Chapter 20

9.8K 132 6
                                    

KATHRYN

"SIGURADO ka ba na nagpaalam ka sa fiancé mo, Kath? Baka magalit si Quen kapag nalaman niyang gumimik tayo." Si Julia.

Hindi kumibo si Kathryn. Wala siyang pakialam sa sasabihin o iisipin ni Quen o kahit ng ibang tao. Masama bang mag-enjoy naman siya ngayon?

"Sis... May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Nananantiyang tanong ni Julia sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng vanity mirror at nakatingin sa kanya mula sa salamin.

Nasa loob sila ng walk-in closet niya at nagbibihis na siya para sa lakad nila. Ngayon lang ulit sila nagkita ni Julia pagkatapos ng party. Ilang linggo din niyang iniwasan ito. Hindi pa kasi siya handang sagutin ang mga tanong nito.

"I mean... After the party kasi, ang daming lumabas na balita sa dyaryo." Sabi pa nito, "You know... About your engagement kay Quen. Tapos, nagkaroon kayo ng presscon ni Quen. May mga press na gustong kumausap sa akin. Nanghihingi ng statement. They know we're close. Syempre hindi ako pumayag. Tapos, bigla na lang namatay ang issue. Parang may media blackout." Tumawa ito, "Ang weird lang, Kath. Naguguluhan ako."

Namili siya ng sapatos sa rack. Kinuha ang red pumps na napili at isinuot iyon.

"Wala kang nabanggit about the engagement, Kath. Ginulat mo ako... Kahit si Diego ay nabigla sa announcement." Patuloy ni Julia nang walang makuhang sagot sa kanya.

She smiled on the full length mirror. She looked fine. Bumagay ang skinny jeans niya at white cotton and lace blouse niya sa pumps.

"Hindi mo ba ako kakausapin?" Parang naiirita nang sabi ni Julia. "Kanina pa ako..."

"Walang engagement, Juls." Putol niya sa pagrireklamo nito.

Literal na napanganga si Julia. Umahon ito sa upuan at lumakad palapit sa kanya.

"Anong sabi mo?"

"Walang engagement." Ang pakla ng tawa niya. tinalikuran niya ito at lumapit sa shelf kung saan naroon ang mga bag niya, "Meron, pero hindi totoo. They faked it... palabas lang lahat ng yon para sa kompanya." Paliwanag niya habang namimili ng bag sa shelf.

"Ano?!"

Kung ordinaryong araw lang iyon ay napatawa na siya sa reaksyon ng kaibigan. Pero wala ng ordinaryo sa mga araw niya. Wala ng normal na araw sa buhay niya ngayon. Pakiramdam niya ay araw-araw siyang umaarte sa stage at ang pamilya at ibang tao ang audience niya.

*Flashback*

"May financial problem ang kompanya, Kath." Parang hiyang-hiya ang Daddy niya. "Ang merge na lang ang inaasahan natin para maisalba ito." Paliwanag pa nito.

"Anong mapapala ng mga Cervantez sa pakikipag-merge sa isang kompanyang nalulugi?" Nagtatakang tanong niya.

"They need our good name... Pati ang impluwensiya ng lolo mo bilang Senador. May mga kasong legal na kinakaharap ang Cervantez Corporation, makikinabang din sila sa merge na ito. Isa pa ay matagal nang plano ito. Nagkataon lang na dumadaan sa krisis ngayon ang parehong kompanya."

"I'm sorry Kath... We're so sorry at nadadamay ka. Pero pangako na maayos din ito. Just cooperate

for now honey, para sa kompanya." Ang mommy niya.

*End of Flashback*

Pagkatapos siyang kausapin ng mommy at daddy niya tungkol sa kompanya ay wala na siyang nagawa kung di makipag-cooperate na lang sa mga ito. Nagpa-presscon pa nga ang mga ito para sagutin nila ni Quen ang mga espekulasyon ng press na fake ang engagement. Nag-explain pa siya tungkol sa napanood ng press na pagtakas niya sa party noong gabing iyon. Puro kasinungalingan lahat ng sinabi nila ni Quen sa presscon. Ang galing nilang umarte.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon