at pati ako ay sinusungitan mo?" Walang balak tumahimik si Zharm. "Nagsusumbong na sa akin ang mga team mates mo. Para ka daw bulkan lately na anytime ay pwedeng sumabog. Guess what they're all thinking? Na kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa babae." Nilangkapan nito ng sarcasm ang boses, "Ang guess what else they told me? Na ngayon ka lang nagkaganyan... Not even when we broke up, DJ. That's a B.I.G Ouch, you know?" Maarteng sabi nito.

Mga loko ang team mates niya. Pinagtsitsismisan pala siya!

"So..." Mukhang sinasapian ng kakulitan si Zharm.

"So?"

"So tell me about her..."

"What for?"

"Para malaman ko kung anong meron siya na wala ako. So I'll know why u fell for her... Si Daniel Padilla... The infamous 'player', mukhang tinamaan na talaga. Oh DJ, I think you're hook, line and sinker." Nangaasar ang tawa nito.

"Don't you know her? You go to the same University."

"Yes, pero magkaibang department kami. I just know her by name. What I want to know is your story... Yung kuwento n'yong dalawa."

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon