Chapter 3

13.4K 176 8
                                    

A/N: @lilacmoonbeam You were the first to comment. Much appreciated. Thanks!

Iniisip ko if nakakarelate yun mga teen readers ng wattpad sa writing style ko, parang pocketbook nga kasi. Alam kong medyo naiiba sa karaniwang nababasa dito, but i'm positive, I know in time you guys will learn to appreciate my style as you get to read more of this story. (maiba lang) hahaha! :)

______________________________________

KATHRYN and DANIEL

THEIR eyes met.

He was surprised to see the tears in her eyes.

Bakit umiiyak ito?

She was surprised to see him there.

Anong ginagawa nito doon?!

"Ikaw?" Bulalas ni Kathryn.

"What do you..." Hindi na natapos ni Daniel ang sasabihin, dahil nang magsalita ang kaharap at marinig niya ang tinig nito ay parang isang palabas sa sine na unti-unting bumalik sa ala-ala niya ang nakaraan...

*flashback 1*

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

She was so cute! Pulang-pula ang mukha sa inis, samantalang hindi naman maputi ito. Marunong din palang mag-blush ang mga negra?

Napangisi siya.

BOG!

"Awwwww!" Sinapo niya ang mukhang tinamaan ng bato.

*flashback 2*

"Mahirap lang tayo, DJ. Wala kang maipagmamalaki bukod sa hitsura mo. Kaya ingatan mo ang mukhang 'yan!" Ang tiyo Carding niya.

Nagpapatawa ang matanda. Palaging ganoon ito kapag nasusugatan siya, kahit malayo pa sa mukha ang bangas niya. Siyempre, hindi niya sineseryoso iyon. Lalaki siya. Natural lang na mabangasan siya paminsan-minsan. Pero hindi natural na babae ang makabangas sa kanya!

Gigil na itinukod niya sa magkabilang tuhod ang dalawang siko. Nagsasalubong ang mga kilay sa galit.

Humanda sa kanya ang Kathryn na 'yon kapag nakita niya mamaya. Ang bilis manakbo kanina. Nakapagtago agad sa loob ng bahay hacienda. Hindi tuloy niya inabutan. Pipilipitin talaga niya ang leeg niyon!

*End of flashbacks*

"Ikaw!" Anang binata na nanggigilalas. Pagkatapos ng anim na taon. Nakaharap niya muli ang may kagagawan ng pilat niya sa noo!

Napamaang si Kathryn.

Anong "Ikaw!" ang sinasabi nito? Kilala din ba siya nito?

Ofcourse she knew him. The infamous Daniel Padilla of Madrigal University. Varsity Star Player. Troublemaker. Campus crush. Heartbreaker.

Kaya niya kilala ito ay dahil sa naglalaro ito sa liga ng basketball na ang mga kasali ay mga sikat na University sa bansa. Ipinapalabas sa TV ang mga laro ng liga. Napapanood niya ito sa TV.

Pero siya? Bakit naman siya makikilala nito?

Imposible. Magkaiba sila ng Univeristy. Oo nga at mula siya sa kilalang angkan, nasa politics ang buong pamilya nila, pero low-profile siya. Hindi siya tulad ng ibang pinsan na mahilig sa limelight. Umiiwas siya sa ganoon. Ayaw niya ng magulong buhay.

"You know me?" Parang timang lang na tanong ni Kathryn sa binata.

Nawala ang panggigilalas sa mukha ni Daniel. Nahalinhan ng pagtataka. Akala ba niya ay nakilala siya nito kanina?

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon