Chapter 1

18.9K 230 11
                                    

Kathryn

I got off the car as soon as it stopped in front of the C Tower.

Tiningala ko ang dalawampung palapag na building. It was made of glass and steel. A state of the art condominium building.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa excitement o dahil sa kaba. Hindi ko sigurado kung para saan ang kabang nararamdaman ko. Wala namang dahilan para matakot ako di ba?

"He's back!" Sa isip ko ay parang narinig ko ulit ang tinig ni Julia sa telepono. "Quen is back!"

I smiled at the thought. Quen is back from the States. Anim na taon. Ganoon katagal nawala ang kinakapatid. Ganoon katagal itong nagaral sa States.

Sa loob ng mga taong lumipas ay wala kahit isang sulat o tawag man lang sa telepono siyang natanggap buhat dito. Nagtatampo siya, Oo, pero kaya niyang kalimutan ang tampo, dahil sa puso niya, walang kayang gawin si Quen na hindi niya kayang patawarin.

She loves him. Mahal niya ito simula pa noong mga bata sila. Hindi niya alam kung kailan umusbong ang damdamin niya para sa kinakapatid. Ang alam lang niya ay minahal niya na ito kahit noong panahong hindi pa niya lubos na alam kung ano ang kahulugan ng salitang 'mahal'. Her feelings never wavered through the years. Mas lumalim at mas tumibay pa iyon ngayon. At natatakot siya sa damdaming iyon. Dahil hindi niya alam kung may katugon ba iyon.

"I'm here," she said to herself.

Nandito na siya. Susorpresahin niya si Quen. Hindi na siya makakapaghintay ng bukas para makita ito. Alam niyang naroon ito sa condo unit nito. Nakausap niya si Ninang Amelia kanina, ang ina ni Quen. Ipinalinis daw ni Quen ang unit bago ito umuwi ng Pilipinas dahil doon nito gustong mag stay at hindi sa mansion. Siguro ay mas komportable doon ang binata. Sa condo unit na iyon din ito tumira noong unang taon na nagaral ito sa kolehiyo bago umalis papuntang States. Pagaari ng pamilya nito ang C Tower.

Humigit siya ng malalim na hininga at pinuno ng hangin ang dibdib.

Kailangan niyang gawin iyon dahil nagsisikip na ang dibdib niya. Ano pang hinihintay mo Kath? Go!

___________________________________

DANIEL

"WHEN will you stop giving me headaches?"

Hindi ako kumibo. Sa loob ng ilang taon na nakilala ko ang abuwelo, nalaman ko na ang pinaka-epektibong paraan para mabilis na matapos ang sermon nito ay ang hayaan itong magsalita nang magsalita without any interruptions. Kapag napagod na ito ay kusang titigil ito.

"Alam mo bang kinailangan ko pang magdonate na naman sa foundation ng University para lang hindi ka makicked-out?!" Inihampas ni Don Armando ang baston nito sa mesang yari sa antigong narra.

Nasa loob sila ng opisina ng Don, sa loob ng C Tower. The Cervantez's owned that building. Isa lang sa pagmamayari ng pamilya iyon. Hindi niya gustong bilangin at isa-isahin ang kayamanan ng pamilya... Nalulula siya.

"Huling taon mo na sa kolehiyo. Pangatlong taon mo na ito sa 4th year! Hindi ka pa ba nasasawa? Kailan mo balak magtapos?"

Napakamot siya sa noo, sa may taas ng kanang kilay, sa bahagi kung saan may malabong pilat na nakamarka. Hindi niya alam kung bakit hindi na nawala ang mannerism na iyon na nakuha niya noong binatilyo pa lamang siya. Ginagawa niya iyon tuwing nakakaramdam siya ng iritasyon.

Isang malabong ala-ala ng kabataan niya ang pilit sumisingit sa isip niya ng mga sandaling iyon. Isang malabong mukha ng dalagitang may mahabang buhok at maamong mukha.

Ahhh... Forget it, DJ!

"Are you even listening?" Malakas na tinig ng abuwelo ang pumutol sa masamang guni-guni niya.

Napatuwid siya ng upo. "I am,"

"I'm cutting your allowance. No credi cards. You can't use your toy car. No parties."

Tumango lang siya. What's new? Sanay na siya.

"Hindi ka pwedeng umuwi sa hacienda. I want you to concentrate on your studies."

Naningkit ang mata niya sa narinig. Well, that's a first!

"You may go." Pagtataboy ng abuwelo sa kanya.

Gusto niyang tumutol, pero alam niyang lalo lamang magagalit ito. Baka mas lumala pa ang parusang ibigay sa kanya.

Pabuntong-hiningang umahon siya sa kinauupuan. Yumuko sa harap ng abuwelo tanda ng pagpapaalam. Pagkatapos ay walang lingon-likod na lumabas ng opisina.

He deserved it, didn't he? Kasalanan naman talaga niya. Kung tutuusin ay kulang pa iyon.

A/N: I hope you enjoyed the first chapter.

I'd like to hear from you. Comment please. (((:

Naiinip na ba kayo sa muling pagtatagpo ng mga bida natin? Ako rin! XD

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon