Chapter 6

10.5K 153 10
                                    

KATHRYN

"Girl, are you sure ayaw mong sumabay?" Si Ainah, kaibigan at kaklase ko sa ilang subject.

"Okay lang ako. I'll just take a cab home."

Out of the way ang bahay nito sa bahay namin. Abala masyado kung papahatid ako. Atsaka sanay naman akong mag-taxi. Hindi ako pinalaking maarte ng magulang ko. Marunong nga ako mag-jeep mag-isa.

"Sige, take care." Paalam nito bago sumakay na sa sasakyang naghihintay.

Nawala na sa paningin ko ang sasakyan ni Ainah.

Tiningnan ko ang suot na wristwatch. Almost 8 pm na. Napailing ako. Naaksidente ang driver ko. Hindi naman ito napahamak pero nagkaproblema ang sasakyan. Malala siguro ang damage sa kotse kaya nagtext na ang driver kanina na kung wala pa ito bago mag seven-thirty ay magpasundo na ako sa iba. Pero naglowbat na ako kaya hindi na ako nakatawag sa bahay.

"Miss,"

Ang gulat ko nang biglang may sumulpot na

lalaki sa likuran ko. Naka-sumbrero at naka-shades.

Anong problema mo kuya? May araw? Gabi na kaya...

"Anong oras na?" Tanong nito.

Hindi ko ugaling makipagusap sa mga estranghero pero nagtatanong lang naman ito ng oras.

Tiningnan ko ulit ang wristwatch ko, "Eight..."

"Holdap 'to Miss. Wag kang sisigaw."

"What?!!"

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Ang bilis-bilis! Bigla na lang may dalawa pang lalaki sa harapan ko. Yung isa hinihila ang bag ko at yung isa naman kinapitan ako sa braso at pilit hinuhubad ang wristwatch ko, habang yung naunang lalaking lumapit kanina, tinakpan ang bibig ko ng panyo.

Alam mo yung takot? Higit pa don yun feeling ko

ngayon. Nakakamanhid pala yun no? Nakakablanko ng isip. Naramdaman ko na lang na nanlalabo ang paningin ko. Mahihimatay ba

ako? No. Those were tears. Naiiyak ako sa sobrang takot.

Ugong ng motorsiklo ang nagpatigil sa mga hold-uppers. Binitiwan akong bigla ng mga ito.

Nabuhayan ako ng loob. "Help!" I'm sure I shouted the word. Pero wala akong narinig na

boses.

Napapikit na lang ako dahil sa nakakasilaw na

liwanag mula sa headlight ng motorsiklo.

"Tayo na bro!"

Narinig kong nagtakbuhan na ang mga hold-uppers sabay sa paghinto ng motorsiklo sa harap ko.

"Okay ka lang ba, Miss?"

"I'm.. I'm... not." Ako ba yon? Nanginginig ang boses ng babaeng nagsalita.

"Kathryn?"

The stranger called me by name. Kilala ako.

Relief flooded through me. But my eyes remain closed. Natatakot pa rin akong magmulat ng mata. Baka nandon na naman ang mga hold-upper pagmulat ko. Biglang lumakas ang pagiyak ko.

"Damn it! Kathryn... Shhhh... It's okay. You're safe now." Parang alalang-alala ang tinig ng lalaki. "You can open your eyes now. I'm here." Dagdag pa nito bago naramdaman kong hinawakan nito ang dalawang kamay ko.

His hands were warm and I suddenly felt safe.

Only then did i open my eyes.

And there he was... That same guy whom i had ran away from two days ago. No. Six years ago.

"DJ..." It just rolled off my tongue. Iyon ang tawag ni Mang Carding dito. Natatandaan ko na.

He grinned. "Naalala mo na ako."

Tumango ako. I couldn't bring myself to talk. I was still shaking with fear.

____________________________________

DANIEL

"It's alright. Wala na sila." Hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay ni Kathryn. Ilang minuto na ang lumipas. Humina na ang pagiyak nito.

Gusto kong yakapin ito. Nanginginig pa rin ito sa takot. At gusto ko rin batukan ang sarili ko. Anong kagaguhan ba ang pumasok sa isip ko? Bakit naisip ko pa ang kalokohang iyon?

"Can you talk now?" Tanong ko nang mukhang kalmado na ito.

"I-I want to... go... home..." Sagot nito sa pagitan ng mahinang paghikbi.

Iyon naman talaga ang plano 'di ba? Ako ang dapat maghatid dito pauwi pagkatapos kong 'magpakabayani' sa pagliligtas dito sa mga fake holdupers.

Dapat ay matuwa ako. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Nasusuklam ako sa sarili ko ngayon!

"Take.. Take me home, please?" Nakikiusap ang tinig nito.

Gago ka, DJ! Sigaw ng konsensya ko.

"You know how to backride, sweetheart?" Huli na para bawiin ko ang endearment. Kusang lumabas iyon sa bibig ko. Sanay na?

Tango lang ang isinagot niya sa akin.

Kahit hindi ko gusto, kailangan kong bitiwan ang kamay niya na nanginginig parin.

Napatitig ako sa sarili kong kamay pagkatapos. Bakit ganon ang feeling? Ang empty ng pakiramdam ko nang bitiwan ko ang kamay ni Kathryn.

Shake it off, DJ. Hindi ito ang tamang oras para mag-analyze ng damdamin mo!

Sumakay na ako sa bike. Pagkatapos ay kinuha ang helmet na nakasabit sa manibela.

"Kailangan mong isuot 'to." Iniabot ko sa kanya ang helmet.

Pagkatapos maisuot ang helmet ay sumampa na ito sa likod ng bike.

Binuhay ko na ang motor, pero hindi ko agad pinaandar.

Nararamdaman ko ang pagaatubili ni Kathryn na kumapit sa akin. Mahihirapan itong umangkas kung walang kakapitan.

"You need to hold on to me." Sabi ko na hindi lumilingon. Naririnig ko pa rin ang impit na paghikbi nito.

"Where?"

Hindi ko mapigilan ang ngiti na kusang nagkaporma sa bibig ko. Kung ibang babae ito, baka kanina pa nakapulupot na parang sawa sa katawan ko ang braso nito.

Pero hindi ito tulad ng ibang babaeng kakilala ko. Si Kathryn Chandria Bernardo ito.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon