Chapter 45 - Part 2

7K 108 8
                                    

DANIEL

"MAGPAPAKASAL kayo?" Nakasunod sa pinsan si Jian hanggang sa silid ng binata.

"Doon din naman kami papunta... Anong masama don?" Binuksan ni DJ ang closet at kumuha ng malinis na towel. "Anong oras umalis sila Khalil?" Pagiiba nito ng usapan.

"Pagkaalis mo kanina ay umalis na rin sila..."

Tumango lang si DJ at lumakad na papunta sa banyo ng silid. "Pakisara ang pinto paglabas mo."

"May napulot ako sa labas kanina," Dinukot ni Jian mula sa bulsa ng suot na apron, gamit pangusina, ang maliit na supot.

"Ano yon?" Naudlot ang pagsasara ni DJ ng pinto ng banyo.

"Regalo sa yo,"

Sandaling nangunot ang noo ng binata, bago, "Ipatong mo na lang sa kama..." Isinara na nito ang pinto.

Napakibit-balikat na lang si Jian. May itatanong pa sana siya dito pero makakapaghintay naman iyon. Mukhang nagmamadali na talaga ang pinsan.

Ipinatong ng dalaga sa kama ang supot kung saan isinilid nito ang basag na boteng may lamang sulat at necklace galing kay Kath--- Pinakialaman na niyang basahin ang laman ng sulat kanina kaya nalaman niyang galing sa nobya iyon ng pinsan. Pagkatapos ay lumabas na ito ng silid.

________________________________________________

KATHRYN and DANIEL

"DAHIL pareho pa kayong hindi tapos ng kolehiyo ay napagpasiyahan namin na sa bahay ka muna ng mga magulang mo uuwi, Kathryn... Maliban mamaya pagkatapos ng kasal at tuwing Sabado at Linggo. Maaari kayong magsama bilang ganap na mag-asawa pagkatapos ng graduation." Si Don Armando.

Nakaupo sa kabisera ng library table ang Don. Sa kanang upuan ng kabisera ay nakaupo si Don Ramon. Sa kaliwang bahagi ng mahabang mesa ay magkatabi sila DJ at Kath.

Sa namumugtong mga mata ay sinulyapan ng dalaga ang abuwelo na kaharap sa mesa. Simula nang ipagkasundo siya nito kay Quen para sa kompanya ay bahagyang lumayo ang loob niya sa abuwelo... Parang naulit lang ngayon ang pangyayaring iyon. Sa pagkakataong ito ay si Don Armando naman ang kakampi nito at hindi si Don Manuel.

"Magpapakasal kayo sa simbahan pagkatapos ng graduation." Dagdag ni Don Ramon. "Inaasahan kong hahayaan mo munang maka-graduate ang apo ko, DJ, bago mo ako bigyan ng apo sa tuhod." Pabirong sabi nito sa binata.

Mahinang tumawa si DJ, "Pangako ho, sir..." Sagot nito sabay inabot ang kamay ng nobya sa ilalim ng mesa.

Mabilis na binawi ni Kath ang kamay sa binata, bago tumayo, "Excuse me... I need to go to the restroom." Sabi ng dalaga na hindi tumitingin kahit kanino.

"Bilisan mo, hija... Naghihintay na si Mayor sa munisipyo." Paalala ng abuwelo dito.

Mabilis ang mga hakbang na lumakad palabas ng library si Kath. May palagay siyang ano mang sandali ay papatak na naman ang mga luha niya. Bakit ganon? Wala ba talagang halaga ang opinyon niya tungkol sa bagay na iyon? Wala man lang nakaisip sa pamilya niya kung ano ang nararamdaman niya tungkol sa kasalang magaganap.

"Kath,"

Huminto siya sa paghakbang nang marinig ang tawag ni DJ. Na sa pasilyo na siya. Hindi niya naramdamang sumunod sa kanya ito.

"We need to talk..."

She flinched when he touched her arm. "Anong kelangan nating pagusapan?" Malamig na tanong niya dito.

Hindi ba't kanina pa ito nagdedesisyon magisa para sa kanilang dalawa? Bakit maguusap pa sila ngayon?

Nagsasalubong ang mga kilay ni DJ nang humarap sa kanya. "Bakit umiika ka?" Nakatingin sa paa niya ang binata.

SWEETHEART 1 --- [KathNiel] *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon