Chapter 18

8.8K 121 3
                                    

KATHRYN and DANIEL

NAPAMAANG si Kathryn sa sinabi ni Daniel.

Engagement ring?

Engagement ring. Ahhh! She was engaged to Quen. Tama! Dapat ay may singsing siya. Pero paano siyang magkakaroon ng singsing kung hindi naman talaga nag-proposed si Quen sa kanya at hindi naman talaga sila totoong engaged ng binata?

"Where is your ring, Kath?" Seryosong tanong ni Daniel sa dalaga. He was still holding her hands.

"I... I don't have one." Binawi ni Kathryn ang kamay sa binata at sinabayan ng tayo. "Tara na... Gusto ko nang umuwi." Sabi nito na hindi tumitingin kay Daniel.

Hindi tuminag sa kinauupuan ang binata. "Tell me, sweetheart... What really happened back there." Kanina pa siya nagdududa at nadagdagan pa ang duda niya dahil sa sagot nito.

Napakagat-labi si Kathryn. Hindi niya gustong pagusapan ang tungkol sa 'engagement' nila ni Quen.

Matagal na sandaling wala silang imikan. Hanggang hindi na nakatiis si Daniel. Tumayo na rin ito at sa marahang tinig ay...

"May mga bagay na hindi mo kailangang gawin kung hindi mo gusto at mapipilitan ka lang." Madiin ang pagkakasabi nito sa mga salitang iyon, bago bumuntong-hininga at, "You really don't need to tell me anything. It's alright." He said and walked right in front of her. He held out his hand to her, "Halika na..."

Kathryn hesitated. Nakakarami na ito! Nakakailang hawak na sa kamay niya. Hmmmp!

Pero may sariling isip ata ang kamay niya dahil natagpuan na lang niya ang sarili na nakakapit na sa kamay nito. Parang nakakaloko ang ngiti na hinigpitan pa nito ang kapit sa kamay niya bago naglakad na sila palabas ng park, papunta sa motorsiklo nito.

She remembered Diego's reaction, earlier that night, when he saw the motorcycle on their street.

"Harley..." Natatandaan niyang sabi ni Diego.

Kamukha talaga iyon ng big bike ni DJ.

She was no expert on such things, pero pamilyar siya sa brand ng motorsiklong iyon dahil iyon din ang hinihingi ng kuya Gerald niya sa daddy nila na regalo noong nag-birthday ito four years ago. Hindi pumayag ang daddy niya dahil delikado daw ang motor.

Hindi niya makikilala ang brand ng big bike ni

DJ kung hindi sinabi ni Diego kanina. A 'Harley'... A very expensive brand.

She eyed him curiously. How can this guy afford a Harley?

WALANG matandaan si Daniel na nag-enjoy siya sa pagba-bike, gaya ng nararamdaman niya ngayon. Kahit hindi niya aminin, alam niyang ang backrider ang dahilan, si Kathryn.

Ang nakakatawa pa, parang hindi niya nga gustong matapos iyon. Ano kaya kung huwag niya munang ihatid ito pauwi?

"Gago ka!" Kontra ng isip niya, "Are you really crazy? Naghahanap ka talaga ng gulo."

Napailing siya sa sarili. Hindi gulo ang hanap niya. Not this time. Gusto lang naman niyang namnamin yung masarap na pakiramdam...

Na kasama niya ngayon si Kathryn. Baka hindi na maulit ito. Kung bakit ganon ang nararamdaman niya ay saka na niya iisipin ang dahilan. Basta ang alam lang niya ay masaya siya ngayon. Tapos.

"Anong iniisip mo?" She asked.

Bahagya niyang nilingon ito. Didn't he ask her the same question earlier?

"Ikaw..."

She chuckled. "Ako?"

Tumango lang siya. Wala siyang balak ipaliwanag dito kung bakit. Paano niya ipapaliwanag dito ang nararamdaman niya ngayon samantalang kahit siya sa sarili ay hindi niya kayang ipaliwanag iyon.

How can this girl makes him feel irrationally happy just by simply sitting there behind him?

"Ganyan ka ba sa lahat ng babaeng iniaangkas mo dito sa motor mo?" Natatawang tanong ni Kathryn.

Ilang babae na kaya ang naiangkas doon ni DJ? Tanong ng dalaga sa sarili. Pang-ilan na kaya siya?

"Bakit intresado kang malaman, Kath?" Tanong ng isip niya.

Wala lang... Masama bang magtanong?

"What do you mean?" Tanong ni Daniel.

"You're a flatterer..." Sagot niya. 'Bolero', gusto niyang idugtong.

"Is that a compliment?" Natatawang tanong ng binata.

"Depende,"

Ang lakas ng tawa nito. "Depende!"

Napatawa na din si Kathryn.

"Kung makatawa ka naman, Kath... Parang walang naghihintay na problema sa yo paguwi mo." Sita ng isip niya.

Biglang natahimik ang dalaga. Shit! Oo nga pala... Ahhh! Nawawala sa isip niya ang problema dahil sa lalaking ito.

He had occupied her mind since they left the park. Masyado siyang naku-curious dito.

Una, bakit ang bait sa kanya nito? Kailan lang ay sinet-up pa siya nito para gantihan dahil sa ginawa niya dito six years ago. Tapos ay tinulungan siyang tumakas kanina. Pinahiram pa siya nito ng jacket nang giniginaw siya. Pagkatapos ay dumagdag pa sa curiosity niya ang Harley nito.

Nahihiya naman siyang magtanong dito tungkol sa Harley. Baka sabihin pa nito na tsismosa siya at baka ma-offend pa ito kapag itinanong niya kung paanong nagkaroon ito ng ganoon kamahal na motorsiklo.

"Hey, gising ka pa ba?" Tanong nito nang mapansin na bigla siyang nanahimik.

"Makakatulog ba ako sa ganitong posisyon?" Natatawang tanong din niya dito.

"Malay ko ba... "

"Wala na bang ibibilis ang takbo natin?" Kanina pa kasi niya napapansin na ang bagal-bagal ng takbo ng motorsiklo.

"Naiinip ka na?" Sumeryoso ang tinig nito.

"Hmmm... Nangangalay na kasi ako." Totoo naman yon. Nakatagilid kasi siya ng upo.

"I'll bring a car next time."

"Next time?"

Hindi nakakibo si Daniel. Next time.

Bakit ba nasabi niya iyon?

"Asa ka din eh no, DJ" Kantiyaw ng isip niya.

"I don't want to get in trouble anymore. It seems that you always come to 'rescue' me whenever I'm in 'bad luck'... Or maybe, you're my bad luck." Dinugtungan iyon ng tawa ni Kathryn.

Alam ni Daniel na nagbibiro lang ito, pero di ba sabi nga nila, joke are half meant true? Malamang na ganon nga ang naiisip nito... Na siya ang malas o nagdadala ng malas dito.

"I was just kidding," tumatawa pa rin ito.

"You don't need to worry anymore, sweetheart. Next time, I won't come to you unless you ask me to."

He meant it. Sana lang narinig nito---May lumagpas na truck sa tabi nila at masyadong malakas ang ugong niyon---dahil hindi niya gustong kainin ang sarili niyang salita.

___________________________________

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon