Chapter 26

9K 135 17
                                    

KATHRYN

"SO I told mom that she's just wasting her time. She's no green thumb. Halos lahat ng halamang itinanim niya dati sa greenhouse ng hacienda, namata..."

"Malayo pa ba tayo?" Putol ni Kathryn sa pagkukuwento ni Quen.

Sinulyapan ng dalaga ang suot na relo. Seven-thirty na ng umaga. Kakasikat pa lang ng araw nang sunduin siya ni Quen sa mansion. Pupunta sila sa tree planting activity sa isang bayan sa Laguna na ang Ninang Amelia niya ang nag-sponsor. Hindi makakadalo sa activity ang socialite dahil may sumpong daw ito ng migraine.

She doubted it! Mukhang sinadya lang ng Ninang niya yon para magkasama sila ni Quen.

Nilinga niya ang katabi. Nakakairita ito! Wala nang ginawa ito sa buong byahe kung di magkuwento nang magkuwento. Anong nakain nito? Bakit parang nakalunok ng 'talking machine'?

Ang totoo, mula nang bumalik siya sa Maynila galing sa hacienda ay naninibago na siya kay Quen. Biglang naging warm ang pakikitungo sa kanya. Parang nasasapian ng 'friendly spirit'.

Ahhhh... Di bale sana kung normal lang na madaldal ito. Ang OA lang nito ngayon.

"Malapit na tayo," Sabi ni Quen.

He looked hurt. Mukhang hindi nagustuhan ang pagkainip sa tono niya kanina at pagputol niya sa kuwento nito.

She looked away from him. Sa labas ng bintana ng kotse siya tumingin. Nagi-guilty siya, but she won't say sorry. He had hurt her feelings more than once before. Tama lang dito yon.

Anong nangyayari sa kanya? Bakit parang nawawala ang amor niya kay Quen? Dapat ay masaya na siya di ba? Ito naman ang gusto niya. Ang bumalik sila sa dati. Ngayon na gumaganda na ulit ang pakikitungo sa kanya nito ay naiinis naman siya dito. Ahhh! Hindi na niya maintindihan ang sarili, lately.

Her cellphone rang. Muntik pa niyang mailaglag yon sa pagmamadaling masagot ang tawag. She didn't even bother to look at the screen para tingnan kung sino ang tumatawag.

"Kath," a familiar voice said on the other line.

Lumaylay ang balikat niya sa disappointment. It was Julia.

"Ang aga pa, Juls" she sounded rude. Tsss.. Eh ano ba kasing kelangan nito sa ganong kaaga?

Mabuti na lang at hindi matampuhin ang kaibigan. Kung may nahimigan man ito na iritasyon sa tono niya ay pinalampas na lang. Ipinaalala lang sa kanya nito na may dadaluhan silang event mamaya---Battle of the Band.

She wanted to cancel, pero alam niyang magtatampo si Julia. Sumali kasi ang kapatid nito at ang bagong buo lang na banda niyon sa contest. Hindi nga nila alam ni Julia na may talent sa music ang kapatid nitong si Jerome.

Isinilid niya na sa bag ang cp, pero bago iyon ay tiningnan muna niya ang call log. Walang numero doon na hindi nakarecord sa phonebook niya.

"Huwag ka na kasing mag-expect, Kath. Ang labo mo din eh no? Ikaw naman ang may gusto n'yan di ba?" She was silently scolding herself, habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Pero tama naman ang ginawa niya di ba?

*Flashback*

Kung bakit hinayaan niyang halikan siya ng binata ay hindi niya masasagot. She just let herself get caught up in the moment. He was an expert, she was novice.

Nabibingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya nang lumapat ang labi nito sa kanya.

His kiss was soft and tender, gentle and slow.

However chaste it was, nagkakandabuhol-buhol pa rin ang paghinga niya. She was nervous. It was her first kiss and her lips was quivering.

"Relax, sweetheart..." bulong nito nang pansamantalay iwan ang labi niya.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon