Chapter 12

9.2K 127 5
                                    

A/N: Hello, kay lilacmoonbeam ! :) Malapit na masagot ang mga tanong niyo about DJ. Konting hintay na lungs. *wink*

*****SPECIAL THANKS sa mga nag-fan at nag-vote. Gusto ko lang talaga magsulat para sa dalawang bebes K

______________________________

DANIEL

"BAKIT ba tayo nandito? Ayaw kong mag-gate crash ha, DJ." Si Bea.

Ang kulit nito. Bakit ba ito pa ang isinama ko dito?

Dahil kailangan mo ng 'props', DJ. Kailangan mo ng excuse mamaya para kapag pumasok ka sa loob, magkaroon ka ng dahilan na makalabas agad.

"Look at me. Parang ang alangan ng dress ko sa event sa loob. Kaloka! Tingnan mo nga yang mga pumapasok... Parang a-attend ng Oscars sa Hollywood!"

"Shhhh!" Iritadong saway ko dito.

Tumahimik naman ito. Nagtaka pa ako kaya nilingon ko. Kinukutkot nito ang glitters sa suot na damit. Kinutusan ko nga.

"Aray naman!"

"Sisirain mo ba yan? Hiniram ko lang ke Zharm yan!"

Ang lakas ng tawa nito, bago, "Ang baduy nito ha! Sigurado kang kay Zharm 'to? Akala ko ba wala na kayong dalawa. Di ba break na kayo last month pa?"

Hindi na ako sumagot. Hahaba pa ang usapan. Nuknukan ng daldal ni Bea. Maingay pa. Pero kahit ganito ito, game naman sa lahat ng kalokohan.

Taga-MU din ito. Scholar. Matalino. Close sila. Ito lang ang ka-close niya na babae na walang halong malisya. Apo kasi ito ni Manang Lenny, ang mayordoma sa hacienda. Halos sabay na silang lumaki. Siya lang pala. Bansot kasi ito. Pero mas matanda ako dito. Nineteen lang ito. Twenty-one na ako. Parang nakakabatang kapatid na ang turing ko dito.

"Papasok ba tayo o hindi? Ang lamok dito oh..." tinampal nito ang pisngi. "Syeeems! Kaderder! Mauubos ang blood ko dito." Ipinunas nito sa damit ang dugo galing sa lamok na tinampal sa sariling pisngi.

Napangiwi ako. Kakahiya talaga 'tong si Bea. Walang kafinesse-finesse. Hindi gaya ni....

Gaya nino DJ? Gaya ni Kathryn?

Damn it! Bakit ba bigla-bigla na lang itong pumapasok sa isip ko?

*Flashback*

Kitang-kita ko nang lumabas ng gate si Kathryn. My jaw dropped literally. She looked different...

It felt like i was in a trance as i watched her from where i stood.

She walked like a princess towards the car that was waiting for her... towards that guy who was waiting for her.

*End of Flashback*

Basag ka no, DJ? May date si Kathryn.

I felt a tinge of bitterness at that thought.

Bitterness? Bakit naman bitterness? Ano bang nararamdaman mo para kay Kathryn?

Wala! Ano bang dapat kong maramdaman? Nagiguilty lang ako sa nagawa ko.

Owwws?

"Inaantok na ako, DJ... Anong petsa na oh? Papasok ba tayo d'yan o hindi?" Pangungulit ni Bea.

Lihim akong nagpasalamat dito dahil na-distract ako. Hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip ko.

Tumingin ako sa wristwatch kong suot... 9 pm.

Malamang na kanina pa nagsisimula ang event sa loob. Paunti na rin nang paunti ang dumadating na guests.

Dinukot ko ang invitation card sa bulsa ng suot kong jacket.

Driver ng abuwelo ang naghatid sa akin ng invitation kaninang umaga. Ipinadala iyon ni Don Armando with a short note na kailangan kong pumunta. Kung bakit ay hindi sinabi nito.

Wala talaga akong balak pumunta. Kahit minsan, sa loob ng mga taong nagdaan na nakilala ko ang abuwelo ay hindi ako dumalo sa kahit anong okasyon na inimbita ako nito. Maliban na lang kung simpleng meeting ang imbitasyon nito, gaya nang nakaraan kong pagpunta sa opisina nito sa C Tower.

Pero kanina matapos akong manggaling sa village nila Kathryn, hindi ko alam kung bakit nasumpungan ko na lang na pagbigyan ang imbitasyon ng abuwelo. Pinuntahan ko si Zharm sa bahay nito para yayain, pero hindi pwede ang dalaga kaya naisip kong si Bea na lang ang yayain. Inihiram ko pa ito ng damit kay Zharm para magmukha namang presentable ito.

"May invitation ka naman pala!" Inagaw sa akin ni Bea ang invitation. "Ayos ah!" Binasa nito ang nakasulat doon.

Maya-maya ay napatitig sa kanya ito. "Party ni Sir Quen? Ibig mong sabihin yang event sa loob ay party ng mga Cervantez?"

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa malaking pangalan sa itaas ng building sa harapan namin---C Plaza and Hotel.

"Nagbago na ba ang isip mo, Deej? Handa ka na ba ngayong tanggapin ang kapalaran mo?" Makahulugang tanong sa sakin ni Bea.

Napatitig ako dito. Anong sinasabi nito? Ni hindi sumagi sa isip ko iyon. Kontento na ako sa tahimik kong buhay ngayon. Wala akong balak guluhin iyon.

_________________________________

FreeWill ----> May hula na kayo tungkol sa background ni DJ? :)))

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon