Chapter 14

8.6K 103 8
                                    

A/N: Tara... pasok tayo sa ballroom ng C Plaza and Hotel. :)))

__________________________________________

TAMA si Julia. Hindi isang simpleng Welcome Party ito para kay Quen Cervantez, the heir to one of the biggest business empire in Asia, the Cervantez Corporation.

It was a glittering party with the crème de la crème of society in attendance.

Si Amelia, ang ina ni Quen na isang socialite ay kilala sa pagbibigay ng malalaking party na gaya nito at palagi nang invited ang press sa mga events nito.

The press were having a 'field day' tonight. Walang tigil ang kislapan ng mga camera. Bukas, siguradong laman ng mga society pages sa mga peryodiko at lifestyle magazines ang kaganapan ngayong gabi. Bakit ang hindi? The 'Who's Who'

in society were there.

Sa isang mesa ay makikitang nakaupo ang tatlo sa pinakakilala at pinakamakapangyarihan sa mundo ng pagnenegosyo sa bansa at politika. Sa tuwina ay may lumalapit, bumabati at nagbibigay galang sa mga ito, dahilan upang maya't-maya ay maputol ang seryosong usapan ng tatlo.

Si Don Armando Cervantez, Chairman of the Cervantez Corporation, nakaupo ito katabi ang nakakabata at nagiisang kapatid na si Don Manuel, the President and CEO of their company, at kausap ng dalawa si Sen. Ramon Bernardo, the powerful patriarch of Bernardo family and Chariman of Bernardo Shipping Line.

Guests from the business sectors were there, mixing business with pleasure. The elites: Relatives, close family friends, and acquaintances were there mainly to see and to be seen. At hindi mawawalan ng makukulay at kilalang personalidad sa mundo ng showbiz at politika ang ganoong pagtitipon.

With best wines and foods served by uniformed waiters and an orchestra playing in the background, it was a grand party indeed.

Pero hindi ang masasarap na pagkain, alak, at ang mga bisitang naroon ang ipinunta ng mga press sa gabing iyon. Kung di ang malakas na ugong ng bulung-bulungan na ngayong gabi magaganap ang mahalagang anunsiyo mula sa mga Cervantez at Bernardo tungkol sa nalalapit na pagsasanib o merge ng Cervantez Corporation at Bernardo Company at ang formal engagement ng mga tagapagmana ng dalawang pamilya---- Sila Quen Cervantez at Kathryn Bernardo.

___________________________________

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon