Chapter 50 - Part 3

7.8K 107 22
                                    

KATHRYN and DANIEL

"IN the midst of our pain upon losing a great man..."

Nilinga ni Kath ang asawa sa tabi niya. Matamang nakikinig sa homily si DJ. Sa tabi nito ay si Don Manuel na tahimik na umiiyak.

Ilalagak ang labi ni Don Armando sa museleo ng mga Cervantez sa hacienda. Naroon silang lahat sa chapel para sa huling misa para dito.

Hindi bumibitaw sa kamay niya si DJ mula pa kanina. His hand was cold. Their fingers intertwined. Tuwing titingin sa kanya ito ay nakikita niya ang sobrang pamimighati sa mga mata nito... At gusto niyang maramdaman nito na naroon lang siya, na hindi niya iiwan ito.

"We gather to bid farewell to you, Armando... A beloved brother, grandfather and friend. We bid you go in peace..."

Napakislot siya nang maramdamang nagba-vibrate ang cell phone niya. She dare not answer the call. Nahuhulaan na niya kung kanino galing ang tawag.

Tapos na ang homily. Tinawag ng pari ang mga kapamilya sa unahan.

Nanatiling nakasara ang kabaong ng yumaong Don hanggang sa huling sandali. They said goodbye to him. Umusal siya ng maikling panalangin para sa abuwelo ng asawa. Nagpasalamat siya sa pagmamahal na ibinigay nito kay DJ... At hiniling niya na gabayan siya nito, dahil may kailangan siyang gawin na hindi niya alam kung tamang hindi niya ipaalam sa apo nito. Sinulyapan niya ang asawa. Ipapaalam niya din dito... Kapag tapos na.

______________________________________________________________

NANONOOD sa TV coverage ng libing si BG, katabi ang ina sa sala.

Tila tinakasan na ng kulay ang mukha ng dalaga habang titig na titig sa screen ng telebisyon. Na sa libing ng yumaong Don ang babaeng master mind sa pagpaslang dito. Katabing umiiyak ng kapatid ng Don na si Don Manuel.

*Flashback*

HINDI niya alam kung bakit ginagawa niya ito. Dinadala niya sa kapahamakan ang sarili. Pero natural na yata sa kanya ang pagiging pakialamera at tsismosa, dahilan para mapunta siya sa media.

Naku-curious lang naman siya. Hindi sinasadyang narinig niya ang paguusap ng Boss niyang si Mr. Manahan at ng kung sinong lalaki. Papasok sana siya sa opisina ni Mr. Manahan nang matigilan siya dahil narinig niyang may kausap sa loob ito...

"Nagkausap na kami ni Mrs. Cervantez... Wala kayong dapat ipagalala."

"Gusto ko lang ipaalala sa yo na kailangang lumabas sa artikulo na paghihiganti ang dahilan kaya inagawan ni DJ ng nobya ang pinsan niya."

"Hindi n'yo na dapat ipaalala. Marunong akong sumunod sa kasunduan."

Tumawa ang kausap ng Boss niya. "Naninigurado lang, Johnny... Naninigurado lang."

Ilang sandali pa siyang nakinig sa paguusap ng mga ito hanggang marinig niyang nagpapaalam na ang kausap ng Boss niya. Tumalilis siya papunta sa lobby. Nakita niyang lumabas mula sa opisina ni Mr. Manahan ang isang may edad na lalaki. Mukhang kagalang-galang ito.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon