Chapter 50 - Part 4

7.1K 116 12
                                    

A/N: Maikli lang 'to...

______________________________________________________

KATHRYN

"OH my God! NO!" Yumakap si Amelia kay Kath.

Ipinakita ni Kath dito ang video ng pagpaslang kay Don Armando. Ganoon din ang reaksyon niya nang unang mapanood niya iyon.

"Ninang... Sorry," Kung hindi siya pinilit nito na ipakita ang video ay hindi niya gagawin. Sinong normal na tao ang gugustuhing mapanood ang aktuwal na pagpaslang sa isang kapamilya?

"My God.... Kath! Si DJ... Siya yon di ba? Si DJ ang bumaril kay Tito Armando!"

"No!" Mabilis niyang iling. "It's not him, Ninang. Sa unang tingin ay parang siya talaga... But if you watch it closely... Hindi si DJ yung lalaki. Kasing tindig at taas niya lang yung lalaki. Hindi siya yon."

Napatitig sa kanya ito. "Are... Are you sure?" Nagdududang tanong nito.

Tumango siya, " I'm sure... Hindi si DJ yon."

"Pero... Paanong... Bakit parang siya yon?"

"I don't know... Maybe, intensyon talaga ng taong gumawa n'yon na si DJ ang mapagbintangan sa pagpatay kay Lolo Armando." Iyon lang ang naiisip niyang dahilan. Kung hindi ay para saan at gusto siyang makausap ng taong nagpadala ng video?

Tumayo si Amelia. Nagpalakad-lakad ito, maya-maya ay muling umupo sa tabi ni Kath. "Listen to me... Whoever did this to Tito Armando must have something against the family. Tama ka, intensyon niya na i-frame-up si DJ."

"Kakausapin ko siya, Ninang. This has to stop. Hindi ako papayag na madiin si DJ sa kaso."

"No!" Hinawakan siya ni Amelia sa balikat. "Hindi mo gagawin yon, Kath. Hindi ako papayag. Baka mapahamak ka lang."

"Pero..."

"Leave it to me,"

"Ninang,"

"Ako ang makikipagkita sa taong yon... Ako ang bahala, Kath."

"Gagawin n'yo yon?"

Tumango si Amelia, "You're like a daughter to me, Kath. Hindi ko kakayanin kapag napahamak ka."

"Ninang," yumakap siya dito, "Salamat..."

______________________________________________________

DANIEL

"ANONG oras umalis?" Tanong ni DJ kay Morgy.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon