Chapter 8

10.1K 137 9
                                    

KATHRYN and DANIEL

"THANK YOU," Hindi mahiyain si Kathryn pero bigla siyang nakaramdam ng hiya nang alalayan pa siya ni Daniel na bumaba ng motor.

He got off first and gave his hands to her para makababa siya nang maayos.

"Nice house," that was an understatement from Daniel.

Mansion at hindi isang simpleng bahay lang ang nasa loob ng mataas na bakod sa harapan nila. He was half-expecting that she's rich. Kaibigan ng pamilya nito ang mga Cervantez. But he was hoping otherwise, kung para saan ay di niya alam. Basta ang alam niya, nakadama siya ng bahagyang disappointment na tama ang hula niyang kabilang ito sa sirkulong ginagalawan ng mga Cervantez sa lipunan.

Off limits.

"They must be worried." May pag-aalala sa tinig ni Kathryn nang sabihin iyon.

Oo nga at hindi siya sheltered gaya ng ibang anak-mayaman. She was a lot more free than her cousins. Mas liberated at mas maluwag ang mommy at daddy niya sa kanya kesa sa mga tito at tita niya sa mga pinsan niyang babae. Still, alam niyang hindi magugustuhan ng mga magulang kung malalaman ng mga ito ang nangyari sa kanya. And to think na basta na lang siya sumama sa isang estranghero at nagpahatid sa kanila.

Well, not a total stranger though. Nakilala niya na ito six years ago. Nameet niya ulit ito sa C Tower two days ago. He even saved her life tonight.

She smiled at the thought. Coincidence.

"Gusto mong pumasok muna?" She meant that.

May bahagi ng isip niyang nagsasabi na hayaan na lang itong umalis na. Nakapag-pasalamat na siya. Enough na 'yon. Pero nangingibabaw ang manners niya. The guy just brought her home, right? Safe and sound.

He chuckled. "You serious? Look at me..."

Nagtaka si Kathryn sa sinabi nito. Nevertheless, she looked him up and down.

She knew he was wearing a leather jacket, kanina pa niya alam iyon. Nakaputing shirt ito sa ilalim ng jacket. Nakakupasing maong na puro tastas sa hita at tuhod. His rubber shoes looked worn and dirty. Vans. Her brother owned the same pair. Mas malinis at mas bago nga lang.

Napangiti siya. Naalala niya ang hitsura nito noong magkita sila sa C Tower. Mukhang nag-apply ito ng trabaho sa suot.

"Natanggap ka ba sa trabaho?"

Kumunot ang noo ni Daniel sa tanong na iyon. "Anong trabaho?"

Bigla na lang humagikhik si Kathryn. Natawa sa sarili niyang joke.

"Wala!" Sumeryoso na ang dalaga. Hinawakan sa braso ang binata. "Halika muna sa loob. Magkape ka muna." Yaya nito.

Pero hindi tuminag sa kinatatayuan si Daniel.

Tiningnan na siya nito mula ulo hanggang paa di ba? Hindi ba nito nakita ang ayos niya?

"What?" Tila nagtatakang sabi ng dalaga.

He was looking at her hand on his arm. Napansin naman iyon ni Kathryn at kaagad binitiwan ito.

"I gotta go..."

Regret. Irritation. Sadness. Iyon ang halo-halong nahimigan ng dalaga sa tinig ng binata nang sinabi iyon.

Para saan ang mga iyon?

"Gusto na niyang umalis. Paalisin mo na. Bakit parang na-disappoint ka pa? Anong problema mo Kathryn?" Paninita ng isang bahagi ng isip niya.

Was it disappointment that he saw on her face? Tanong ni Daniel sa sarili. Bakit naman madidisappoint ito?

Get a grip, man! You're imagining things. Sita ng binata sa sarili.

"Goodnight," sabi na lang niya dito.

Ngumiti ito. "Salamat ulit."

Muli ay nakaramdam na naman ng guilt ang binata. Kung alam mo lang, Kath... Baka isumpa mo pa ako. Saloob-loob niya.

Nakasakay na siya sa motor nang tawagin siya ni Kathryn.

"DJ,"

Bakit ganon? Ang sarap pakingkan ng pangalan niya pag galing sa bibig nito?

"I haven't say sorry." Sabi nito habang palapit sa kanya. Nakatingin sa noo niya. "Yang pilat mo... Ako ang may gawa 'di ba?"

Daniel smiled bitterly. Hindi dahil sa nagagalit pa rin siya dito dahil sa nangyari six years ago. Kung di dahil sa alam niyang nasingil niya na ito. At sa totoo lang, mapakla ang lasa ng kabayarang nakuha niya.

"Sorry..." She said in a small voice.

"Let's call it quits." Iyon lang at bago pa may masabi siyang iba o di kaya ay magbago ang isip niya at tanggapin ang paanyaya nito na magkape ay pinaandar niya na ang big bike.

Just your luck, man... The girl is out of your league.

He rode fast away from that place. Goodbye, sweetheart.

_______________________________________

A/N:

Ang daming issues ni DJ no? I know na nahihiwagaan na kayo sa kanya. In time, masasagot din lahat ng tanong sa isip ninyo about him. Tiwala lang! :D

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon