Chapter 49 - Part 1

7.5K 125 9
                                    

A/N: Para sa mga silent readers at kay Vina... Salamat po! :) :*

____________________________________________ 

KATHRYN and DANIEL

Dear Babe,

 

Remember the necklace you gave me with your mother's ring? You said that I should keep it as a reminder that I hold your happiness in my hand. Today, I am giving you this necklace with the 'key' to my heart. Keep it as a reminder that you are my 'key' to happiness and only you hold my heart forever.

 

I love you, 

Kath

Itinupi ni DJ ang sulat. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit niya nang nabasa iyon mula pa kaninang tanghali na makuha niya ang regalo ni Kath sa kanya.

Isinilid niya sa wallet ang stationary paper, bago hinawakan ang susi na pendant ng leather necklace. He'll treasure that key... And the girl who gave it. His wife.

Pinagmasdan niya ang asawang mahimbing nang natutulog sa tabi niya. She was smiling in her sleep. Nakayakap sa kanya ito habang patagilid na nakahiga sa kama.

"I love you, Kath..." Tumungo siya at hinalikan ito sa ulo. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka."

Naisip niya ang bukas at ang mga susunod pang araw ng buhay niya, nila. Napakarami pa nilang pagdadaanan... Higit pa sa problemang hinarap nila ngayon. pero alam niyang malalagpasan nilang lahat iyon hanggat magkasama silang dalawa.

Umayos siya ng higa at ikinulong sa bisig ang asawa... At gaya nito, nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.

__________________________________________________________

"PAMBIHIRA naman ito... Ay sus!" Panay ang iling ni Yaya Melay habang binabasa ang peryodiko at naglalakad pabalik sa loob ng mansion. "Ay hindi naman totoo ito. Nako naman... tsk.tsk.tsk."

"May problema ba, Melay?"

"Ay kabayo!" Nabitiwan pa ni Melay ang peryodiko.

Napatawa si Min. Kahit kailan ay kuwela itong si Melay. "Ano bang nangyayari sa yo? Hindi pa sumisikat ang araw ay nakasimangot ka na at nagsasalita ka pang magisa?" Ipinagpatuloy nito ang paglalagay ng mga bulaklak sa flower vase.

"Ay madam..." Dinampot ni Melay ang peryodiko mula sa sahig. "Kasi... Tingnan nýo itong artikulo sa peryodiko."

Inihinto ni Min ang ginagawa at inabot ang peryodiko mula sa yaya.

THE TRUTH ABOUT THE BROKEN ENGAGEMENT

Nangunot ang noo ni Min nang mabasa ang headline sa society pages ng peryodiko. Sa ibaba ay may mga larawan sila DJ, Kath at Quen. Pero ang pinakamalaking larawan ang umagaw sa atensiyon niya.

Magkayakap sila DJ at Kath sa larawan. Binasa niya ang caption sa ibaba...

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon