Chapter 49 - Part 2

7.6K 116 11
                                    

KATHRYN and DANIEL

"ANO?!" Lalong tumaas ang kilay ni Kath sa sagot ni DJ sa kanya. "Anong sinasabi mo d'yan? Bakit ka nahihirapan gawa ko?"


Sa halip na sumagot ay lumapit sa kanya ito. "I'm a man, Kath... I have 'needs'." He said, tracing the outline of her face with his index finger. "Alam kong alam mo ang sinasabi ko."


Napaawang ang bibig ni Kath. Naiintindihan niya na. Pero, magasawa na naman sila ngayon, di ba? Anong pumipigil dito na gawin yon?


"Nangako ako sa lolo mo... Hangga't hindi pa tayo nakaka-graduate at nakakasal sa simbahan, hindi natin siya pwedeng bigyan ng apo." Hindi maipinta ang mukha ni DJ nang sabihin iyon.


Napangiti si Kath. Yun pala ang ikinakatakot nito.

"Nagbibiro lang siguro si grandpa'..." Sabi niya at yumakap dito. "Pero salamat, kasi hindi rin ako sure kung kaya ko nang maging 'mommy' at this age."


"Kaya nga nahihirapan ako, Kath. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magpigil." Hinalikan ni DJ sa ulo ito.


"At least, we're allowed to hug and kiss..." Natatawang sabi ni Kath. Ang saklap naman kung pati yon ay pipigilin nito ang sarili na gawin sa kanya.

"Yeah... Pero kung talagang gusto mo naman eh pwede namang sumira ako sa pangako ko sa lolo mo." Pilyo ang ngiting sabi ni DJ.

 "Loko ka ah!" Hinampas ni Kath sa dibdib ito.

"Awww!" Nagtatawang hinuli ni DJ ang kamay nito at dinala sa mga labi para halikan. "Don't wear anything 'tempting'', sweetheart..." Sumeryoso na ito, "Totoong nahihirapan ako."

Kinurot ni Kath sa dalawang pisngi ito, "Opo!"

"Nakakarami ka na ha..." Kanina pa napupuna ni DJ na pinangigigilan siya ng asawa.

"Na ano?" Patay-malisyang tanong ni Kath. Kumawala na sa pagkakayakap dito at umatras.

"Kanina mo pa ako minamaltrato. Hampas.. Kurot..."

"Bawal ba?"

"Hindi naman... Pero hindi rin bawal ang gagawin ko sa yo." Humakbang palapit si DJ.

"Anong gagawin mo?" Umatras ulit si Kath.

"Eto..." At bago pa nakatakbo palayo si Kath ay nahawakan na siya ng asawa sa isang kamay at naihiga sa damuhan.

"Deeeeejaaaaaaaaaaay!!!!" Tili ni Kath nang kilitin siya ng asawa sa tagiliran hanggang sa hindi na siya halos makahinga sa kakatawa.

______________________________________________________

"MAY problema ba, Anak?"

Nagtaas ng tingin si BG mula sa binabasang artikulo sa peryodiko. "Nay..."

"Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nakainom ng suka." Tanong ni Aling Azon sa panganay na anak.

Namumutla si BG. Nangyari na ang kinakatakutan niya. Inilabas na ni Mr. Manahan ang impormasyong nakuha niya tungkol sa tunay na pagkatao ni Daniel Padilla. Pangalan niya ang ginamit nito sa artikulo, kahit hindi siya ang gumawa nýon! Ang masama pa ay may halong kasinungalingan ang mga sinasabi sa artikulo.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon